Every monday, lagi kaming nag pupunta sa Mang Inasal para kumain ng PM2, Petso. paborito namin ito kasi malaki at unlimited rice, mapapasarap talaga kami sa kain kasi masarap ang ulam. nagsimula kami ma adik sa mang inasal noong summer class, hanggang june, kapag may vacant kami nagpupunta talaga kami mang inasal. kaya yun, nakita ni danica ang isang crew na gwapo nung summer, kaya naman kapag kumakain kami doon, lagi na namin o siya lang inaabangan yung lalaking yun! lagi! as in, tapos niloloko ko siya kapag malapit na matapos ang klase namin, nag aayos na siya nag popolbo, tinatawanan, ko siya kasi sinasabi ko nagpapa ganda na siya kasi makikita nya yung gwapo. pero hindi naman daw. dahil habit naman daw niya mag face powder bago matapos ang klase.
Noong Sabado (July 7), diba nabanggit ko na pumunta kaming dagupan kasama si danica, park at kuya gary, si danica hinihintay daw kami sa tapat ng mang inasal, nakita daw niya si gwapong crew, at papataas daw siya ng escalator, habang tumataas daw si gwapo, ngumingiti daw si gwapo kay danica, kinikilig na kwento sa amin ni danica nung nakita kita na kami sa harap ng mall. tinatawanan namin siya kasi baka daw siya nginingitian kasi baka naalala nung gwapo na si danica yung masiba sa mang inasal na kain ng kain at laging unlimited rice (biro namin! pero siya yung pinaka mahina kumain ng rice!) Lagi kaya kami doon kaya siguro kilala si danica!
Kanina (July 9), kumain kami ulit sa mang inasal, syempre inaasahan namin na meron si gwapong lalaki, nakita ni hyun ji yung name ng gwapong crew. “Lester” daw. tapos si lester ang nag serve sa amin ng sabaw, na masarap sa araw na yun. katas na galing sa noodles, nagustuhan ko ngayon dati kasi ayaw ko sa sabaw ng mang inasal maasim. eh sa kakapal ng mukha ni hyun ji, tinanong yung last name ni lester, di alam ng isang crew, pigil tawa kami ni patdom na parang kinikilig para kay danica. tapos bumalik ulit si lester kasi nagpa refill kami ng soy sauce, nakita ni park yung “Lorenzo” na name, eh, natawa kami ni kuya gary kasi LORENZO’s TIME daw! hahahahaha, eh bumalik na naman siya kasi nagserve ng sabaw at chicken oil lahat na kami nakatingin sa ID niya, ako naman ang nabasa ko “****Lester ********* Lorenzo” si patdom naman “**** Lester **************” TUMPAK si patdom! ang layo pa niya sa ID ah kaysa sa amin, siya pa nakakuha ng true name! pigil tawa kami ni patdom kanina tuwing lalapit si lester, para naman kami yung may crush kay lester (lalaki si patdom!) tapos nung tapos na kami kumain, naghugas kami ng kamay pero out of order ang sink kaya pinaghugas kami sa faucet kung saan yung place ng mga crew, andun si lester, super ngiti tapos nag “hello ma’am” daw kay danica at super ngiti. ano meaning nun koya? hahahaha. ngayon, ni search ko facebook ni lester, nakita ko may baby sa cover page niya, at nagulat ako kasi may anak na! as in, maluha luha at napatayo ako sa tawa! hahahahahahaha. tapos puro caps lock yung senend ko kay danica sa facebook chat. hahahaha as in may anak na pala at asawa! kung maka ngiti sa babae wagas! ay talagang! kung siya man yung nakita ko, talagang! hahahahaha nakakatawa! bakit ganun siya makangiti kay danica? PBB TEENS ang peg koya? hehehehehe ayaw ko na kumain doon hahahaha! basta natatawa ako. ang lande! PEBEEBEE TEEENS????
