Thursday, August 21, 2014

Seniorita Seniorito



Hahaha naloka ako kay jejomar binay. may elevator sa bahay nila. naalala ko yung binasa ko sa wattpad kaya may elevator sila sa bahay ay para sa nakawheel chair na lola nila. kaloka ah. so ano ka jejomar, naka wheelchair? hindi makapaglakad? mall ang bahay?

pero malay natin pera naman nya mismo ang ginamit nya pagpapagawa ‘nun. tsk.

ayus nga daw sa makati e. may cake ang mga senior citizen tuwing birthday nila. hahaha.

Naalala ko dito saamin. dito sa amin nagbabayad ang mga senior citizens ng limang piso kada isang pumanaw na Miyembro ng Senior Citizens Association.

Ngayong buwan na ito 18 na Senior Citizens ang pumanaw (Nagdadalawang isip ako ganun ba karami talaga ang namamatay na matatanda?)

Alam ko kung ilan ang binabayaran ng lola’t lolo ko dahil ako mismo nagbabayad at sa amin inaabot yung resibo na binibigay. Ilang taon na kami ang nagbabayad, Pakiramdam ko nagogoyo na kami. seryoso.

Kanina nasabi ko, 18 na thunder bolts ang pumanaw so, sa isang thunderbolts ay limang piso, so 180 pesos. imultiply mo sa dalawa kasi dalawa sila ng lolo’t lola ko. Ngayong buwan 180 pesos babayaran namin. Napakalaki, paano na kaya yung mga walang kayang lolo’t lola?
Sabi naman ni Kuya ko, hayaan nalang namin at sabi ng Nanay ko benipisyo yun ng lolo’t lola ko. kaya okay na sa akin.

Pero ang cool ng makati kasi may pinapadalang cake tuwing burpday ng mga Seniorita at Seniorito. Parang sarap nga tumira sa MAKATI. HIHIHI. Sana Red Ribbon na Cake. hihihihi

No comments: