Saturday, June 18, 2011

Happy father's day papa!

 

Siya ang tatay ko, Mahal na mahal ko yan. Aminado ako. marami akong kasalanan sa kanya, sinasagot ko siya, sinasaktan ko siya, lahat yun nag sisisi ako. alam ko yung mga sinumbat ko sakanya lahat pinag sisisihan ko. umiiyak ako habang ginagawa ko ito. kapag nag aaway kami nito, hindi lilipas ang araw magbabati na kami. hindi ko kaya na hindi pansinin ang tatay ko. hindi ko man maipakita o mapatunayan na mahal ko sila ni nanay, ang puso ko ang testigo sa pagmamahal na nararamdaman ko. gusto ko magbago ang ugali ko para sakanila, yung pagiging bastos kong anak, aminado ako, bastos akong anak, sinasagot ko sila, pero lahat yun binuhusan ko ng luha at pag sisisi. Mahal ko sila, kasama na kuya ko. Mahal ko sila.

Friday, June 10, 2011

Napadaan

Wala akong masabi ngayon, marami akong gustong ipost pero, ewan ko ba dahil hindi ko alam kung paano simulan, sadyang wala lang talagang laman ang utak ko ngayon. bakasyon pa naman. sa lunes na ang start ng klase, inaasahan ng mga ka klase ko na walang pasok sa june 13 (monday) pero aking nabalitaan merong pasok, badtrip sila. well, gusto ko na din magkaroon ng pasok. paano kasi nababagot na ako dito. lagi nalang computer ang kaharap ko. nanunuod ng mga drama. mga korean drama. nakaka adik. hahaha. sabi ng kaklase ko, mag sisisi daw kami kapag pasukan, alam ko ang ibig niyang sabihin. kahit pa anong gawin namin, wala kaming magagawa, kahit walang pasok sa june 13, mararanasan pa rin namin ang kahirapan ng pagiging 2nd year college nursing student. hahaha. sabi nila magpapa anak daw kami. sabi ng clinical instructor namin madulas ang bata kapag kalalabas sa sinapupunan. excited ako, parang alam ko na ang feeling subukan mo pag paligo ng bunsong kapatid mo kahit 1 years old, kapag basa ang katawan madulas, ganun siguro ang feeling tapos malikot pa yung baby, paano yan baka mahulog. haha. medyo excited ako, pero di ako excited. (ano daw?)  tatlo ata ang major namin 1st sem 2nd year. hahaha. lagot, mauuso na naman ang word na: TOXIC. duty pa. sabi nila, di pa naman hardcore ang puyatan baka nga daw mag disscuss pa clinical instructo  namin sa loob ng hospital eh (LOL) ngayong second year sana wala akong bagsak, medyo okay lang kapag may line of 7 (as long as pasado) pero hindi okay kapag may bagsak. hurr, wala kaming math na subject. next sem siguro. sana makaya ko yun bobonixs ako sa math pasang awa grade ko sa algebra nung 1st year. 75. nice. hahaha.  ngayon, mag papaalam na ako.wala na akong masabi. hanggang sa muling pagbabalik.


qwertyuiopasdfghjkladylyn.