Wednesday, September 24, 2014

October 24, 2012

Nakita ko siya tuliro, ngumingiti mag isa, habang winawagayway ang kamay, may sinusuntok sa hangin, takot ang mata, hindi mapakali, tumakbo ito at umakyat sa yero, mabilis, maliksi, tulala siya sa taas, alerto ang mata, sinabi ko, "bumaba ka dyan!" tumalon ito sa kabilang bahay, mabilis, kahit may asong galit, siya ay bumaba, tumakbo papasok sa bahay, ang ingay. galit ang lahat. iyak. galit. iyak. suntok. anong nangyayari? hindi ko maintindihan. masakit. galit. nakakapanglumo. gusto ko nang sumuko. katabi ko siya, madumi, may sugat, tulala, alerto ang mata, galit ang lahat, aso nagkakahol, magulo, luha tumutulo, mabilis ang tibok ng puso, ang nangyayaring ito, kakaiba sa katotohanan, parang hindi pangkaraniwan, kalungkutan ang nararamdaman, ika’y nababaliw sa aming piling, walang magawa, lumuha, magalit, parang awa ito’y parusa.

"Sabi nga nila, kung kailan napalapit at napamahal ka na sa isang tao tsaka pa sila mapapalayo sayo.ibig sabihn noon, tapos na ang misyon nila sa buhay mo.."

-- Ma’am Adap (Filipino Teacher)

Tuesday, September 23, 2014

R.O.N

Hindi ko alam, kung mali ako o may kasalanan ako tuwing ikaw ang hinahanap ko sa lugar na ‘yun, Tuwing bumubuka ang iyong bunganga sa bawat letrang binibigas mo, hindi ko mapigilang tumingin sa labi mong mapupula. Sa bawat tikwas ng iyong buhok ay unti unti akong nahuhumaling.  Hindi ko mawari kung anong meron sa iyong mga mata, kilay, labi, buhok at sa tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti sa likod ng labi ko.

Sa tingin ko, Ikaw yung Tamang tao para sa akin, Opinyon ko ito, at sa naniniwala akong Fact ito. Ganyan ka lakas ang pananalig ko. Ano kayang trip ng Diyos at Minsan lang tayo pinag sabay sa iisang dyip. Sa layo natin sa isa’t isa, pakiramdam ko, napakalapit ko sa’yo. Dun lang kasi kita nakita ng malapitan. Dibale, dalawang beses kita nakikita sa Isang linggo. Dalawang araw kada isang linggo. minsan nagtatama ang ating mumunting mata. Salamat sa diyos. Sa Daming taong nakakasalubong ko sa banal na lugar iyon, ikaw lang yung gusto kong makasalubong. Sa sobrang liit ng bayang tinititrhan natin, hindi pa tayo nagkatagpo kahit isang beses.

Hindi ko alam kung nagkakasala ako tuwing ikaw ang iniiisip at hinahanap ko tuwing nagpupunta ako sa lugar na ‘yon. Sana mapansin mo ako. Sana.

Wala akong maikwento kasi wala akong ginagawa.

May nabasa ako sa Kikomachine Blg. 6 na kung wala daw maisip na masabi ang isang tao, ay mas mahaba daw ang nasasabi nya. Nagegets niyo?

So Nagagamit ko ngayon yung Logic na ýun. Wala akong maisip na maikwento pero Naparami na akong nasabi kahit wala akong maisip na ikwento. Huh? gulo.

Soo, ito nga. BorednaBored na ako. 3 months na akong tambay dito sa mumunti naming tahanan. Hindi pa kami tinatawagan nung Chief Nurse ng isang private hospital na inapplyan namin as Nurse Trainee palang. Kung alam niyong masaya ang maging tambay sa Tahanan. HINDIE. mamatay ka, sa araw araw puyat, pareparehas ang namemeryenda mo, may cycle ang activities mo,kung dati nakakamiss ang maging tambay, ngayon gusto kong gumalaw galaw at mamasyal masyal yung hinahanap ng katawan ko yung pagod para antukin ako sa gabi, kasi kapag maghapon akong tambay di ako pagod at di ako makakakatulog at puyat!!! 

Gusto ko na mag work na hindi. Nakakahiya sa nanay ko :-(

Sunday, September 14, 2014

Kalakip na alaala


Nag aayos ako ng Mga books, mga bags at mga gamit ko noong College ako, Nang nakita ko ang Isang Nakatuping Paper bag ng Mcdo, Akala ko isang basura lang ang nakita ko sa aparador namin, pag bukas ko ng paper bag na ‘yun, may alaala palang nakalakip.

Second Year College ako nung Nagka crush ako sa Isang Volunteer Nurse sa Isang Hospital na pinag dudutyhan namin, Pedia Ward. Dahil Valentines noon, may Message Wall / Banat Wall dun sa treatment room at pwede ka mag post ng mga Banat na makakapag kilig o message mo. Napagtripan ako ng mga groupmates ko, yun ang isinulat nila sa wall. Nung pauwi na kami kinuha ko yung nakalagay sa wall at Boom! 3 years na nakatago sa Aparador namin.

Nakakatawa pa nga kasi mismong clinical instructor namin binuking ako. Huhu nakakahiya!! Tapos sabi ni Rainier: “Oks lang sir, Crush lang naman!” Waa gusto ko supalpalin with BUKO yung sir namin noon kasi binuko ako. Hello sir Rainier, alam kong di ka na nag duduty sa hospital na yun, May isang mensahe lang ako para sayo: Ang pogi mo pa din pero…. LALAKi KA BA?!

PS. Wrong spelling yung name ni sir Rainier, isekreto ko nalang ang tunay na spelling. baka kaso maslalo akong mabuko. 😂😂

Saturday, September 13, 2014

Qe

Naranasan mo na ba yung nagbigay motibo ang isang tao,
pero hindi ka naniniwala dahil baka niloloko ka lang niya?
Lumalapit at Nagbibigay sya ng nakakakilig na kilos kasi alam niyang may gusto ka sakanya,
kaya hindi ka naniniwalang totoo yung kinikilos nya.
Nagsisisi sa huli na sana pinansin mo nalang yung mga kilos na ‘yun
kasi iniisip mong baka totoo nga’ yung pinapakita nya.


Friday, September 12, 2014

September 12, 2014: Biktima ng PG 13


Pagkatapos namin maghiwalay ni Hyun Ji ay nagkita naman kami ni Jannine, Sabi nya kasi ililibre nya ako sa City Deluxe, (Sikat na kainan sa Dagupan na mayroon na ding Branch sa Urdaneta) Sumakay na akong dyip para makatipid, Sampung Piso binayad ko pero di binalik ang 2 pesos na sukli, daya ni Manong. Nung nakarating ako, naghintay ako ng medyo 15 minutes sa labas ng Restaurant, Yun pala kasama nya ang family nya, medyo nahihiya ako pero oks lang parang family na din ang turing ko sakanila kasi lagi akong nakikitulog noong studyante pa kami sa bahay nila kung gagabihin uuwi sa duty at kung night shift ang duty ko para makatipid sa pamasahe. yun nabusog ako, kahit isang kanin lang ang kinain ko tapos isang piece ng chicken, ewan ko bakit nakakabusog dun, sulit kumain din pala ako ng Best seller nilang pancit kaya solbs!

Pagkatapos naming kumain agad na kami sumakay ng ordinary bus papuntang SM Rosales, Sakto ang panuod sa TV nila She’s Dating The gangster na sana papanuorin namin noon kasama si Jannine pero dahil ayaw ko noong bumababa kasi nasa Baguio kami noong for Review, kaya di kami nakanuod at di ko napanuod. (ehem Hindi ko pa din gusto si Daniel)nakarating kaming Sm, di pa din tapos yung SDGT. oks lang.

Pumunta muna kaming Department Store para bumili ako ng Pantalon, Nakabili naman ako agad at Pagkatapos namin bumili, Nanuod kaming Sine, THE GIFTED. XD, Alam mo yung EPIC, dun Ang saya saya ko pumasok ng Sinehan bigla akong haharangin ng Tanong nung Aleng kumukuha ng Ticket nagbabantay sa Pintuan ng Sinehan, “Ilang taon ka na!?” Si jannine ang bilis ng utak, “Hala Ate, 20 na po sya!” Sabi naman nung Ale “Hala, Sorry di ko nakita!” Ayun tawa nalang kami ng tawa, hindi ko alam kung COMPLIMENT yun o INSULTO? napakaliit ko kasi at mukha pa akong bata sa suot kong Tshirt na binili ko sa baguio yung ARTWORK yung Brand na kulay Puting Tshirt. tawa ng tawa si jannine, ako din tawa ng tawa. Oks nman yung The Gifted, Nakakatawa at Nakakalaglag panga yung Sexy ni Anne at Christine, Nakakatawa si Sam hindi ko alam kung batangenyo o Bisaya magsalita hahaha.

Pagkatapos namin manuod ng Sine, Bumili pa kaming French Fries at Crispy Chicken Fillet sa Mcdo ni jannine at Umuwi na. Kung ano anong pinag usapan namin, Ewan ko ba dun kay Jannine at puro intriga ang dala galing sa Baguio, Hindi nalang sya mag review ng Mabuti. :-)

September 12, 2014: Rabies

Sinamahan kong magpacheck up si Hyun Ji at mag inject ng Rabies vaccine plus
Human Tetanus sa isang clinic dito sa urdaneta. Naka limang libo sya. Take note. 5,000 pesos plus. para sa dalawang shot ng Rabies vaccine at Tetanus. Napakamahal makagat ng aso. Ako nung nakagat ako ng Aso naka 4,000 plus ako. May discount kasi di ako pinagbayad ng Consultation fee. Napakahirap magkasakit dito sa pinas. Napakamahal ng ganot. Mamamatay ka dahil hindi ka nakabili ng gamot.

