Wednesday, September 24, 2014

October 24, 2012

Nakita ko siya tuliro, ngumingiti mag isa, habang winawagayway ang kamay, may sinusuntok sa hangin, takot ang mata, hindi mapakali, tumakbo ito at umakyat sa yero, mabilis, maliksi, tulala siya sa taas, alerto ang mata, sinabi ko, "bumaba ka dyan!" tumalon ito sa kabilang bahay, mabilis, kahit may asong galit, siya ay bumaba, tumakbo papasok sa bahay, ang ingay. galit ang lahat. iyak. galit. iyak. suntok. anong nangyayari? hindi ko maintindihan. masakit. galit. nakakapanglumo. gusto ko nang sumuko. katabi ko siya, madumi, may sugat, tulala, alerto ang mata, galit ang lahat, aso nagkakahol, magulo, luha tumutulo, mabilis ang tibok ng puso, ang nangyayaring ito, kakaiba sa katotohanan, parang hindi pangkaraniwan, kalungkutan ang nararamdaman, ika’y nababaliw sa aming piling, walang magawa, lumuha, magalit, parang awa ito’y parusa.

No comments: