Wednesday, December 31, 2014
2014
Napakaganda ng taong 2014 para sa akin, Nagkaroon kami ng alagang aso, na si Chubibo, Nakapagtapos ako ng kolehiyo, umuwi ang aking inay, nakasama ko sya sa pagmartsa sa entablado, nakapasa ako ng May 2014 Nursing Licensure Examination, nakapag medical para sa petition namin sa canada, natanggap akong Nurse Trainee sa isang pribadong hospital, at marami pang ibang biyaya ang dumating sa buhay namin sa taong 2014. Napakaraming challenges, Biyaya ang dumating nitong 2014, at kahit malungkot o masayang pangyayari pa 'yun, masaya akong nangyari yun sa buhay ko, kasi ginawa nya akong matibay, naging mas malakas ako, marami akong natutunan sa challenge na yun na dumating sa buhay ko. Kahit nitong dalawang buwan bago matapos ang 2014, parang nawawalan ako ng tiwala sa sarili, nadepressed ako, doubtful sa kakayahan, tinamad sa training, nawala ng pag asa, na sa kunting pagkakamali ko, nadedepress ako at ayaw ko na ituloy ang training ko. Siguro dumadaan ako sa Quarter life crisis, na siguro hanggang 2015, mararanasan ko ito, at sana makaya ko. Napakabilis talaga ng panahon, at parang nabibilisan ako sa pacing ng bawat bagay, parang ang bilis at hindi ko ata masabayan, na dapat maging mature din ako sa mga bagay bagay. sa 2014, naranasan ko ang totoong laban, totoong laban sa totoong buhay. hindi pa pala totoong buhay kapag nasa kolehiyo ka palang, para ka pa kasing naglalaro, pero kapag once na nakapag tapos ka, ito na, mararanasan mo na ang makipag buno, makikipaglaban sa realidad. Realidad na napakahirap makalaban.
Marami na namang expectation sa mga taong 2015. New Beginning, New Challenges. Marami na namang mga magaganap sa buhay ko na makakapagbago ng buhay, pwedeng may matutunan ako sa isang yun, o mababago nya ang buhay ko. Marami din akong inaabangan sa taong 2015. Excited ako para bagong taon, Excited akong kalabanin ang mga challenge sa buhay na parating. Marami na naman akong makikilalang tao na pwedeng makapag bago ng buhay ko. Hindi ko muna inaasahan ang Pag ibig. na syang inaasam ko sa mga nakaraang taon, pero malay natin. Pakiramdam ko, hindi pa ako handa sa pag ibig. Sa edad kong 20 at mag bebente uno na ako sa Hunyo. ano ba naman 'yan? isip bata pa din. Pero! ang inaabangan ko talaga sa taong 2015 is yung TRABAHO. Oo Trabaho na matagal ko nang inaasam, apat na taon ko inasam na SANA magkaroon na ako ng Trabaho, Gusto ko kasi maranasan na Makapag uwi ng Kahit isa o dalawang supot lang ng Grocery para sa pamilya ko. Proud na ako 'nun, Gusto ko lang naman sila ilibre ng sine o ilibre sa mga sikat na fast food o mamahaling resto. masaya ako nakikita silang busog. yun bang nakakadulot ng saya kasi nakikita mo din silang masaya kahit sa kaunting bagay lang. Inaasam ko din na sa taong 2015 eh, makapag abroad din ako. kung papalarin man kami, why not? kung hindi, di itutuloy ko nalang ang pagiging nars dito sa pilipinas. hindi ba masaya din yun? masarap pag silbihan ang mga pilipino, yung mga pilipinong kahit may sakit, mabait pa din sila.
Kung ano man ang plano ng diyos sa taong 2015 para sa kin, sa aming Pamilya. tatanggapin ko 'yun. Salamat, Ama, napakabuti mo, sakabila ng mga kasalanan namin saiyo. Andyan pa din kayo ginagabayan kami. Salamat sa taong 2014, napakasaya ng 2014 para sakin. Salamat talaga God!
Friday, December 26, 2014
"Malungkot ka ba na wala kayong pasko?"
Pero Kahit di ko naman sinicelebrate ang pasko, Nararamdaman ko naman yung saya, na nararamdaman ng ibang tao, yun bang kapag nakakakita ng mga christmas lights, pailaw, parol na may ilaw tuwing gabi, ay nakakatuwa talaga. ramdam ko din yung saya. pero yun lang hindi ko talaga sya sinicelebrate. Tinatamad lang ako ikwento kung bakit hindi ako naniniwala sa christmas o hindi ko sya sinicelebrate :-)
Kahit ganun, I still respect naman, yung catholic o yung mga ibang relihiyon na nagcecelebrate ng pasko, sana ganun din sila sa amin.
Well para maging safe ako ito ang ginagamit ko pag bumabati:
Happy Holidays to everyone! Mwa! Spread L-O-V-E! :-*
Wednesday, October 29, 2014
Message to my self
Pero sa kabilang banda, naiisip mo, masaya naman mapag isa ah. Kasi naiisip mo ang kahalagahan ng sarili mo, na dapat mahalin mo ang sarili mo, na sa kabila ng kalungkutan na nadarama mo, napakablessed mo pa din, kasi humihinga ka. Hindi mo dapat isipin na mag isa ka, andyan ang maykapal nakatingin lang sayo. Kasama mo.
Hindi mo kailangan ang komento ng iba, hindi mo kailangang mabuhay na ginagaya ang buhay ng iba. May iba tayong paraan o way, kailangan natin ng originality para mapatakbo ang buhay natin. Kung ang buhay mo ay Basura, taas noo ka pa din, isipin mo atleast, kakaiba ako, kaya ko pa din tumayo sa sarili kong paa na hindi ginagaya ang buhay ng iba. Minsan naiisip natin na gusto ko sya maging ako, naisip ko, bakit hindi ako gumawa ng sariling ako? Yung hindi sinusundan ang stilo ng buhay nya? May sari sarili tayong way of living. Gusto mo sya maging kagaya mo? Wag. Maging awesome ka, hindi dahil ginaya mo ang buhay nya, kundi naging awesome ka sa paningin ng iba dahil UNIQUE ka. Kakaiba ka sa kanila. :-)
Tuesday, October 28, 2014
Flaws
Nabasa ko ang mga libro ni Ramon Bautista, Kaya daw maraming NBSB, Walang shota ng ilang taon ay dahil Mataas ang Standards nila, nangangarap sila ng isang tao na nabuo nila sa kanilang isip, siguro dahil na din sa pagbabasa ng mga nobela, dahil lahat naman tayo naghahangad ng magandang love story, kaya matataas ang expectation natin sa isang relasyon, Mataas ang standards natin sa taong gusto natin maging kasintahan. Sabi ni Ramon, Ibaba daw natin ang Standards natin. Siguro, Wag tayong maghanap ng perpektong tao, o wag natin hanapin yung taong nasa isip o nabuo ng isip natin kasi, Hindi totoo yun. Lahat tayo may flaws.
Napakahopeless romantic ko ano? Ganito ang mga NBSB. Minsan naiisip ko nga, Gusto ko ba makaalis sa pagiging NBSB o Sadyang gusto ko lang makaranas umibig ng tunay. Ayaw ko magmadali, Iniisip ko lang yung mga bagay bagay, mga what ifs, ayaw ko magmadali.
Friday, October 24, 2014
Rehab
Pero Balik tayo tungkol sa Pagka adik ko sa Internet at ang pag gamit ng Cellphone o Electronic Gadget, Parang dapat Kasama ko na ito araw araw. Nakakamiss din yung panahong wala akong ganitong bagay, Minsan nga napaisip ako, ano ba yung itsura ng buhay ko nung mga panahong wala pa akong Touch screen na phone, at Internet. Muntik ko na nga makalimutan ang mga panahong iyon. Nakakamiss balikan. Yung mga panahong hindi pa ako, TAYO adik o Nagpapa alipin sa Makabagong Bagay Gaya ng Cellphones, Tablets, Laptops, at ang makapangyarihang Internet. Nagsimula akong gumamit ng Internet noong Taong 2008, Uso pa friendster noon at sa computer shop pa ako nag frifriendster kasama ng mga classmates ko. Ako din ang nag introduce sa kanila ng facebook, sa kadahilanang ininvite din ako ng Ate Rana ko magfacebook, Dahil Ito daw ang uso sa canada noong taong 2009. Kaya ayun. Doon nagsimula ang Pagiging alipin ko sa Internet. Naging Iba ang buhay ko. Ang kalusugan ko. Siguro naapektuhan na. Hindi pala SIGURO. SIGURADO.
Monday, October 20, 2014
Sunday, October 12, 2014
Thursday, October 9, 2014
Tuesday, October 7, 2014
Bisexual me.
Me: *Tingin sa short ko* Naka jersey short ako.
Cousin: Tomboy ka?
Me: *Faints*
Grabe 6 years old na mapanghusga. Kapag naka jersey short tomboy na? Gusto ko mangsako ng bata? At isasabit yung sako sa puno ng mangga?
Monday, October 6, 2014
Bago ka makakuha ng RESPETO galing sa Iba, Dapat i - RESPETO mo din ang SARILI mo. Okay? Wala akong galit sa mga Gay, BI, Lesbian, Transgender. I’m just concern. Sa katunayan, marami akong friends na BI, Okay? NO hard feelings.