Sabi ni Dok. Mas maganda daw Intramuscular ang Rabies vaccine. Mas sure. Kesa sa INTRADERMAL na kung magkamali pa yung nurse na nag inject di ka pa sure kung Maabsorb at mabisa. Nag sorry ako kay Hyun Ji kasi ako ng refer sakanya kay Dok. Napamahal sya. Atleast feeling safe na sya sa rabies at safe pa sya sa infection. Kaysa sayangin nya buhay nya para makatipid. Diba? Chinikka kami ni Dok. Binida nya mga anak nya na Nurse din tapos nag memed school. Pogi yung anak. Hahahaha.

After namin magpcheck up nagpunta kami sa vet para tanungin yung about sa gamot na pwede para sa aso ko na naglalagas ang buhok. Sabi ni Dok normal lang daw na maglagas ang balahibo ng aso nagpapalit pero kasi yung aso namin karami nagkalat sa loob ng bahay. Buti wala kaming asthma o allergy At nagtanong din si hyun ji tungkol sa Rabies vaccine ng Tuta nya. After namin dun nagpart ways na kami. Yun. Sana di matsugi yung tuta nya. Kasi kapag natsugi yung tuta nya may immunoglobulin pa sya. Sana hindi. 😊

Thursday, September 11, 2014

Geology

Bakit ikaw ang laman ng isipan ko?
Hindi naman dapat.
Wala naman tayo.
Sapagkat walang “OO”
Dahil ang “I miss you” mo’y di sapat.

Wednesday, September 10, 2014

Take Notes





Ito namiss ko sa college ang napakaraming notes!!

Nahalungkat ko ito sa mga albums ko sa facebook. Ehehehehe. Summer to. Public Speaking and debate, Instructor namin Si Sir Moreno. One of The best instructor ng School ko, Bonus pa yung Nakakatawa sya. Tapos Hindi nya kami nakalimutan Icongrats nung nakapasa kami. ☺️☺️

Tuesday, September 9, 2014

Tambay Nurse

Tatlong buwan na akong tambay. Simula nung pumasa ako ng Board exam. Wala na ngang trabaho, wala pang love life. Saklaps dibadibs? Ang pangit ko na nga wala pang pera. Sus marya. Saan kaya ako pupulutin nito? Sa kangkongan o sa kamotehan?

Yung masayang kaganapan lang sa buhay ko e, yun bang kumakain ako ng Higit sa tatlong beses araw araw. Yun yun eh. Yun nalang nagpapasaya sa akin. Paano ako magkakatrabaho kung di naman ako gumagalaw? Diba dibs? Poreber nalang ako “Palamunin”? Ang Sakit pakinggan yung “Palamunin” na word. 😑

Monday, September 8, 2014

KJ Nanay

Andito ako dyip Habang ginagawa ko ang paskil na ito. May Napansin lang ako.. . Ang ibang Nanay. May pagka killjoy. naalala ko lang kasi yung Nanay ko nung bata pa ako. Mahilig kumuha ng litrato. Dahil mahal ko ang aking aso gusto ko kunan ito ng litrato. Ayaw ng Nanay ko dahil kapag kinuhanan ko ng litrato ang aso ko. Mamamatay daw ito. Naniwala naman ako. Nung nag highschool ako na realized Kong tinitipid lang pala ng Nanay ko yung FILM ng camera namin. kaya ayaw nya kunin ng litrato yung aso namin. Kawawang aso.


Itong katabi kong Nanay dito sa dyip ay nilabas ang Kanyang Tablet at nakita ito ng anak nya at hinihiram ito ng anak nya. Sinabi naman ng Nanay “lowbat ito! ” pero nakita ko naman sa Nanay na ginagamit naman nya ito at nag fafacebook naman. Bakit Napaka killjoy ng ibang Nanay? Ibang Nanay ha ?

Tuesday, September 2, 2014

Life is a Rubix Cube




(Image from: http://www.picturesinboxes.com/2013/11/23/rubix-cube/)


Alam mo yung isang araw pag gising mo. Malalaman mo nalang na Baon na Baon na pala ang Tatay at Nanay mo sa utang? Nakakagulat diba?

Isang linggo na ata akong stressed. Hindi ako makatulog, umiiyak sa higaan, Iniisip ko yung tungkol doon. Hindi ko alam ang gagawin. Minsan nakikipag away pa ako sa nanay ko. Tapos at the end of the day marerealized kong mali yung nagawa at nasabi ko, walang maidudulot na maganda ang pakikipag away, maslalo na sa magulang. Nahihiya na ako sa ibang tao. Sa totoo lang. Magulo itong pamilya namin. Sobra. Pero hindi ako nag sisisi na ito yung kinalakhan kong pamilya. Na dito sa pamilya akong napunta. Na dala ko apelyido nila. Siguro babawiin ko yung nasabi kong “Hiya”. Sabi ng tita ko, “Bakit ka mahihiya sa ibang tao, pinapakain ka ba nila?” At the end of the day, masasabi mong napakasaya kasi dito ako napuntang pamilya. Maraming imperfections. Perfect imperfections sabi nga nila. Ako lang ata yung taong masaya sa magulong pamilya. Kasi kapag alam kong nalampasan namin ang isang challenge, iba yung saya eh. Yun bang mapapangiti ka kasi ang ginhawa. Akalain mo, natapos mo pala yung problemang akala mong hindi matatapos.