Pumasok akong dating kalihim sa kapilya. Pumasok akong kapilya ng madaling araw. Late ako. Nag aayuno na sila nun. Kaya naghintay ako sa labas bago matapos yung ayuno. Madilim ang paligid, dahil nga madaling araw palang, mga 5:15 ng umaga, pasikat palang ang araw, May katabi naman akong matanda. Kinausap nya ako. Di ko na maalala yung pinag usapan namin pero may tumatak na usapan namin e. Na sobrang naloka ako.
(Non Verbatim)
Matanda: Taga saan ka?
Ako: Dyan po sa Poblacion ****
Matanda: Alam mo bang may namatay doon?
Ako: *Nasa isip ko: Wala namang namatay dun sa amin ah*
Napaka weirdo ng matandang ‘yun. Churchmate ko ‘yun, matagal ko na sya nakikita iisa lang lagi yung lugar na inuupuan nya sa loob ng kapilya. Minsan nakikita ko syang nakangiti o nagsasalita mag isa. Kung makikita mo sya, maliit syang matanda, maiksing buhok na may laging suot na headband tapos medyo duling yung mata. Yung sinabi nya sa akin, naloka lang ako. Kasi weirdo din sya magsalita.
After ilang years. Ngayon, hindi ko na sya nakikita sa Church. Ano kayang nangyari sakanya.
No comments:
Post a Comment