2 weeks Sembreak, in short 14 days na naka kulong sa loob ng bahay namin. Nakakabagot , nasa loob lang ng bahay, wala ng ginagawa kundi gising kain internet tulog lang. hindi ba nakakasawa yun? mas gusto ko pa pumasok nalang sa eskwelahan nalang, kasi may libangan sa school. tawanan w/ my classmates. sulat sa notebook, review, aral aral. (pero minsan masakit din sa ulo) pero kahit pagod ka sa eskwelahan, masaya ka naman dahil nakasama mo ang mga ka klase mo, after ng school. maalala mo yung mga funny moments mo w/ your classmates and your instructor. di ba nakakapag gaan ng feelings, kaysa naman andito ka lang sa loob ng bahay, kain tulog, tataba ka pa. nararamdaman ko na tataba na naman ako this sembreak ang taba ko na nga, tataba na naman ako ng bonggang bongga, sino naman di maiinis doon? hindi na mag kakasya ang aking uniforms. pero atleast, nakakapag pahinga after ng super heavy na exam tapos pahinga. *yikes*
Noong october 16, 2010 last day of exam, After ng last exam, balak sana naming manuod ng Sine ni aubrey, yung movie ni vice ganda( PETRANG KABAYO ) pero hindi kami natuloy dahil gagabihin kami kapag manunuod pa kami. kaya yun, nag jollibee nalang kami. sayang nga lang. sa october 22 ba meron pa ba yung petrang kabayo, sana meron pa, para bonggang bongga tawanan kami kapag matutuloy kami manuod na naman.
Nun last day na namin, after ng Exam, (october 16, 2010) nag paalam na kami sa isa't isa. yung iba magbabakasyon, super HUG kami. yown. yung dalawa kong classmates( YNA at kathleen), naiyak kasi yung ate atehan namin (ate chin), aalis na :( hindi na siya mag aaral sa school namin. so nakakalungkot talaga. may aalis. pero atleast may communication pa (facebook,text) yung isa ko ding classmate hindi na mag aaral, si marie. because of money problem. yung isa si karen hindi na mag aaral kasi aalis na daw sila sa december, pupunta silang canada. that's so sad. :(
Next sem, another chapter na naman saaming college life, salamat naman at kahit papaano eh naka survived ako sa First semester, and I hope pasado mga grades ko, specially sa Theoretical foundation in nursing (major ko) at College algebra. mahina talaga ako sa mathematics since then, pero pinipilit kong mahalin ito, pero hindi niya din ako kayang mahalin, mahina pa din ako. wala akong magagawa. next sem may mathematics na naman, trigonometry. parang di ko ata matake.sana naman makaya ko 'to. *aja*
I'm excited in second sem, because tuturuan na kami mag BP and etc. sana naman makaya ko din kasi medyo mahina pan dinig ko. kaya sana makaya ko *aja* October 22, 2010 is our enrollment day. sana sabay sabay kaming mag enroll para classmates pa din kaming mga BSN I A. So, till here. I will enjoy my Sembreak. I hope next sem magka klase pa kaming mga BSN I A ♥