Sa katunayan mag aapply din ang post na ito pati sa mga Straight
Saturday, September 27, 2014
"You meet thousands of people, and none of them really mean anything to you. And then you meet one person, and your life is changed forever"
Wednesday, September 24, 2014
October 24, 2012
Tuesday, September 23, 2014
R.O.N
Sa tingin ko, Ikaw yung Tamang tao para sa akin, Opinyon ko ito, at sa naniniwala akong Fact ito. Ganyan ka lakas ang pananalig ko. Ano kayang trip ng Diyos at Minsan lang tayo pinag sabay sa iisang dyip. Sa layo natin sa isa’t isa, pakiramdam ko, napakalapit ko sa’yo. Dun lang kasi kita nakita ng malapitan. Dibale, dalawang beses kita nakikita sa Isang linggo. Dalawang araw kada isang linggo. minsan nagtatama ang ating mumunting mata. Salamat sa diyos. Sa Daming taong nakakasalubong ko sa banal na lugar iyon, ikaw lang yung gusto kong makasalubong. Sa sobrang liit ng bayang tinititrhan natin, hindi pa tayo nagkatagpo kahit isang beses.
Hindi ko alam kung nagkakasala ako tuwing ikaw ang iniiisip at hinahanap ko tuwing nagpupunta ako sa lugar na ‘yon. Sana mapansin mo ako. Sana.
Wala akong maikwento kasi wala akong ginagawa.
So Nagagamit ko ngayon yung Logic na ýun. Wala akong maisip na maikwento pero Naparami na akong nasabi kahit wala akong maisip na ikwento. Huh? gulo.
Soo, ito nga. BorednaBored na ako. 3 months na akong tambay dito sa mumunti naming tahanan. Hindi pa kami tinatawagan nung Chief Nurse ng isang private hospital na inapplyan namin as Nurse Trainee palang. Kung alam niyong masaya ang maging tambay sa Tahanan. HINDIE. mamatay ka, sa araw araw puyat, pareparehas ang namemeryenda mo, may cycle ang activities mo,kung dati nakakamiss ang maging tambay, ngayon gusto kong gumalaw galaw at mamasyal masyal yung hinahanap ng katawan ko yung pagod para antukin ako sa gabi, kasi kapag maghapon akong tambay di ako pagod at di ako makakakatulog at puyat!!!
Gusto ko na mag work na hindi. Nakakahiya sa nanay ko :-(
Saturday, September 20, 2014
Monday, September 15, 2014
Minsan sa buhay, kailangan mo mapag isa para marealized mong, kailangan mo pala ng kasama sa buhay. Gulo ano? Ang hirap mapag isa. Yung makakakita ka ng mag kasintahan, magkahawak ang kamay, parang kapag naghiwalay sila e mamatay silang pareho. Iniisip mo, "kailan kaya ako makakahanap ng lalaking mamahalin ako kung sino ako. Kapantay o higit pa ng pagmamahal ng magulang ko sa akin?" "Kailan kaya ako magigising espesyal?" Minsan sa buhay kailangan mo mapag isa para maisip mo kung ano wala sayo.
Sunday, September 14, 2014
Kalakip na alaala
Saturday, September 13, 2014
Qe
pero hindi ka naniniwala dahil baka niloloko ka lang niya?
kaya hindi ka naniniwalang totoo yung kinikilos nya.
kasi iniisip mong baka totoo nga’ yung pinapakita nya.
Friday, September 12, 2014
September 12, 2014: Biktima ng PG 13
Pagkatapos namin maghiwalay ni Hyun Ji ay nagkita naman kami ni Jannine, Sabi nya kasi ililibre nya ako sa City Deluxe, (Sikat na kainan sa Dagupan na mayroon na ding Branch sa Urdaneta) Sumakay na akong dyip para makatipid, Sampung Piso binayad ko pero di binalik ang 2 pesos na sukli, daya ni Manong. Nung nakarating ako, naghintay ako ng medyo 15 minutes sa labas ng Restaurant, Yun pala kasama nya ang family nya, medyo nahihiya ako pero oks lang parang family na din ang turing ko sakanila kasi lagi akong nakikitulog noong studyante pa kami sa bahay nila kung gagabihin uuwi sa duty at kung night shift ang duty ko para makatipid sa pamasahe. yun nabusog ako, kahit isang kanin lang ang kinain ko tapos isang piece ng chicken, ewan ko bakit nakakabusog dun, sulit kumain din pala ako ng Best seller nilang pancit kaya solbs!
Pagkatapos naming kumain agad na kami sumakay ng ordinary bus papuntang SM Rosales, Sakto ang panuod sa TV nila She’s Dating The gangster na sana papanuorin namin noon kasama si Jannine pero dahil ayaw ko noong bumababa kasi nasa Baguio kami noong for Review, kaya di kami nakanuod at di ko napanuod. (ehem Hindi ko pa din gusto si Daniel)nakarating kaming Sm, di pa din tapos yung SDGT. oks lang.
