NAG BROBROWSE AKO sa facebook ng kung ano ano, tapos napunta ako sa Tab ng Birthdays, Nakita kong Birthday ng Adviser ko noong Fourth Year High School na si Ma'am Eugenia Tablada Bukas (June 2). Isa sa pinaka hindi ko malimutan sa kanya ay yung, lagi akong pinupuri, ang sweet nya, Di ko makalimutan na every month magpapagawa sa akin yan ng Research paper tungkol sa Physics at ipapadesign nya para idikit sa Bulletin Board sa harap ng Room namin, Kailanman hindi ko naisip na mag palakas, Hindi ako gahaman sa Grades, Hindi kailanman tumaas ng Line of 9 ang Grado ko sa Physics (Subject ko sa kanya) noong panahon na 'yaon, at Maslalong Hindi Talaga ako pasipsip sa mga panahon na 'yaon. Sadyang Mahilig lang ako mag lay out at mag research noon dahil may PC at Internet kami, Pinapagawa nya ako ng mga Research paper tungkol sa Physics na dinidikit sa Bulletin Board. Sabi pa nya "Hindi na kita papagraduate-in" Bakit ma'am?? ang tanong ko, "Para may gumawa ng Bulletin Board ko". Hindi nya pinapakialaman ang grade ko dahil sa mga ginawa kong yaon, naging patas sya sa amin. Mabait sya, Sweet, Magaling magturo, Sya ang nagmulat sa akin na mahalin ang Physics. At isa sa mga di ko pa makalimutan ko sakanya, Hinikayat nya akong Mag Guro, Mag aral ng Edukasyon. Pero hindi ko nagawa. Kaya malungkot ako. kasi ngayong wala na sya, Ang PSU, ang naging aalala ko sakanya, na tuwing dumadaan ako sa paaralang yaon, ay sya ang naalala ko, Na isa sa mga frustrations ko ay maging isang Guro, kagaya nya.
Ma'am kung asan ka man ngayon, Isa ka sa mga Inspirasyon ko noon hanggang ngayon, Kahit hindi ako naging Guro, Sana masaya kayo, Naging Nars ako. Na yung isa sa mga Anak nyo ay Successful na, Ma'am, Kayo ang susi ng mga tagumpay namin. Hindi nyo man mabasa 'to, At least nasa puso ka namin Buong buhay namin. Happy Birthday po!
Monday, June 1, 2015
Wednesday, May 27, 2015
Wednesday, May 20, 2015
Bakit ganun? Kapag nagkakacrush ako sa isang tao, na nasa 20’s ah, lagi sa may asawa na, o kaya naman, may anak na pero hindi pa kasal, o kaya naman engaged na. YUNG WORST PA, Nagkaka crush ako sa mga Poging bading, nabibiktima ako. Naknamput. Nakakatawa. Hahahaha!! Wag nalang kaya ako umibig. Lagi nalang nasasaktan e. Chos.
Tuesday, May 19, 2015
Day off ko ngayon. Hehehe. Yun, kung day off naman paano kapag buong umaga at hapon at gabi masakit ang likod ko? paano ako sasaya? paano kung sumasakit ang ulo ko sa mga problema dito sa bahay. Kung sino pa ang pinakamatanda, sila pa ang magulo, sila pa ang pabigat.
Buti pa ang pagkain, pinapasaya ako. Pero bakit ganun, mabilis sila maiubos? Parang sa pag ibig lang. Pinakilig ka lang, pagkatapos iiwan ka din.
Buti pa ang pagkain, pinapasaya ako. Pero bakit ganun, mabilis sila maiubos? Parang sa pag ibig lang. Pinakilig ka lang, pagkatapos iiwan ka din.
Monday, May 18, 2015
Saturday, May 16, 2015
Until now, nakakaramdam pa din ako ng Inis at Asar pag tinatanong nila ako kung Tibo ba ako. Ilang beses ko na din tinanong ang sarili ko ukol dyan. Pero pati ang inner self ko, denideny na Tibo ako. Na hindi ako leslie.
