Sunday 7:34 am
Good morning, Umagang umaga kumakain ako ng ice candy, katatapos ko lang uminom ng gamot ko. hindi kaya maapektuhan nito ang gamot? nagbebenta kasi kami ng ice candy, dati kaming may sari sari store pero nagsara noong umalis na ang nanay ko papuntang Canada, hindi ko alam kung ano ang eksaktong rason kung bakit pinasara pero ang pagkakaalam ko para matutukan kami ng tatay ko. habang tinatype ko ito, ubos na yung ice candy na kinakain ko, masarap kasi. madaming bumibili, karamihan mga bata. ako naman yung laging nanguubos. naka dalawa na ako simula kanina. Linggo pala ngayon, rest day. masarap sana gumala pero wala akong kasama at ang pinaka higit doon wala akong pera. Kahapon pala nag mcdo kami. (magpopost ako ng pictures sa next post ko) Sumama ako kasi alam kong may pera pa ako, nakita ko kasi may mga 100 pesos pa ako sa aking bulsa. yun sumama na ako, este kami. madami pala kami nagpunta kaya ang saya. eksakto nadala ko yung digital camera ko kaya kahit papaano nakakuha kami ng litrato namin bago maglowbat yung camera, after naming kumain nagpunta din kami sa national bookstore bumili si amira at aileen ng Rizal na book kasi kailangan sa school, tapos hinahanap ko din yung Lost Diary of Rizal kasi sabi ko yun ang ireregalo sa akin ng nakabunot sa akin, ewan ko kung si jannine yung nakabunot sa akin baliw yun di pa niya sabihin hahaha. nagbunutan kasi ng mga kagroup sa duty eh, hindi namin alam kung ano ang gusto nia kaya tinatanong nalang namin kung ano ang gusto, diba mas sure kapag tinatanong na kaysa hindi naman ma appreciate ang regalo mo. Kung ireregalo nila yung The Lost Diary of Rizal, palalagyan ko ng mensahe. syempre para hindi ko malimutan yung nagbigay. 340 yung book sabi ni Jannine magdagdag ako ng 100 pesos regalo pa ba yun? hahahaha. Ehh kung hindi ko lang gusto yung book na yun. kaay.
Saturday, November 19, 2011
Thursday, November 10, 2011
November 10, 2011
Kanina, Skills lab namin, Ano ang Skills Lab? Dito Hinahasa ang mga future nurses ng pilipinas, chos. hindi, dito kami nagsasanay para maging eksperto kami sa mga nursing methods na ginagawa sa ospital, sa paaralan namin, halos isang building ang sakop ng nursing skills laboratory, dito parang may munting hospital, para din siyang hospital, ngunit walang pasyente, mga dummy lang ang mga ginagawa naming pasyente minsan mga classmate namin. masaya kasi nagagawa namin yun. yung ibang procedure as in actual ginagawa. kagaya na lamang ng pag inject sa muscles, partner ko classmate ko at tinusukan ko siya, tinusukan din niya ako. ang sakit nun pero masaya kasi alam mo ang nararamdaman ng pasyente mo kapag tinutusok mo siya. magbalik tayo sa ginawa namin kanina, Nasa skills lab kami kanina para turuan kami mag suction ng pediatrics (mga bata) kung titignan mo, gagawin mo sa dummy na baby parang ang dali pero kapag actual baby na yan, parang nakakatakot mag suction, tinuruan din kami ng NGT (Naso Gastric Tube) at OGT (Oral Gastric Tube) Insertion,Ginagawa ang procedure na ito kapag ang pasyente ay di maka swallow ng pagkain, kagaya nalang ng mga comatose na pasyente at na stroke na pasyente, ginagamit din ito para mag lagay ng mga gamot sa mga comatose at na stroke (kasi mga ibang na stroke di na makaswallow) madaming steps ang kailangan para gawin yun, kinakabahan ako kanina kasi baka may malimutan akong steps sa return demo namin next week, Return demo? ito yung mag peperform kami sa harap ng Clinical Instructor namin, parang uulitin namin yung tinuro nila sa amin at bibigyan kami ng grado. Kanina, Ang saya lang, tawa kami ng tawa, masaya din ako, at SILA kasi nagbabalik ako sa Group 5, kasi nalipat ako sa Group 6, malungkot ako kasi nalipat ako don sa Group 6 pero sa wakas nagbabalik na ako sa Group 5! sana permanente na yun. Bukas may pasok ulit kami at tuturuan naman kami ng Catheter insertion at Cardio Pulmonary Resuscitation, Magkwekwento ulit ako bukas. Goodluck BSN 2 A!