Pumunta muna kaming Department Store para bumili ako ng Pantalon, Nakabili naman ako agad at Pagkatapos namin bumili, Nanuod kaming Sine, THE GIFTED. XD, Alam mo yung EPIC, dun Ang saya saya ko pumasok ng Sinehan bigla akong haharangin ng Tanong nung Aleng kumukuha ng Ticket nagbabantay sa Pintuan ng Sinehan, “Ilang taon ka na!?” Si jannine ang bilis ng utak, “Hala Ate, 20 na po sya!” Sabi naman nung Ale “Hala, Sorry di ko nakita!” Ayun tawa nalang kami ng tawa, hindi ko alam kung COMPLIMENT yun o INSULTO? napakaliit ko kasi at mukha pa akong bata sa suot kong Tshirt na binili ko sa baguio yung ARTWORK yung Brand na kulay Puting Tshirt. tawa ng tawa si jannine, ako din tawa ng tawa. Oks nman yung The Gifted, Nakakatawa at Nakakalaglag panga yung Sexy ni Anne at Christine, Nakakatawa si Sam hindi ko alam kung batangenyo o Bisaya magsalita hahaha.
Pagkatapos namin manuod ng Sine, Bumili pa kaming French Fries at Crispy Chicken Fillet sa Mcdo ni jannine at Umuwi na. Kung ano anong pinag usapan namin, Ewan ko ba dun kay Jannine at puro intriga ang dala galing sa Baguio, Hindi nalang sya mag review ng Mabuti. :-)
September 12, 2014: Rabies
Human Tetanus sa isang clinic dito sa urdaneta. Naka limang libo sya. Take note. 5,000 pesos plus. para sa dalawang shot ng Rabies vaccine at Tetanus. Napakamahal makagat ng aso. Ako nung nakagat ako ng Aso naka 4,000 plus ako. May discount kasi di ako pinagbayad ng Consultation fee. Napakahirap magkasakit dito sa pinas. Napakamahal ng ganot. Mamamatay ka dahil hindi ka nakabili ng gamot.
Sabi ni Dok. Mas maganda daw Intramuscular ang Rabies vaccine. Mas sure. Kesa sa INTRADERMAL na kung magkamali pa yung nurse na nag inject di ka pa sure kung Maabsorb at mabisa. Nag sorry ako kay Hyun Ji kasi ako ng refer sakanya kay Dok. Napamahal sya. Atleast feeling safe na sya sa rabies at safe pa sya sa infection. Kaysa sayangin nya buhay nya para makatipid. Diba? Chinikka kami ni Dok. Binida nya mga anak nya na Nurse din tapos nag memed school. Pogi yung anak. Hahahaha.
After namin magpcheck up nagpunta kami sa vet para tanungin yung about sa gamot na pwede para sa aso ko na naglalagas ang buhok. Sabi ni Dok normal lang daw na maglagas ang balahibo ng aso nagpapalit pero kasi yung aso namin karami nagkalat sa loob ng bahay. Buti wala kaming asthma o allergy At nagtanong din si hyun ji tungkol sa Rabies vaccine ng Tuta nya. After namin dun nagpart ways na kami. Yun. Sana di matsugi yung tuta nya. Kasi kapag natsugi yung tuta nya may immunoglobulin pa sya. Sana hindi. 😊
Thursday, September 11, 2014
Geology
Wednesday, September 10, 2014
Take Notes
Ito namiss ko sa college ang napakaraming notes!!
Nahalungkat ko ito sa mga albums ko sa facebook. Ehehehehe. Summer to. Public Speaking and debate, Instructor namin Si Sir Moreno. One of The best instructor ng School ko, Bonus pa yung Nakakatawa sya. Tapos Hindi nya kami nakalimutan Icongrats nung nakapasa kami. ☺️☺️
Tuesday, September 9, 2014
Tambay Nurse
Yung masayang kaganapan lang sa buhay ko e, yun bang kumakain ako ng Higit sa tatlong beses araw araw. Yun yun eh. Yun nalang nagpapasaya sa akin. Paano ako magkakatrabaho kung di naman ako gumagalaw? Diba dibs? Poreber nalang ako “Palamunin”? Ang Sakit pakinggan yung “Palamunin” na word. 😑
Monday, September 8, 2014
KJ Nanay
Itong katabi kong Nanay dito sa dyip ay nilabas ang Kanyang Tablet at nakita ito ng anak nya at hinihiram ito ng anak nya. Sinabi naman ng Nanay “lowbat ito! ” pero nakita ko naman sa Nanay na ginagamit naman nya ito at nag fafacebook naman. Bakit Napaka killjoy ng ibang Nanay? Ibang Nanay ha ?
Sunday, September 7, 2014
Tuesday, September 2, 2014
Life is a Rubix Cube
Alam mo yung isang araw pag gising mo. Malalaman mo nalang na Baon na Baon na pala ang Tatay at Nanay mo sa utang? Nakakagulat diba?
Isang linggo na ata akong stressed. Hindi ako makatulog, umiiyak sa higaan, Iniisip ko yung tungkol doon. Hindi ko alam ang gagawin. Minsan nakikipag away pa ako sa nanay ko. Tapos at the end of the day marerealized kong mali yung nagawa at nasabi ko, walang maidudulot na maganda ang pakikipag away, maslalo na sa magulang. Nahihiya na ako sa ibang tao. Sa totoo lang. Magulo itong pamilya namin. Sobra. Pero hindi ako nag sisisi na ito yung kinalakhan kong pamilya. Na dito sa pamilya akong napunta. Na dala ko apelyido nila. Siguro babawiin ko yung nasabi kong “Hiya”. Sabi ng tita ko, “Bakit ka mahihiya sa ibang tao, pinapakain ka ba nila?” At the end of the day, masasabi mong napakasaya kasi dito ako napuntang pamilya. Maraming imperfections. Perfect imperfections sabi nga nila. Ako lang ata yung taong masaya sa magulong pamilya. Kasi kapag alam kong nalampasan namin ang isang challenge, iba yung saya eh. Yun bang mapapangiti ka kasi ang ginhawa. Akalain mo, natapos mo pala yung problemang akala mong hindi matatapos.
Wednesday, August 27, 2014
Napanaginipan kita.
Masakit. Hindi, Malungkot na Kabaliktaran yung mga nangyari sa panaginip, Kung gaano tayo kalapit, ganun ako kalayo sa’yo.
Tinapos ko ang gabi ko na iniisip kita.
Pero ikaw tinapos mo ang gabi mo sa pagsabi sa kasintahan mo ng “Mahal kita”
Oo malayo ako sa Radar mo, Sorry matagal ako mag move on, Sorry lagi mo ata nakakagat ang dila mo dahil lagi ka nasa isip ko, sana bukas pag gising ko wala ka na sa isip ko.
For sIyaM
Monday, August 25, 2014
Courageous
Friday, August 22, 2014
Review Days
Kalihim
Pumasok akong dating kalihim sa kapilya. Pumasok akong kapilya ng madaling araw. Late ako. Nag aayuno na sila nun. Kaya naghintay ako sa labas bago matapos yung ayuno. Madilim ang paligid, dahil nga madaling araw palang, mga 5:15 ng umaga, pasikat palang ang araw, May katabi naman akong matanda. Kinausap nya ako. Di ko na maalala yung pinag usapan namin pero may tumatak na usapan namin e. Na sobrang naloka ako.
(Non Verbatim)
Matanda: Taga saan ka?
Ako: Dyan po sa Poblacion ****
Matanda: Alam mo bang may namatay doon?
Ako: *Nasa isip ko: Wala namang namatay dun sa amin ah*
Napaka weirdo ng matandang ‘yun. Churchmate ko ‘yun, matagal ko na sya nakikita iisa lang lagi yung lugar na inuupuan nya sa loob ng kapilya. Minsan nakikita ko syang nakangiti o nagsasalita mag isa. Kung makikita mo sya, maliit syang matanda, maiksing buhok na may laging suot na headband tapos medyo duling yung mata. Yung sinabi nya sa akin, naloka lang ako. Kasi weirdo din sya magsalita.
After ilang years. Ngayon, hindi ko na sya nakikita sa Church. Ano kayang nangyari sakanya.
Thursday, August 21, 2014
Seniorita Seniorito
Hahaha naloka ako kay jejomar binay. may elevator sa bahay nila. naalala ko yung binasa ko sa wattpad kaya may elevator sila sa bahay ay para sa nakawheel chair na lola nila. kaloka ah. so ano ka jejomar, naka wheelchair? hindi makapaglakad? mall ang bahay?
pero malay natin pera naman nya mismo ang ginamit nya pagpapagawa ‘nun. tsk.
ayus nga daw sa makati e. may cake ang mga senior citizen tuwing birthday nila. hahaha.
Naalala ko dito saamin. dito sa amin nagbabayad ang mga senior citizens ng limang piso kada isang pumanaw na Miyembro ng Senior Citizens Association.
Ngayong buwan na ito 18 na Senior Citizens ang pumanaw (Nagdadalawang isip ako ganun ba karami talaga ang namamatay na matatanda?)
Alam ko kung ilan ang binabayaran ng lola’t lolo ko dahil ako mismo nagbabayad at sa amin inaabot yung resibo na binibigay. Ilang taon na kami ang nagbabayad, Pakiramdam ko nagogoyo na kami. seryoso.
Kanina nasabi ko, 18 na thunder bolts ang pumanaw so, sa isang thunderbolts ay limang piso, so 180 pesos. imultiply mo sa dalawa kasi dalawa sila ng lolo’t lola ko. Ngayong buwan 180 pesos babayaran namin. Napakalaki, paano na kaya yung mga walang kayang lolo’t lola?
