Monday, May 7, 2012
May 7, 2012
Hirap din maging anak ng nasa abroad eh. Noong meron pa si nanay, hindi ako nauubusan ng damit. kasi si nanay ko ang taga laba. ngayon meron nga taga laba pero hindi naman araw araw andito siya para labhan yung kailangan ko. nagiba din itsura ng bahay namin simula ng nag abroad nanay ko, naging magulo, madumi, aba ewan! katunayan lamang na tamad ako maglinis. hindi ko mapagsabay ang internet sa paglilinis. hahaha. pero mahirap din talaga. Malapit na din pala ang Mother's day, namimiss ko nanay ko. saka ko lang naalala ang Mother's day nung napalayo na nanay ko. gusto ko ulit sana padalhan ng sulat ang nanay ko. Bakit kaya tsaka lang natin napapahalagahan ang importante sayo kapag malayo na sila. Simula nung bata ako, lahat binibigay ni mama at papa kaya naman tinatawag akong spoiled. pero hindi naman lahat ng bagay naibibigay sa akin, maslalo na ngayon, kalinga ng nanay hindi naman naibibigay eh, kasi malayo na si nanay. pero ayus lang kasi kahit malayo siya may internet naman eh! Ehhhh. gusto ko na siya makita. sana makasama na namin si nanay, namimiss na ni papa si mama. kailan kaya namin makakasama si mama. excited na ako.
Subscribe to:
Posts (Atom)