Mahilig ako sa mga unisex na gamit, it means namimisinterpret ng iba o akala ng iba gamit pang lalaki yun, pwede naman sa babae. Mahilig ako sa dark things, like black sling bag, rubber shoes, black strap ng Relo, Tshirt, Pants, Mas comportable ako kapag suot ko sila. Hindi ko alam, hindi ko din maexplain kung ano talagang rason, kung bakit. Nandidiri din ako sa Spaghetti strap kasi nga frustration ko yan dahil hindi makinis ang kilikili ko haha. Hindi rin ako mahilig sa pekpek este shorts kasi konserbatibo ako. SIGURO Yung sagot kung bakit ganto ako magsuot o yung tipo ko ng damit ay: Dahil Konserbatibo ako. Siguro hindi pa ako nag mature o ano man hindi nag sink in sa isip ko na dapat magpakababae ako manamit. Babae ako. Sa katunayan, sampu ang crush ko. Malandi din naman ako (chos) kung malandi ako sana hindi ako NBSB ano. Pero yown. Babae ako at Hindi Tibo. Tapos.
AT BAKIT BA NASA PANLABAS NA ANYO KAYO NAGBABASE KUNG ANONG KASARIAN NG ISANG TAO. Porque ba nakapink ang Lalaki, Bading na? Porque naka black ang Babae, Tibo na ito? Porque maraming tattoo ADIK NA? get a life guys. Don’t be judgmental.

Tuesday, May 12, 2015
Sunday, May 10, 2015
Saturday, May 9, 2015
Tuesday, May 5, 2015
Thursday, April 23, 2015
Tuesday, April 21, 2015
Approved na ang Resignation Letter ko kahapon. May 20 ang last duty ko. Masayang malungkot ako, kasi gusto ko matapos ang kontrata ko hanggang Hulyo, pero hindi na maari, iiwan ko mga former classmates ko na eventually naging workmates ko. Bakit Masaya? Kasi malapit ko na makamit ang isa sa mga pangarap ko.
Sunday, April 19, 2015
Hahahaha. Hello. Kahapon, 4-12 ang duty ko. Tapos kinabukasan 8-4, shifting. Pagdating ng hapon, nakadama ako ng hilo at parang nasusuka. At natuluyan nga ang suka ko. Nakatatlo akong suka. Nilabas ko din lang ang kinain ko nung lunch. Iba sa pakiramdam yung hilo ko, malamig sa katawan, umiikot ang paningin ko, masakit sa ulo, sa mata, sa tiyan. Naduduwal. Para akong buntis.
Buntis daw ako? Paano ako mabubuntis kung walang nagdodonate ng Sperm? Langhiya naman. Hahaha. Okay. Pero yun, Magagamit ko na ang Sick leave ko, at ako lang ang tuwang tuwa na magkasakit at Magamit ang Sick leave sa trabaho. Ako na. Yiz.

Thursday, April 16, 2015
Iniisip ko ngayon kung bakit ito ang napili kong propesyon, yung makapag ligtas ng buhay, mag alaga ng hindi kilalang tao, bakit hindi ako nag guro? nag enhinyero, nag pulis? nag sisisi ba ako sa tinahak kong buhay kaya ganito ako ngayon ka emosyonal? Gusto mang lisanin ang propesyon na ito, pero bakit di ko magawa?
Monday, April 6, 2015
Natripan ko lang magbasa sa Timehop, tapos nabasa ko yung isa kong Tweet last year tungkol sa huling pagkikita / pagsasama namin ng nanay ko sa SM Baguio bago sya babalik sa Kanlurang bansa, Kumain muna kami sa Chowking tapos.. Nung nasa tapat na kami ng National bookstore, ayaw nyang ihatid ko sya sa labas ng SM. Kaya ako yung inihatid nya sa NBS, kasi andun mga classmates ko. Pinagmasdan ko nalang nanay ko na palayo. Tapos nakita ko sa side ng mukha nya na paiyak na sya. Nakakaiyak lang. Hay. Review days kasi nun at di ako makakasama na ihatid sya sa airport. Ang lungkot lungkot ko nun. Kaya ginawa ko nalang na inspirasyon yung nanay ko. Bayad yung pagpasa ko, ng board exam para sa mga hirap, pawis at luha nya. I cri. :'(
Sunday, March 29, 2015
Hindi ako naiinggit o ano.
Sa ika dalawang buwan ko sa pag tratrabaho bilang nars sa pilipinas, napakarami ko ng na kilalang klase ng pasyente at watcher. Mga mababait, mapag bigay. Pero mayroon talagang isang klaseng taong, nakaka kunot ng noo. Yung mga Taong, galing lang ng ibang bansa, kung makaasta, para kang walang alam sa pag aalaga ng Tao.
Nakatapak lang ng Kanlurang Bansa, akala mo kung sino makaasta. Batuhin ka ng Ingles na Lengwahe, parang wala nang bukas. Para ka bang walang pinag aralan, sa tono ng pananalita nila. Naiintindihan naman naming, nag aalala lang kayo sa estado ng inyong pasyente pero hindi naman sapat ‘yun para idegrade mo ang mga nurse. Meron pang tao na, maka english sa harap mo, pero pag talikod mo, nagsasalita pala ng ilokano! Aba’t papahirapan ka pa, pwede ka naman palang kausapin ng Ilokano?! May klase ng pasyente ding, nagpa confine nga pero lahat ng interventions na gagawin mo, mag rerefuse, (pero right nila yun, well) nagpa confine ka pa kung ayaw mo? Diba? Nakakaka walang gana lang kapag minamaliit ka ng mga watcher na parang hindi ka nag aral ng nursing. May mga demanding. May mga mayayabang. Mga nagpapakilalang Nurse daw sila sa ICU sa Abroad, Tapos malalaman namin Na sinabihan nya yung ROD na Renal Nurse daw sya sa Abroad. Ano yung totoo? Tapos tinatanong nya sa amin kung ano Side effect ng Dialysis, at ano ang pagkakaiba ng Vessel Due at Nitroglycerin? Yung mga ganung case ba. Yung mga taong nakatapak lang ng abroad, akala mo na kung sino.
Compare mo kaya facilities ng Pilipinas sa Abroad? Sana ibase din nila ang kalagayan ng pinas sa Abroad. Maka Rant nga. Gutom lang ‘to. Kain na lang ako. *Munch*
Dati, nung medyo bata bata pa ako, nagmamadali akong lumaki, makapagtapos ng kolehiyo para makatulong sa pamilya, para makapag ipon ng pera, pero hindi pala ganun kadali mangyari ‘yun. Pagkatapos pala ng kolehiyo, dito natin makakasalamuha ang totoong buhay, ang mundo na akala ko noon, napakadali. Na akala ko’y sa isang maliit na mundo lang na makakaya ng isang bente anyos na Bata o Malapit na maging matanda, yun pala ito na yung sinasabi nilang “Realidad”. Yung totoong mundo, Yung masaklap na mundo, yung may maraming pagsubok na mundo.
Napakarami palang proseso ang gugugulin pagkatapos ng Kolehiyo. Mga Pagsubok, nasayang na luha, pawis, enerhiya, at pasensya. Yung iniisip mong may dapat kang gawin, kasi ganto na ang edad ko, mas lumalawak ang responsiblidad ko, Maraming problema ang dumarating. Kung dati ang iniiyakan ko, ay yung Grade ko sa Math, ngayon, Kung paano ka kikita ng Pera, na pambili ng ganto, ng pamasahe, gastos para sana sa pamilya, na pantustos sana para sa sarili.