Sabi naman ni Kuya ko, hayaan nalang namin at sabi ng Nanay ko benipisyo yun ng lolo’t lola ko. kaya okay na sa akin.
Pero ang cool ng makati kasi may pinapadalang cake tuwing burpday ng mga Seniorita at Seniorito. Parang sarap nga tumira sa MAKATI. HIHIHI. Sana Red Ribbon na Cake. hihihihi
Wednesday, August 20, 2014
Sakit
"You follow each other" Sabi ni Twitter, pero sa totoo lang di nya ako pinafollow talaga sa buhay nya. Sakit.
Saturday, August 16, 2014
Friday, August 15, 2014
Saturday, August 2, 2014
10 paks bout me kahit walang nagtatanong
2. Hindi ako palangiti. Kaya kapag nakikita niyo ako sa kalye o nakakasalubong di kita ngingitian unless super close tayo.
3. Pakiramdam ko hindi ako approachable.
4. Palakwento ako ng mga walang kwentang bagay. Marerealized ko nalang walang kinalaman yung kwenekwento ko sa topic natin. May flight of ideas ata ako. Hahaha
5. Mahilig ako sa love song na rock music kahit never akong nakaranas ng pag ibig. Kahit never ako nagkarelasyon. Bakit ganun ang life?
6. Mahilig ako sa aso. Kahit ilang beses akong nakagat ng aso. Hindi ako natatakot. Natatakot lang ako sa rabies at tetanus maslalo na kapag di namin aso yung nangangagat.
7. Mahilig ako sa baboy. Anong parte ng baboy? Ribs!!! Haaaa.
8. Gusto kong maging psych nurse. Kung maging RN ako mag apply ako sa psych ward sa baguio. Hahahaha!
9. Nung affiliation namin. Natira kami sa Metro dorm sa Ortigas. Oh diba tunog mayaman! Dahil wala akong pera para sa laundry na napakamahal kahit bawal maglaba sa loob ng CR naglaba ako ng napakaraming damit pero sa sobrang lakas ng tubig sa faucet. Bumigay ang faucet at bumulwak ang maraming tubig sa mukha at katawan ko. Lumabas ako ng basa at nadulas sa maraming tao. Napafail. Kitang kita yun sa CCTV hahaha! Yun sa sa huli di naman ako pinagbayad. Eh sa luma yung faucet eh. Pektusan ko yung maintenance kapag nagbayad pa ako hahaha!
10. Noong highschool ako. Nagmamadali akong pumasok pero bigla nalang naisabit ang palda ko sa gulong ng tricycle at nahila ang palda ko. Nasira ang zipper at lock. Buti nasapo ko kaagad at hindi nahulog pumasok akong CR ng school at inayus pero di pwede! Kaya nauwi kami ni janene para magpalit ng palda partida nilakad namin school namin hanggang bahay namin! Hahaha
Polar Bear
Friday, August 1, 2014
Wednesday, July 16, 2014
Tuesday, July 15, 2014
Parent's Love
Friday, June 6, 2014
Tuesday, May 27, 2014
I'm back from Review.
Hindi ko alam kung tama ba na mag paskil na ako tungkol sa naging buhay ko sa Baguio ng dalawang buwan. Hindi pa rin kasi ako sigurado kung papasa ako, Hindi naman sa negatibo ang aking nasa isip, siguro iniisip ko na ayaw ko lang mapahiya o masaktan sa hulian. Siguro may parte sa utak ko na alam kong PAPASA AKO! pero basta PAPASA AKO, KAMI!
Saturday, April 19, 2014
Nagyaya ang aming Tito na pumuntang Bolinao dito sa Pangasinan. 4 hours mula dito sa amin. Napakalayo at langyang driver umabot kami 6 hours sa byahe dahil di nya alam kung saan ang daan. Pero sa wakas nakarating din kami nahirapan kami maghanap ng cottage dahil napakaraming tao kaya napunta kami sa private resort (Treasures, Patar Bolinao Pangasinan)
Masaya na ako kahit di ako maligo sa dagat. Kahit tumambay lang ako maghapon sa maliit na canopy na
May pahabang foam at may pagkain solb na!! Pero kapag nagpunta kayo dun, pumunta kayo sa part ng patar na walang naliligo o walang resort makikita niyo yung mga maliliit na crabs na naglalakaran at hermit crabs na napakacute! Kapag hapon na low tide na kaya makakapaglakad kayo sa gitna at makikita niyo yung mga weirdong creatures, mga sea urchins na nakakatacute!
