Friday, December 30, 2011

2011 Thoughts.

December 31, 2011 @ 1:40PM
Ilang oras nalang bagong taon na, maraming nangyari sa nakalipas na buwan, may maganda, may masama. hindi naman maiiwasan ang mga ito dahil kasama ito sa ating buhay, para sa akin isa itong positibo, simula nung nag duty na ako sa hospital, tinuturing kong isang positive ang mga problema, at sinasabi ko isa lamang itong pagsubok ng diyos para tayo lumakas. bakit nagsimula ito nung nag duty na kami sa hospital? kasi natutunan ko ito sa Clinical instructor namin na si Ma'am dolor, Lagi niya kaming napapagalitan kasi mali ang ginagawa namin, syempre hindi naman namin maiwasan ang magkamali, tapos nung nauusap usap kami sa conference room, sinabi niya sa amin na, "kapag pinapagalitan namin kayo, huwag kayong mainis, kapag pinapagalitan namin kayo ilagay niyo sa positive side, pinapagalitan namin kayo dahil tinatama namin kayo, kapag may problema dapat lagi ilagay sa positive side" at doon nag simula lahat. parang nagkaroon ako ng confidence, huwag damdamin lahat ng negative, huwag damdamin kapag pinagalitan ka.

Itong taon na ito ay napaka ganda para sa akin, kasi halos lahat naman kaming magkakapamilya hindi nagkaroon ng malubhang sakit at masaya yun. sana sa susunod na taon wala ulit magka sakit at malakas kaming lahat, at isa pa sa pina pra pray ko yung ligtas kami sa kalamidad, hindi masalanta ng bagyo ang pangasinan sa susunod na taon at magkaroon ng Peace. Ngayong 2011, nagkaroon kami ng mga away, nag away kami ng tatay ko, nag away kami ng kuya ko, at hindi kami makapag away ng nanay ko dahil malayo siya. hehehe, sa text pwede! grabe yung pag aawayan namin. nakakalungkot isipin na nag away kami ng kaunting bagay lang, napakaunting bagay nag aaway kami, na sana huwag nang maulit ang pagkakaroon ng away sa pamilya namin sa side namin ni kuya ko at papa ko, ang mga pinag aawayan namin minsan pera. sana next year huwag na kaming mag away dahil lang sa pera.

Nagkaproblema na din ako dahil sa school, hindi naman dahil sa pang tuition. hindi naman siguro bawal mamoblema sa mga lessons sa school, minsan kasi nahihirapan ako, mahirap pala mag aral kapag walang gumagabay sa'yo walang nagtuturo sayo, kaya naiingit ako sa mga classmate ko na teacher ang nanay kasi natuturuan sila at nagagabayan sa lesson ako, hindi ako natuturuan ng tatay ko o ng kuya ko dahil wala silang alam sa kurso ko, yung nanay ko, malayo siya kaya yun hindi niya ako natuturuan minsan sa mga di ko alam, feeling ko elementary pa din ako, hahaha. huy college ka na. sana sa 2012, hindi ako makaliban ng klase, magkasakit at hindi makaliban sa duty, mahirap na baka ma dropped ako.

Pinagpra pray ko din ang pamilya ko, maslalo na yung mga lola't lolo ko na humaba buhay nila, huwag sila magkasakit para makasama ko pa sila, makita nila akong mag gragraduate at magiging registered nurse balang araw. gusto ko maka tabi ko sila ulit matulog gaya ng dati, bigyan nila ako ng perang barya hahaha, namimiss ko sila. Pinag pra pray ko din si kuya ko na sana mag aral ulit siya at bumalik yung dating siya, na sumasamba. hindi na siya sumasamba. gusto ko pumasok ulit siya sa kapilya at sumamba. sana magbago siya. Si tatay ko, na sana tumigil siya sa paninigarilyo, lagi ko siyang pinapagalitan dahil naninigarilyo siya, sana maitigil niya na, at may dalawa pa akong hiling para sa kanya na hindi ko pwedeng sabihin dito. Si nanay ko, na sana tulungan siya ni God lagi sa pag wowork sa abroad, kapag napapagod siya sana palakasin siya ni God. sa buong pamilya ko, salamat kasi pinapasaya niyo ako, I wish na humaba pa ang buhay natin. Masaya ako kasi kompleto tayo. Happy New Year!

Thursday, December 8, 2011

Cooking Session in Nutrition!

Dahil sa may Subject kaming Nutrition, kailangan naming magluto ng mga nutritious foods, hindi kami mga HRM students, pero kailangan din namin magluto para sa aming pasyente para sa kanila. bawat pasyente may bawal kainin at may dapat kainin, syempre dapat alam namin lahat yun para sa ikabubuti ng pasyente. 
First time namin gawin ito, kaya naman exciting! 

Getting Ready sa pagluluto!

Mga Ingredients ng group namin.

Mga Ingredients ng ibang group.

Salad pala yung lulutuin ni ate kaya may mga fruits. 


 
May Hotdog kasi may Bake macaroni kami.

Busy sa pag aayus ng food.

Mga Ingredients.

Nagluluto na sila ng pasta!


After how many hours...

Group 1 Fruit churva hahaha Anong pangalan nito Fruit Salad kaya?


Ito alam ko.. Strawberry Shake? hehehehe Ang sarap! Protein Shake daw.

Group 1 Table Presentation

Group 2 (My Group) Bake Macaroni

Bake Macaroni and Fruit Salad, THE BEST YAN. hanggang ngayon nagugutom ako 
pag nakikita ko mga yan!

Group 2 Table Presentation

Yan, Table Presentation namin. Simple lang siya.

Group 2, my Groupmates.


 Group 3 Food. (hindi ko na naman alam yung name ng food)

Ham with Egg

Group 3 Table Presentation

Ang sarap ng Foods

Group 3, Sabi ko, Magpicture kayo oh. gusto naman nila. hehehe!

Ang sarap! Group 4 foods (hindi ko na naman alam name ng food!)


Group 4 Table Presentation. Oh yan, Chicken Pork Afritada daw.


Ayan na yung mga judges!

After nila kami tanungin ng churva ek ek na churva, Yown kainan na!



Nag gragrade sila oh!

Hindi ko marotate yung picture pero basta ang sarap ng foods. hahahaha!


Ang saya pala ng nutrition. hahaha. na absenan pa kami sa isang subject namin dahil dito. kaya yun. sana last subject nalang ang nutrition. hahaha. ang saya. busog na busog ako nung araw na yan SOLB! Next time ulit!

Para sa mga BROKEN HEARTED

March 20,2011


Di ko man naranasan magka boyfriend, naranasan ko naman masaktan at umiyak.di ko din naman kasi maiwasan mafall sa isang tao, di alam ng taong yun na in love pala ako sakanya. Nasaktan  at umiyak ako nung bigla nalang siya nawala. umaasa ako na makikita ko siya ulit pero asan na siya wala na?  Sabi nga ni Aiza Seguerra kanina sa Asap XV. "Kung broken ka, lahat ng bagay napapansin mo, at ang oras mo ay bumabagal"  Umiiyak ka kung broken ka? oo, dahil masakit, masakit kaya ka umiiyak. pero ang tanong mareresolba ba nito ang problema mo? marahil oo, maalis nito ang sakit gaya lang nito ng pag inom ng alak,malilimutan mo ang mga alaalang masakit, tatanungin kita bakit pag gising mo bukas nawala na ba ang sakit? diba may hang over pa na tinatawag? ang ibig kung ipahiwatig, kung iiyak ka, matutulungan ka ba ng luha mo? maslalo ka lang nito pinapahina, Nakakita ka na ba ng lalaking umiyak? Ako, Oo. Lalaking nakikipag break sa mahal niya, tingin ko, nawawalan na siya ng pag asa. umiyak na siya dahil alam niyang wala ng patutunguhan ang relasyon nilang tutol ang mga magulang, alam mo yung feeling non? ang bigat ng pakiramdam. pero di natin maiwasan umiyak.  
Mahal mo siya, ngunit may mahal siyang iba, at yung mahal niyang yun ay may mahal ding iba. Para sa mga broken hearted, Huwag kayong malungkot sa nangyari sainyo, Alam ko masakit ang nararanasan ninyo, pero subukan ninyo lumingon sa likod ninyo, malay mo may nagmamahal na iba sayo at naghihintay lang na makita niyo at umaasang mapansin niyo siya. Napakalaki ng mundo, Start your life, be strong.