Hindi pala maganda maging matanda. Mas gugustuhin kong maging bata, maging estudyante. Yun bang ang responsibilidad mo lang ay ang pag aaral mo, ang maging mabuting kabataan sa lipunan at maslalo na sa tahanan.
Isa lang ang napagtanto ko after 21 years of existing, Hindi pala madali maging Matanda.

Saturday, March 28, 2015
Napakabuti mong tao. Pero bakit ganun, sinisira mo ang buhay mo.
Napakabuti mong ama sa mga anak mo. Pero bakit ganun, pilit mong pinapakita sa ibang tao na hindi ka mabuting ama.
Napakabait mong asawa. Pero ang tingin ng asawa mo sayo ay salot.
Napakabait mong kapatid. Pero bakit ganun, hindi mo nararamdamang mahal ka nila.
Napakabuti mong tao. Pero ganto talaga ang lipunan. Kahit mabuti ka, kung may pinakita kang kahit isang beses na masamang bagay, Magmumukha kang masama. Masamang masama. Kahit hindi mo sinasadya ang bagay na yaon.
Parang isang malinis na papel, sulatan mo lang ng bilog na maliit, yun at yun ang makikita nila, ang Kamalian. Napakasaklap. Ng buhay. Ng Pananaw ng mga Tao. Ng Paniniwala ng mga Tao.

Wednesday, March 25, 2015
Thursday, March 19, 2015
May mga tao talaga na kahit masasabi nating patapon ang buhay nila, mga lasengero, drug addict, mga nabaliw eh may mga kagaya nila napamahal sa madla, dahil sila yung mga taong masiyahin, mahilig magpatawa, na kahit ganun sila, hindi matino ang pag iisip, marami pa ding nakaka aappreciate sa kanila, yung hindi lang yung bad side nila ang nakikita nila kundi yung good side nila. Maraming tao ang mga patapon ang buhay. Yun mga sinisira nila ang buhay nila pero bakit ganun napakabait nila sa ibang tao. Minsan sinasabi nila sila yung salot sa lipunan pero sila pala talaga yung mga mababait. Kung sino pa yung mga napagsasabihan namababait na tao, sila pala yung mga gumagawa ng masama, ng palihim. ng masmalaking kasalanan. Hindi lahat ng taong masama ay masama. At hindi lahat ng taong mabait ay mabait. Tandaan nyo yan.
Bawat kriminal sa kulungan ay may kanya kanyang kwento. At hindi lahat ng taong kriminal ay masama, yung iba, inosente.
Naranasan nyo na ba yung may makati sa isang parte ng katawan nyo? Na nung kinamot nyo ay hindi pala dun banda ang makati at pilit nyong hinahanap ang makating parte na ‘yun. Minsan di nyo mahanap at kusang mawawala nalang yung kati. Siguro bihira yung taong nakakahanap sa totoong part ng katawan na makati.
Ang tawag pala dun sa nararanaan natin na ‘yun ay REFERRED ITCH o. “MITEMPFINDUNG” (http://en.m.wikipedia.org/wiki/Referred_itch)
It's been awhile since hindi ako nagpaskil dito. Busy ako, fulfilling my dreams, ginagawa ko sa totoong buhay ang mga pangarap ko sa buhay, na dahilang hindi ako makapag focus, sa mga bagay na naiwan ko bago ako natanggap sa trabaho. Nung una, nag dadalawang isip ako kung tatanggapin ko ang trabaho na ito, Hindi ko alam kung bakit, Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. ang maging nurse o iba? Pinili ko ang trabahong ito. Nars na ako, sa isang pribadong hospital, hanggang ngayon nag iisip ako kung mag bibitiw na ako sa posisyon na ito.