Sana nga bumalik pa kami dun ulit. Ito yung isa sa mga lugar na must visit sa summer! Kaya tara na dito sa pangasinan! ☀️☀️☀️
Monday, March 24, 2014
Graduation Day
Isa sa mga pinakamasayang araw namin as STUDENT. Apat na taon, Yung iba, Limang taon, Anim na taon ang ginugol sa pag aaral. Ganun kaimportante ang EDUKASYON. Ano nga bang naidudulot ng Pag aaral ng apat na taon, pwede ka naman magkaroon ng Trabaho kahit dalawang taon
Inaamin ko na, Siguro nga naimpluwensyahan ako ng dalawa kong tita na, na nurse ngayon sa ibang bansa, Sa pag enroll ko ng nursing, Tinanong ako ng Nanay ko kung gusto ko ba talaga ang Kursong ito. Bakit, hindi nalang HRM ang kunin ko, O yung kursong sa Opisina ako magtratrabaho para di daw ako mapagod. Alam din siguro nila ang nature ng pagiging nurse, pagod, puyat, basa dito, basa dun, byahe dito, byahe doon (Clinical Duties for Student nurses) Tinanong ko ang sarili ko ngayon? Hindi ba nakakapagod din naman ang Kursong HRM, o iba pang kurso, at pati ang pagtratrabaho sa opisina ay nakakapagod din hindi ba? Naging sakitin kasi ako nung 4th year high school, akala nila kapag napapagod ako, Mawawalan na naman ako ng malay.
Gusto ko talaga ang kursong ito. Yung panahong nag enroll ako, Hindi na ganoon kadami ang nag eenroll ng Nursing sa Unibersidad na pinag aralan ko. Dalawang section nalang at Habang tumatagal ako sa sa kursong nursing, isang section nalang per year ang nag eenrol. Bakit hindi ako tumigil? Bakit hindi ako nag shift? Simple lang, kasi nag eenjoy ako sa kurso ko. Masaya ako sa araw araw na pumapasok ako, Masaya din ang mag duty sa iba't ibang lugar, maraming nakakasalamuha, Mga taong may sakit na kahit paano kahit hindi namin nagagawa yung trabaho as nurse, yung pagpunta o pag tabi namin sa kanila ay narerelieve sila o pakiramdam nila ay safe sila kasi may katabi silang "Student Nurse" Marami na kasing pasyente sa mga hospital lahat ng nurse hindi na ideal ang nagagawa o hindi na masyado nagagawa ang lahat ng gawain sa bawat pasyente, Isang nurse benteng pasyente o mahigit pa.Nakapag tapos ako, Hindi Kami, Salamat sa Diyos, kasi sa apat na taon na yun, Pinahintulutan akong maranasan ang saya o pakiramdam na makapag tapos uli. Salamat sa magulang ko kasi nagtrabaho sila para sa akin, sa tuition ko, sa baon ko, hindi lang naman financial ang naitulong nila, kundi yung emotional, yung sinuportahan ka all the way, hindi ako pinigilan sa mga bagay na gusto ko, yung gusto ko maging paglaki ko. Tinulungan ako makamit ang Pangarap ko, na dati sinusulat ko lang sa Slam book, ngayon, Malapit ko na makamit. Ang magiging Nurse. Ang Dalawang Letrang mag dudugtong sa apelyido ko. Salamat sa mga Instructor namin, Simula sa mga Minor Subjects namin, hanggang sa Major subjects, napakalaking bagay ninyo sa pag laki namin, Sa pag grow namin, naging kami, ayon sa gusto namin, o gusto niyo. Matigas man ang ulo namin, Napakadakila ninyong mga guro kasi araw araw nyo kaming tinuturuan, hindi lang kayo teacher, yung iba parang naging pangalawang nanay o tatay namin na gumagabay sa edukasyon namin. Sa mga kaibigan ko, na lahat damay damay kapag napagalitan, o hindi nagawa ang proyekto o nagkamali o nabagsak sa mga quiz o exam. Sa mga shoulder to cry on ko noong mga panahong down na down ako, dahil sa family problems, o problema sa edukasyon, Andyan kayo parati, kayo yung rason kung bakit ako pumapasok bukod sa gusto ko makita ang crush ko [joke] Nakakaiyak, kasi pagkatapos ng araw na ito, magkakahiwalay na tayo, may kanya kanya na tayong buhay, yung iba mag aasawa na daw.hahaha. yung iba mag aabroad na. Lahat tayo may kanya kanyang layunin sa buhay, hindi ko makakalimutan yung mga panahong iisa lang yung layunin natin,. yung "MAKAPASA AKO SA PRELIMS" MAKAPASA AKO SA MIDTERM, MAKAPASA AKO SA SEMI FINALS, MAKAPASA AKO SA FINALS!" Ngayon, ito na ang simula na magkakaiba tayo ng layunin. Yung may kanya kanya tayong liliparin, lilipad tayo kung saan tayo masaya, lilipad tayo kung saan natin gusto, lilipad tayo para makamit yung mga pangarap natin. Salamat sa lahat ng memories, sa tawanan, iyakan, kalungkutan, Apat na taon, napakaraming challenges. Lahat nakaya natin. Para tayong Rubix cube na na dati, hindi pa buo, nung pagpasok natin sa unibersidad na yun, pero pagtapos natin sa kolehiyo, buo na ang kulay natin at magkakaroon na naman tayo ng ibang bagong rubix cube na bubuoin natin, para makamit ang isa pang pangarap natin, yun ay yung dalawang Letrang magdudugtong sa pangalan natin, RN!
Saturday, March 22, 2014
Hooding Ceremony
Isa sa mga pinakamasayang araw namin. Salamat God, Salamat Sabay sabay kaming magkakaibigan na gragraduate.
Salamat sa magulang ko na walang sawang sumusuporta sa kagustuhan ko sa buhay. Gusto ko maging rakers, binilhan akong gitara, gusto ko maging Nurse, sinamahan ako mag enroll, Binigyan ako ng pang tuition, Binigyan ako ng baon, Binigyan ako pambili ng makakapal na libro, na hindi ko naman binasa, binigyan ko ng pambili ng uniporme, hinatid ako sa mga duty ko, sinusundo ako kahit gabi na, pinakinggan nila ang hinahing ko sa mga bagay bagay na bumabagabag noong panahong nag aaral pa ako, sa magulang ko na nagtiis ng apat na taon para makapag tapos ang unica hija nila, nagpagod sila, Lahat ng sakripsiyo, Ginawa nila yun para sa akin, Isa lang maibibigay ko eh, ang maibabayad ko, isang matigas pero manipis na papel na naka imprinta ang pangalan ko. Isang DIPLOMA. Oo, kahit hindi ko naman binigay talaga sakanila ng Personal (kasi nga delay ibigay ng school) alam na nila na sakanila ko inaalay ang diploma na yun, Salamat inay itay, hehehehe. salamat pinag aral nyo ko. isa ako sa mapalad na batang hindi naman ganun katalinuhan pero ito, nabigyan ng pagkakataon makapag aral ng kolehiyo, sa school pa na mahal ang tuition fee. oh saan ka pa. swerte ko ano? Pero hindi dun nag tatapos ang pagbabayad ko ng utang sa magulang ko. kas mag boboard exam pa ako. Oo pagkatapos ng Graduation, aakyat na kami sa baguio para mag review, wag na magpatumpik tumpik pa, kung may pagkakataon naman mag review bakit hindi mo subukan diba? malay natin, baka mahabag ang diyos at ipasa ako sa unang take ko, Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ang dalawang letrang yun, Yun kasi ang pambabayad ko ng utang sa magulang ko, kahit dalawang letrang yun, napakalakas ng kapangyarihan yun, na buong angkan nyo matutuwa at ipagmamalaki ka, RN yes, RN. Masasabi ko kaya sa mga social accounts ko dito sa internet na `'Yes, RN NA AKO!!'' diba? paid off ang pagod ng magulang mo.
Aba, makakalimutan ko ba naman magpasalamat sa mga Instructor ko noong kolehiyo ako. Lahat kayo. Maam and Sir, Inaamin ko naman na hindi ako magaling, Slow ako minsan sa pagpipick up ng lesson nyo. Pero pinipilit kong intindihin kahit nahihirapan na ako, naiiyak na baka ibagsak nyo ako (sa kabutihang palad walang nagbasak sakin) kaya nagpapasalamat ako. Sa mga instructors ko. simula sa mga masusungit, pinahiya ako, mababait na instructors, sa nakabanggaan kong instructor sa ibang department kasi pinahiya mo ako sa hallway ng Faculty, Heh atleast hindi ako bumaba sa level nyo na porke may natapos na kayo eh mangpapahiya na kayo ng tao sa harap ng maraming studyante, Nag sorry naman ako sakanya, pero yun nagalit pa din ang loko. babae kasi sya. ehem, pero salamat kasi I learned the lesson naman na wag makipag daldalan at wag harangin ang hallway (alam nyo naman ang nature ng katawan ko lumba lumba joke)sa mga instructor na parang barkada ang turing sa amin, sa instructor na nag tap ng shoulder ko at sinabing "ipagpatuloy ko" kasi naka line of 8 ako sa klase nya, major subject yun ah, Ma`am hindi mo alam na, napalakas mo ang confidence ko sa ginawa mo at dahil dun nag aral ako mabuti para sa subject nyo. Sa mga instructor na naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay, sa pag aaral, ipagpatuloy nyo ang pagiging inspiration sa mga studyante. Salamat sa goodtimes, sa natutunan namin. Sa mga nag kukunwaring terror instructor na mabait naman pala kapag wala sa klase, mga professor na mukhang terror pero terror talaga, saludo ako sainyo. kahit tinakot nyo kami, atleast pinag igihan namin sa klase nyo, para hindi kami mabagsak. Kayo ang mga pangalawang Inay at Itay namin. Salamat po!!


























































