Sunday, September 14, 2014

Kalakip na alaala


Nag aayos ako ng Mga books, mga bags at mga gamit ko noong College ako, Nang nakita ko ang Isang Nakatuping Paper bag ng Mcdo, Akala ko isang basura lang ang nakita ko sa aparador namin, pag bukas ko ng paper bag na ‘yun, may alaala palang nakalakip.

Second Year College ako nung Nagka crush ako sa Isang Volunteer Nurse sa Isang Hospital na pinag dudutyhan namin, Pedia Ward. Dahil Valentines noon, may Message Wall / Banat Wall dun sa treatment room at pwede ka mag post ng mga Banat na makakapag kilig o message mo. Napagtripan ako ng mga groupmates ko, yun ang isinulat nila sa wall. Nung pauwi na kami kinuha ko yung nakalagay sa wall at Boom! 3 years na nakatago sa Aparador namin.

Nakakatawa pa nga kasi mismong clinical instructor namin binuking ako. Huhu nakakahiya!! Tapos sabi ni Rainier: “Oks lang sir, Crush lang naman!” Waa gusto ko supalpalin with BUKO yung sir namin noon kasi binuko ako. Hello sir Rainier, alam kong di ka na nag duduty sa hospital na yun, May isang mensahe lang ako para sayo: Ang pogi mo pa din pero…. LALAKi KA BA?!

PS. Wrong spelling yung name ni sir Rainier, isekreto ko nalang ang tunay na spelling. baka kaso maslalo akong mabuko. 😂😂

No comments: