NOONG HUNYO 1, yun na huling post ko. Nahihiya na ako sa blog ko na ito kasi hindi ko na sya nakakausap. Marami akong dahilan kung bakit hindi na ako nagpopost. Marahil. 1. Hindi interesado ang buhay ko. 2. Mabagal kasi ang laptop ko na, 2010 or 2011 pa ata bago. 3. Wala akong gana mag kwento kung paano gumana ang buhay ko. 4. Nasa tumblr ako nagsusulat ng paskil. 4. Busy sa trabaho. pagod stress at naenjoy ang real life. 5. Baka busy ako kumain. Nako, madami pang rason.
Oo nga pala, mula hunyo hanggang ngayong buwan na 'to, 8 months na ako nakatira sa malaking bansang pridedyer na ito. nung dumating kami dito, eh, summer, tirik ang araw kaya naman hindi kami masyado nahirapang mag adjust sa weather, pero nung nag "ber" na naramdaman ko na yung lamig, masaya, makakita ng nyebe, na fulfill na yung isa sa mga Bucket list ko. Gusto ko pa sana dagdagan yung bucket list ko pero wala ako sa mood mag tipa o mag isip ng ilalagay ko. ha ha ha.
Ito na pala ako, hindi na nurse, hindi na nanunusok ng pasyenteng tulog o nagbibigay ng gamot sa ngumangawang bata, ito na ako nag aalaga ng mga matatandang ibang lahi, may dementia, nakalimutan na kung anong edad nila, nakalimutan na kung anong taon ngayon o pakiramdam nila nasa Dekada 90's palang sila. Minsan naglilinis din ako ng bahay. Medyo malayo sa "Nurse" na trabaho ko sa atin. Malayo nga pero atleast kumikita naman. keri na ko dun, teh. kaya gora gora! para sa ekonomiya ng bansa, keri! kahit magpunas ng pwet o magpunas ng inodoro. keriy! Pero nagsimula na ako ng Assessment ko para sa License ko dito. na kung palarin, magiging nurse uli ako at malaki ang kita. Marami akong pangarap para sa pamilya ko at sa sarili ko. Minsan, nawawalan ako ng gana, o pag asa para ituloy ito pero alam ko, lahat ng hirap, gastos at pagod mawawala yan kapag natapos ko 'to, alam ko gagabayan ako ULI at lagi ni God. Malakas ako sakanya eh. Dibadibs, God?
Kalaban ko dito, ang lungkot, anxiety, depression, gutom, pagod at pagkabroke. walang pera! hahaha! kung gaano kadali magkapera, ganun kadali mawalan ng pera, sa daming masasarap at murang pagkain dito, nako mapapadami kang kain at bili. Gusto ko nga itry lahat pero di keri. hahaha.
Sa kasalukuyan akong nag eenjoy, promise, kung mawawalan man ako ng pag asa o nalowbat ang happiness battery ko, Marerecharge 'yan panigurado, lahat naman tayo dumadaan sa depression stage ng buhay natin, na kung minsan bakit, nalulungkot din tayo o feeling natin hindi umaayon ang plano natin sa buhay o hindi natin bati si God, Siguro normal lang yun. Sana mapanatili kong FULL lagi ang happiness battery ko para Good vibes lagi. Stay positive lang, L. Lahat ng hirap mawawala 'yan in future basta mag sumikap ka, Lahat ng Success, likod nyan, pasa, pawis, luha, pagod, at lungkot. May pangalan ang Success at iyon ay LADY LYN. :-)