Tuesday, September 2, 2014
Life is a Rubix Cube
Alam mo yung isang araw pag gising mo. Malalaman mo nalang na Baon na Baon na pala ang Tatay at Nanay mo sa utang? Nakakagulat diba?
Isang linggo na ata akong stressed. Hindi ako makatulog, umiiyak sa higaan, Iniisip ko yung tungkol doon. Hindi ko alam ang gagawin. Minsan nakikipag away pa ako sa nanay ko. Tapos at the end of the day marerealized kong mali yung nagawa at nasabi ko, walang maidudulot na maganda ang pakikipag away, maslalo na sa magulang. Nahihiya na ako sa ibang tao. Sa totoo lang. Magulo itong pamilya namin. Sobra. Pero hindi ako nag sisisi na ito yung kinalakhan kong pamilya. Na dito sa pamilya akong napunta. Na dala ko apelyido nila. Siguro babawiin ko yung nasabi kong “Hiya”. Sabi ng tita ko, “Bakit ka mahihiya sa ibang tao, pinapakain ka ba nila?” At the end of the day, masasabi mong napakasaya kasi dito ako napuntang pamilya. Maraming imperfections. Perfect imperfections sabi nga nila. Ako lang ata yung taong masaya sa magulong pamilya. Kasi kapag alam kong nalampasan namin ang isang challenge, iba yung saya eh. Yun bang mapapangiti ka kasi ang ginhawa. Akalain mo, natapos mo pala yung problemang akala mong hindi matatapos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment