Unang araw ng
Nobyembre, wala kaming undas, hindi kami maaring bumisita sa sementeryo dahil sa bawal sa aming relihiyon. sa tingin ko hindi ko na dapat ito ipaliwanag dito, kayo na ang bahala kung anong relihiyon kabilang ako. sa unang araw ng buwan na ito, ay pumunta akong urdaneta mag isa, sumakay ng jeep, nakakatawa dahil pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob ng jeep, napatanong tuloy ako kung ano bang amoy ko para tignan nila ako ng ganun, o maganda ba ako o napapangitan sila sa akin, sana sabihin nila yung mali para naman malaman ko. ilang taon na akong sumasakay sa jeep, sanay na ako sa ganun. alam ko na din kung ang isang mall ay kaunti ang tao sa pamamagitan ng mga kasakayan ko sa jeep, kahapon mga kasabay ko sa jeep, mga bata, mga senior citizen, may bulaklak, may malalaking bagahe na parang luluwas sila sa malayong probinsiya, pumunta lang naman ako sa city para bumili ng libro ni Ramon Bautista na
"Bakit hindi ka crush ng crush mo?" at libro ni Eros Atalia na
"Ligo na u, Lapit na me" at gamot nagpunta ako sa isang mall pero parang ma bibigo muna ako, dahil sarado pa ang national bookstore kung saan ako dapat bibili, naghintay muna ako sa upuan na antique na parang ilang taon na ang edad ng upuan, nasa gitna ito sa loob ng mall, habang naghihintay, katext ko ang nanay ko, sabi ko
"ma para akong tanga dito, sarado pa NBS" sabi niya,
"tanungin mo kung mag bubukas sila" Itong nanay ko, ilang taon niya na akong tinitraining. na dapat masanay na ako maging indepedent, kahit di niya sinasabi o minsan niya lang sinasabi na maging independent ka at dahil naudyok ako at nagkaroon ng lakas ng loob sa sinabi ng inay ko, tinanong ko sa guard kung magbubukas ang National book store sabi nila bukas na daw ito, pero nakikita ko sarado pa. guard ba talaga yung pinagtanungan ko o tambay lang? hinintay ko hanggang mag alas dose at nadinig ko nag open ang pintuan slash proteksyon sa zombie ng national book store, naghintay muna ako saglit para hindi magmukhang tanga sa loob ng bookstore dahil baka mag isa ko na naman. mga ilang minutos na ang nakaraan may nakita akong isang pamilya pumasok sumabay ako. at yun nagsimula na akong maghunting ng libro ni Ramon Bautista at Eros Atalia. Ito ang nakakainis sa bookstore na ito, magulo ang arrangement at napadami ng naka display na pang christmas decor, wala naman akong pakialam sa christmas decor dahil wala din kaming christmas. dahil sa nahirapan akong hanapin yung filipino section nakailang ikot pa ako, akala ko naligaw yung libro ni ramon bautista sa mga pocketbook, tinignan ko. pero bigo ako. una ko muna hinanap yung filipino section. tagumpay ako dahil nahanap ko libro ni Eros Atalia. sabi ko baka andito din yung libro ni bautista pero wala. kaya humingi muna ako tulong sa mga nandun na staff. at yun saglit nilang hinanap sa computer, "sino ang writer" tinanong sa akin, Si "Ramon Bautista" may sumabat sa akin, isang matandang lalaki, na matangkad, nakamaroon na damit, naka short pero kung magsakita parang may pinag aralan at parang may kunting yabang,
"Komedyante yun ah! Propesor yun sa UP, Hindi mo ba alam!?" "alam ko po" sabi ko.
"akalain mo walang alam pero matalino pala" sabi nung matanda, at nagsalita yung staff, yung
"Bakit hindi ka crush ng bayan?" nagulat pa ako dahil iba yung title natawa nalang ako sa isip, kasi nahanap na yung libro, nasa tabi lang pala ng mga libro ni PSICOM, dahil publisher pala ni ramon bautista ang PSICOM. ay bobo ko. at dahil nakuha ko na ang gusto kong bilhin, pumila na ako andun pa din yung matanda, sabi niya ulit sa akin
"patingin ng libro" nahihiya pa akong ibigay dahil sa title ng libro na
"bakit hindi ka crush ng crush mo" at binigay agad sa akin. echoserang matanda. pagkatapos kong bumili umalis na ako kaagad at sumakay tricycle papunta sa isang mall para bumili ng gamot at pinapabili ng kuya kong jollibee. ayus naman pala mag isa dahil nakakapagmulay ka. sa drug store na hindi ko nababanggitin kung ano, bumili akong gamot, tag 134.75 sabi niya sakin, nagbigay akong 140, tapos bumalik siya sa akin, sabi niya kulang daw pera ko, napag isip ako, 134.75 diba? tapos 140 binigay ko paano kulang? nagbigay nalang akong 100. tapos sinuklian akong 70 pesos. mastanga pa pala sa math yung babae kaysa akin, tinitigan ko ang resibo ko, bakit 134.75 tapos kulang pa yung pera ko. dahil hindi ako eskandalosa, at parang alam naman nung babae na mali siya, binalik niya ulit yung sukli ko at resibo sa counter, ay buset binalik yung 100 ko kasama ba yung 5 pesos na totoong sukli ko. how bobo? chosera. umuwi na ako. hindi naman ako nabadtrip dahil hindi lang pala ako ang tanga sa math sa mundong ito, meron pa pala. may pag asa pa. sumakay akong jeep pauwi sa amin, alangan namang bus? wala namang bus sa amin, bawat pag akyat ng pasaheros tinitignan ko mukha nila, may gwapo galing atang baguio nalaman ko dahil sa isang kasama niya na nakasuot ng damit na baguio hahaha, gwapo, parang emo style ang buhok at naka maleta, familiar ang mukha nila, dalawa sila. hindi ko alam kung saan ko sila nakita, sa facebook? twitter? o sa personal? bumaba sila sa malapit sa amin, malapit pala sa amin kaya pala familiar. bihira ko lang siguro sila makita dahil nag aaral sila sa baguio. napa gloomy ng araw na 'yun dahil siguro kaunti ang tao, wala masyadong nag gagala, dahil nga undas nila, masarap din pala minsan mag isa. masarap din pala maging zombie paminsan minsan. nabaha ata ang kwento ko.