Nung natanggap ako sa trabahong ito, marami akong naiwan na gawain o tungkulin, maslalo na sa paglilingkod sa Diyos, sa unang week ko sa trabaho, hindi na ako nakakasamba. nalulungkot ako kasi pakiramdam ko, malayo na ako sa Diyos. Pakiramdam ko, sumasamba lang ako dahil nililigawan ko ang diyos, nililigawan ko para magparamdam uli sya sa akin, para maramdaman ko uli na nasa tabi ko lang sya. buong dalawang buwan na pagtratrabaho pakiramdam ko, wala sya sa tabi ko. Lagi ako nagkakamali, lagi akong napagsasabihan, napapahiya sa mga staff ko. Dahil siguro malayo ako sakanya. Kaya ngayon, gumagawa ako ng paraan para malapit uli sya sa akin.
Mag sasanta cena ako sa Lokal ng Urdaneta, kasi dahil nasagasaan ang duty ko ng Santa Cena sa Lokal namin, Malungkot ako, dahil, pwedeng ito ang magiging huling Santa cena ko sa aming lokal, Siguro. Malungkot ako. Sa Lokal na 'yun na ako, lumaki, maraming natutunan, natuto, natutong maging mabuting tao. Marami man akong kasalanan sa Diyos, pero bakit ganun, napakabuti pa din nya? Salamat, Ama.

Tuesday, March 10, 2015
Yung magkamali ka lang ng isang beses eh, ang tingin na sayo ng pasyente at S.O ay isang malaking Basura, isang taong Walang Utak. Na sana hindi ka nalang naging Nurse sa mga nababanggit nilang salita.
Napakahirap maging nurse sa pribadong hospital, bawat galaw mo, dapat perpekto ka. Kasi sa pagkakamali mo, magiging Bobo ka sa Tingin nila.
Wala lang, hugot lang sa experience ko / namin kanina ng staff ko. Sa isang magChemochemotherapy na Patient plus Reklamador na Bantay. Hay.

Wednesday, February 25, 2015
Saturday, February 14, 2015
Feb ibig nga daw kase
Kapag ganitong panahon, napaka common na mga problemado eh, yung mga single, mga sawi, kasi wala silang kadate sa valemtayms. Napaka plastik ko naman para sabihin na hindi ako nag bitter kahit isang segundo ng buhay ko dahil sa LOVE IS IN THE AIR MONTH ngayon. Nag bitter bitteran naman ako. Pero ano naman magagawa ng pagiging BITTER ko? Magkakaroon ba ako instant love life sa Valemtayms day pag nagbitter bitteran ang peg ko? Putcha. Hahaha. Isang ordinaryong araw lang naman yun para sa akin, sinabi kong ordinaryo kahit nakikita kong pulang pula ang paligid, maraming pusong nakasabit at nakadikit, maraming rosas sa paligid, may lobong hugis puso, maraming magkaholding hands sa tabi, maraming nakaupo sa hagdan ng mga pasyalan. Punuan ang hotel/motel Anebenemenyen, yun ba ang ordinaryo?! May kinalaman ba ang Valentines day sa Chinese New Year?! Bat parehas sila ng Motif? I mean kulay? Hahahaha.
Paano maging BITTER sa araw ng chinese new year este Valemtayms day.
•Kapag lalabas ako, Magdadala akong karayom para pang putok ng hugis pusong lobo.
•Kapag may makakasalubong akong magshota, Dadaan ako sa gitna nila, para magkahiwalay sila.
•Pupunitin at susunugin ko lahat ng Hugis pusong nakasabit sa mga stall.
•Kakalabitin ko ang magshotang naglalampungan sa parke at sasabihing: “Gusto nyo bang kumita habang magkasama kayo? Gusto nyo bang yumaman? Tutulungan ko kayo!”
•Titigil ako sa tapat ng magshotang naglalampungan sa parke o mall tapos tititigan ko sila at sasabihing “Alam nyo bang WALANG FOREVER?!”
•Titigil ako sa tapat ng magshotang nilalagam sa parke at sasabihing: “Hindi kayo bagay ng shota mo. Mabuti pang habang maaga pa, ibreak mo na sya, concerned lang ako, PREVENTION IS BETTER THAN CURE teh, Nurse ako, maniwala ka!”
Syempre biro lang lahat yan, hahaha. Hindi naman ako bitter totally sa Valentines day kasi February 14 ako mag sstart sa First ever Work ko. Goodluck sakin and Spread Love! Chareng.

Friday, February 13, 2015
That Thing called Lecheng pag ibig.
Nanuod kaming That thing called tadhana kanina kasama ko si park at pat. Isa lang masasabi ko, ang sarap ni JM. HAHAHAHA ang libog. De joke, ang pogi nya!! Kilig na kilig kami kanina e. Para kaming pusang kinikilig kanina sa sinehan.
Pang hugot talaga yung mga linya dun e.
Pang hugot talaga yung mga linya dun e.
Anthony: “Alam mo ‘yung sinabi ni F. Scott Fitzgerald? There are all kinds of love in this world, but never the same love twice.”
Mace: “Alam mo ‘yung love na 8 years na kayo? Sa ganong love ka pa ba magdududa? Pero wala pala sa tagal ng relasyon yun. Ke eight months kayo o eight years, kung gusto ka niyang lokohin, lolokohin ka niya. Pag hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya mahal.”
Anthony: “Hindi ka na niya mahal. Yun na yon. Ano di malinaw dun?”
Mace: “Tang *** naman, sabihin naman niya kung bakit–“
Anthony: “Bakit, kapag sinabi ba niya kung bakit, may magbabago? Ang bottomline, hindi ka niya mahal.”
Napaiyak ako nung nagkwento na ng Lovestory si Anthony. Kwenento nya lahat mula sa plano nilang mag gf at sa magiging name ng anak nila. Ang feels lang ng kwento. SANA MAY PART 2!
Thursday, February 12, 2015
Friday, January 30, 2015
Wednesday, January 28, 2015
May Chanum Street sa Burnham Park, Baguio City.
Non Verbatim
Ako: *Reads Shanum Street* Oy, Shanum. Shanum Tatting! Kilala mo si Shanum Tatting?
Jenn: Hahaha, Channing Tatum yun!
Ako and Jenn: Hahahaha.
Ako: *Reads Shanum Street* Oy, Shanum. Shanum Tatting! Kilala mo si Shanum Tatting?
Jenn: Hahaha, Channing Tatum yun!
Ako and Jenn: Hahahaha.
Korni. okay.
Thursday, January 22, 2015
Monday, January 19, 2015
Minsan? Hindi eh. LAGI naiisip ko, Paano kaya kapag hindi ako sumabay sa agos ng buhay, yung sasabay ako sa kabaliktaran ng agos. Yung hindi ko gagayahin yung buhay ng mga kaibigan ko. Magiging tama kaya yung mga desisyon ko? Magsisisi kaya ako sa huli? Na yun ang pinili kong desisyon? Paano kapag hindi ko ituloy itong layunin ko ngayon? Paano kapag iba yung ginawa ko, magsisisi kaya ako? O magiging masaya? Iniisip ko nga sana ang buhay ng tao ay may Trial and Error. Kapag nagkamali ka, pwede mo ibalik sa dati, pwede mo palitan, siguro ang buhay ng tao dito sa mundong ito ay napakasaya, walang pagsisisi, walang malungkot. Pero wala eh, ganun talaga ang buhay ng tao. Mararanasan at mararanasan pa din natin ang Pagsisisi na 'yan. Whether you like, or you like it. Siguro kung ano man ang desisyon ko sa buhay, ay nakatakda na talaga 'yun. Kung ano man ang desisyon ko yun na yun, masaya man ako o hindi.
Subscribe to:
Posts (Atom)