11-11-11
Anong nangyari sa Title ng aking post na ito. Makikiuso lamang ako, Bukas, 11-11-11. Ika 11 ng Nobyembre taong 2011. Sabi nila espesiyal itong 11-11-11 na ito kasi nangyayari ito tuwing Ika-823 taon. Diba ang cool? Madaming nag aabang sa phenomenon na ito ang saya kaya kung masaksihan mo ang 11-11-11 11am/11pm. Parang ang swerte mo kung ganun, para ka na din nakakita ng shooting star. aabangan ko yun! kung di ko man maabangan ng umaga, may chance pa ng gabi! kaya kayo, abangan niyo hahahaha minsan lang yan mangyari yan sa mundo. Eh paano naman daw ang Karma ko sa Plurk?
Nakikisabay din si karma sa 11-11-11 ang swerte naman ni karma hahahaha. Wala na akong masabi sa Post na ito. basta abangan niyo nalang bukas ang 11-11-11, Once in a lifetime lang to teh. kaya GO.
Monday, November 7, 2011
Pasukan na bukas.
Pasukan na talaga bukas. Wala tayo magagawa kasi nag enroll ako. hahahaha. Mararanasan ko na naman ang HELL WEEK nito. hahahaha. Sana masaya itong 2nd sem namin, Ang mga subjects namin. NCM 102, Pharmacology, Nutrition, Physical Ed. 4, Life and Work of Rizal, Sociology. Interesado ako sa subject naming Life and Work of Rizal. Love ko si Dr. Rizal eh, medyo mahilig kasi ako sa history, maslalo na kapag si rizal ang pinag uusapan. Sabi ng mga Irregular classmates ko, mahirap daw ang Pharmacology. Sana naman makaya din namin. Hindi ko din sigurado kung sino sino magiging classmates ko, kasi yung iba nahuli nag enroll kasi may mga make up duty sila. sana maging ka group ko ulit yung mga kagroup ko sa dutydati,. iba na kasi yung closeness namin noon. sayang kung hindi kami magkakasama, may mga iba din kaming classmate na tumigil na, kasi mag aabroad sila at yung iba, wala ng pera pampaaral. sayang naman kasi titigil lang sila. yung iba naman lumipat ng school si aubrey lumipat na din ng school, sa dagupan. sayang hindi ko na siya makakasama. hahahaha.atleast masaya na siya sa bago niyang school. :) Goodluck sa aming mag ka classmates ngayong 2nd sem ang bilis ng panahon, mag thi third year na kami next year at sana matapos namin itong course namin. <3

Nag search ako ng pictures ng Hell week. ganito lumabas, hahaha as if naman ganyan nararanasan namin sa school. nyenyenye. Salamat sa litrato: http://stonesoupforfive.blogspot.com/2010/08/unhealthy-kids-unhealthy-mom-detox-aka.html

Sunday, November 6, 2011
Isang Manunulat

Pangarap ko din maging isang School organ writer noong highschool ako. hindi naman ako nabigyan ng pagkakataon kasi tanging mga nasa mataas na seksyon ang nabibigyan ng pagkakataon magsulat sa school organ. kaya sa internet nalang ako nagsusulat ng kahit ano ano, kahit wala nang magbasa. Minsan din naman nakakasulat o nakakagawa din ako ng mga tula, minsan lang kapag tinupak ako, noong Hayskul nakagawa din ako (kami pala!) ng munting storya na nakakatakot para sa aming radyo drama, nakakatawa, halatang hindi pa kami marunong sa mga special effects, hahaha. Isa talaga sa mga pangarap ko maging manunulat pero hindi naman ako aplikado doon kasi hindi naman ako magaling sa pagsusulat. mahirap din kasi maging manunulat kasi kapag mag iisip ka ng isusulat mo, titig ka sa blankong papel, pipigain mo ang utak mo para lang may maisulat ka. Mahirap maging isang Manunulat. Meron akong isang tanong, kung saan kaya humuhugot ng inspirasyon yung mga manunulat na kilala ko. malamang, alam ko kung anong inspirasyon ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang mga espanyol. Kung maari lang bubuhayin ko yung mga espanyol na yun para magkaroon din ako ng inspirasyon, pero nagbago isip ko. hahaha. Minsan nga nasa paaralan lang ako, napadaan lang sandali si crash, nakakagawa na ako ng tula, napahanga ko classmate ko, pero nung napalayo na si crash, hindi ko na matuloy tuloy yung tula na nasimulan ko. minsan talaga kailangan mo ng inspirasiyon para makagawa ng obra. ano bang meron? sana lagi nalang ako may inspirasyon para marami akong magawang tula hahaha. pero wala naman. kaya nag desisyon ako mag follow ng mga magagaling magsulat, kaya ito ako, marami nang inspirasyon. hahahaha. Kung hindi man matupad ang pangarap ko na maging manunulat, dito nalang ako sa mga blogs ko magsulat. napaka ambisyosa ko talaga kahit kailan. Paano ko ba tatapusin itong Post na ito?
Saturday, November 5, 2011
A Walk to Remember
Friday, November 4, 2011
Identity Crisis Strike?
Sa totoo lang, hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend. ewan ko kung anong reason kung bakit. totoo, NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ako. Hindi ko alam kung paano idescribe ang pag mumukha ko. kung ayos lang ba ang mukha ko.ano bang konek ng mukha sa love life anokebe! hindi ko alam kung paano idescribe itong sarili ko, kung may IDENTITY CRISIS ba ako? Tibo ba ako? Bakit wala pa akong Boyfriend? Babae ba ako? Nag cracrash naman ako. pero crash nga talaga, kasi lahat ng crash ko may minamahal nang iba, yung iba ko ngang crash eh, lalaki din ang mahal. hihihihi. nagkagusto din ako sa bading. pero hindi naman nakakapagtaka na nagustuhan ko siya kasi isa siyang disenteng bading, matalino at hindi nagsusuot ng pangbabaeng damit.
- Mga naisip kong Dahilan kung bakit wala pa akong Boyfriend:Isa siguro na reason kaya hindi ako nagkakaboyfriend, isip bata ako. hahaha opo, isip bata ako. tawa ng tawa, maingay sa klase, mahilig sa cartoons, at hindi matured ang pag iisip. Paano ba maging mature at paano umasta ang mature?
- Masungit ako sa mga lalaki. natanong tuloy ng bestfriend ko kung MANHATER ba ako? sabi ko, ewan.
- Mahiyain ako. Maslalo na sa mga lalaking nakikipag usap sa akin. (except sa mga ka close ko personal) Example: Bibili ako ng Pagkain at lalaki ang nagtitinda (maslalo na gwapo pa, ang charot ko!) lilipat ako ng tindahan. yun natanong na naman ng classmate/bestfriend ko na: Manhater ka ba? hahaha.
- Isa pang reason: Hindi ako palalabas ng bahay, Hindi ako mahilig mamasyal? hindi ako mahilig sa Party, Hindi ako mahilig sa Outing.
- Hindi ako nagdadamit ng pangbabae, hindi ako nagdadamit ng sexyng damit. yung nakikita yung cleavage. Conservative teh? Rakista ako umasta. Rakista din ako pumorma. Hindi ako nagheheels, hindi ako nag sasandal, converse o vans ang suot ko kapag nasa school ako.
- At isa pang SIGURONG SIGURADONG DAHILAN ay: Hindi pa ako Ready.Basta, hindi ko lang feel magkarelasyon. ayaw ko ng madramang love life hahaha. ewan ko na cocornihan lang ako. Siguro hindi lang talaga ako mature sa mga bagay bagay na ganyan. tsaka na ang mga ganyan kapag ready na ang utak kong isip bata. (
hahahaha, naiilang ako sa mga pinagsasabi ko)
The reason.
Galing na ako sa Doctor, Okay The reason why I have Hearing loss is, Perforated Ear drum. and Sabi ng Doctor, Try to wear Hearing aid, Punta daw kami sa Dagupan for Hearing Aid fitting, and ipagcocompare mo kung masmalakas ang pandinig mo with hearing aid or what. Its up to you kung bibilhin mo or hindi. I don't know what to do men, Kung pupunta ba ako or hindi? Wala pa akong pera. Oh Please, God, Please help me.
Thursday, November 3, 2011
Hearing loss?
Matagal ko na itong problema, high school pa lamang ako.ngayon, gusto ko ito magamot kasi nagkakaproblema ako sa aking eskwelahan, sa aking kurso,sa araw araw na pamumuhay ko. sa hospital nagkakaproblema ako kasi natatakot ako mag BP. minsan hindi ko nadidinig, minsan kinakabahan ako kaya naman kapag nag BBP ako ng patient, may kasama akong confident na magaling mag BP para edouble check ang Blood pressure ng patient ko. alam ko nakakahiya, minsan napagalitan ako ng nurse sa delivery room kasi ako ang circulating nurse sa delivery room. syempre kapag placenta out na you need to check the BP ng nanay, hindi ko nadinig yun diastole or yung over ng BP, di ako sure kaya yun napahiya ako. sinabi ko na bingi ako, sabi ni ma'am: "sana magpadoctor ka muna! sana hindi ka nalang nag nursing!" syempre di naman maiiwasan na mapahiya ako, dalawang beses nangyari sa akin yun na napagalitan ako. gusto ko umiyak nun pero pinigilan ko, ayus lang naman kasi para sa akin naman yun para umimprove ang pag BBP ko. hindi ko naman dinamdam yun, parang sanay na ako mapagalitan o mapagsabihang bingi, high school palang ako. gusto ko talaga bumalik ang aking pandinig, hindi ko alam kung saan ako pupunta na doctor, lahat ng doctor na pinuntahan ko, hindi naman bumalik ang pandinig ko, inalis lang ang pain sa tainga ko. natatakot lang ako kasi baka hearing aid na ang kasunod, pero hindi ako papayag na mag hehearing aid ako, nakakahiya kaya. hadlang naman itong tainga ko sa aking kurso. we are dealing people's life, na baka kaunting mali sa pagdinig ko, makasama pa ito sa pasyente ko. kung hindi man magamot ito, bahala na ang diyos sa akin. kanina galing ako sa doctor, hindi naman pinansin yun sinabi kong humina yun pandinig ko. iba naman yung sinabing sakit ko, may pharyngitis daw ako? nainis ako at naiiyak, hindi naman grabe yun tainga ko, nakakadinig pa naman, pero kaunti nalang, siguro babalik ako sa ibang doctor bukas para sabihin ang chief complain ko. gusto ko ibalik ang pandinig ko.
Wednesday, November 2, 2011
Ewan ko talaga.
Ewan ko talaga, Naiinsecure ako sa mga taong magagaling mag blog. magaling magsalita, magaling mag isip. ako wala man lang kalaman laman ang utak ko. ewan ko talaga. hahaha, frustrated blogger talaga ako. dati naman, marami akong naiisip na iblog, maslalo sa multiply ko madami ako naipopost. ngayon wala na, wala lang siguro akong inspirasyon. Tehehehehehe! Saan ba nakakabili ng Inspirasyon?
Subscribe to:
Posts (Atom)

