Marami nangyari nitong nakaraan, may maganda, may masaya, may malungkot. lahat! the best kasi ngayon yung nararanasan ko,
Monday, March 26, 2012
March 26, 2012
Monday @ 8:41 PM
Marami nangyari nitong nakaraan, may maganda, may masaya, may malungkot. lahat! the best kasi ngayon yung nararanasan ko,malungkot, nawawala yung aso naming si Budoy, paborito kong aso yun eh, tapos nanakawin lang! puchng! gusto kong magwala pero wala nang magagawa yun dahil ayaw na ibalik nung nanguhang bata sa kabilang highway! alam mo yun, kahit sabihing "Aso lang yun!" pero sinasabi ng utak ko, "Hindi eh! Mahal ko yung aso na yun! hindi pwede palitan yung mga alala alang nagawa niya at sayang nadulot niya sa buhay ko!" mahilig ako sa mga hayop, kaya naman kapag namatay ito o nawala, super ang pag emote ko kahit sabihin mo pang OA ako to the nth power. ang grabe ng iyak ko kanina, sinisisi namin si papa ko basta ang habang kwento tinatamad ako magkwento. basta hindi mapapalitan si budoy! gustong gusto ko yung asong yun! kapag hapon o gabi maingay kami kasi kakulitan namin yun ni troy! kikilitihin ka hanggang sa sumigaw ka ng "umalis na ka dito! ang kulit mong aso kaaaaaaa!!" wala pa din, ididikit niya parin yung sarili niya sa katawan mo at yung ilong niyang MALAMIG! Namimiss ko na siya, sa gabi, bago ko isara yung pintuan sa likod bahay namin nag ba Bye pa ako sakanya, tapos tititig siya, ang ganda ng hugis ng mata niya na hanggang ngayon naalala ko pa, ang hirap kalimutan!! naiiyak pa din ako dahil wala siya dito sa bahay, nagaalala ako, napapaisip ako kung kumain na ba siya? ano na kaya ginagawa ng mga nakapulot sakanya?naiinis ako talaga! bakit kasi hindi ko siya hinabol!! nakakainis, sana mabawi pa namin ang aming budoy! :(
Marami nangyari nitong nakaraan, may maganda, may masaya, may malungkot. lahat! the best kasi ngayon yung nararanasan ko,
Subscribe to:
Posts (Atom)