Saturday, October 26, 2013

Jenny and Juno Kiddos.

Hanga ako sa mga studyanteng pinanindigan nila yung anak nila. Yun kahit nasa ika huling taon na nila, kahit next year ay magtatapos na sila sa pag aaral, pinili pa din nilang buhayin yung anak nila, kahit nasa isip man nila na ipalaglag yung anak nya sa una, pero sa huli hindi nila ginawa, sinakripisyo nila yung isang taon, syempre, habang buhay mo ba naman makakasama ang isang bata na hindi mo alam, magiging isang matalinong tao pagdating ng panahon diba at yung isang taon na nasayang na pagbubuntis eh, mas malaki yung kapalit. Ang galing lang nila, maslalo na kapag pinanindigan pa ng tatay. Saludo ako sa mga tatay na ‘yun. syempre sa mga nanay! Ikalawa kaya ang panganganak sa pinakasakit na mararanasan ng isang tao, kasunod ng burning alive.

Isa pa, napanuod ko din yung JENNY and JUNO. hindi ko pa sya tapos panuorin, pero hanga pa din ako sa lalaki, kay juno kasi pinanidigan niya yung anak nila ni jenny. kahit madaling araw bumibili sya ng pagkain na gusto ni jenny kasi naglilihi. sana lahat ng kabataang nabubuntis, ganun kay jenny at juno, pero!!! sana wag nila gayahin yun, yun bang maaga silang magbubuntis, diba? masakit kaya tignan na ang mga magulang na umiiyak kasi nalaman nila na buntis o nakabuntis ang anak nila.. Aral muna tayo! :-)

Thursday, October 10, 2013

Silent Sanctuary Hang Over

Pumunta ako dito sa blogger para wala lang.. Pumunta ako dito wala naman akng naiisip na ipaskil. at bigla kong naalala yung pumunta kami sa gig ng silent sanctuary sa SM Rosales October 6, linggo. as usual, perstaym ko sila nakita, na napanganga lang kami ni jannine habang tumutugtog sila kasi ang galing nila maslalo na si chino na  tumutugtog ng violin at anjo na tumutugtog ng cello. ang galing nila, bihira ang may tumutugtog ng mga ganoong instrumento sa halos lahat ng OPM bands na alam ko, at isa sila sa mga pinaka magaling na banda, pinaka kakaibang tumugtog,at meron silang pinakamagandang kanta na halos lahat ay alam ko kantahin. kaya naman nung nalaman kong tutugtog sila sa SM rosales, sinigurado kong makakapunta ako, kahit mag isa ako, kahit umulan at kumidlat. Pero hindi naman ako mag isa pumunta dahil kasama kong pumunta sa gig si jannin ena halos mapanganga din nung tumugtog ang SS, dahil frustrated violinist (ata) si jannine kaya humanga siya kay anjo at chino.. Napakasaya ko nung nakita ko sila sa personal at haranahin kaming lahat kahit lalaki, kinilig sa mga kanta nila. Sana maulit ito para makita ulit sila. Napasaya ko walang duda, na hanggang ngayon halos araw araw ko pinapaikot ang CD nila sa Portable CD player ko, at pilit minimemorize ang mga bago nilang kanta, napakagandang musika nga naman, Salamat Silent Sanctuary sa maganda musika, sa pagpapakilig sa katulad kong fangirl, hihihi. Mahal ko kayo specially kay koya Jason rondero na napakabait!! < 3


Set

 Its playing time! Daming kinikilig! Isa na ako dun!


 
Kasama ko sa gig. Jannine, na crush si CJ, sino yun? yung kasama ng SS. hihihi

 

Pati sa album may pirma hihihi


Gaassh, kasama ko sila araw araw!!! Dahil sa pirma nila sa bag ko!


 
Funny chino!



Thursday, October 3, 2013

Positibo. (+)

May mga panahong, gusto mo mawala sa mundong ito, mawala na parang bula, huminga sa lugar na walang problema, pero hindi mo naman magawa dahil kailangan mo harapin yung mga problemang kailangang tapusin. kahit sinasabi mong hindi ko na kaya, pero nakakabilib pa din yung sarili natin dahil kaya natin na sugurin ang problema at pagkatapos ng araw, marerealized mong nakaya mo tapusin ang problema na sa una palang akala mo hindi mo ito makakaya pero yun pala, kaya mo ito lampasan.

Ganun naman ang mga problema eh, sa una mahirap pero maiisip mong madali lang pala itong tapusin. siguro ang isa sa mga dapat gawin tuwing may problema ay mag isip ng postibong bagay at wag isipin ang mga negatibong bagay na posibleng mangyari sayo. Think positive ika nga. nakakatulong siguro ito sa pagharap ng mga problema.

Ang sarap kaya sa pakiramdam na may mga araw na wala kang problema, "uy tapos na yung problema" napakaginhawa huminga ng walang iniisip.


 sana magawa ko din itong mga sinasabi ko. ang mag isip ng positibo.