Sunday, October 21, 2012
Infatuation is faking my feelings
Nakakainis lang balikan yung mga post ko dito sa blogger. ang pangit ko mag kwento tapos ang colorful pa ng mga font, tapos yung mga crush life ko, kung paano ko sila ikwento parang ibibigay ko lahat ng buhay ko para lang sakanila eh, nalinlang pala ako ng nararamdaman ko dahil infatuation lang pala yun. simpleng paliwanag, isang paghanga sa isang tao na hindi naman nila alam na crush ko sila. nakakatawang basahin tapos naiinis din ako. nakakahiya kung may makakabasa mang iba. ganun pala ka obssess sa mga (MGA dahil iba ibang tao yung mga tinutukoy ko sa post kong mga 'yun, malandi!) gusto sanang idelete yung mga post na 'yun, pero naisip kong sayang naman ang memories na nakalagay 'dun, sayang naman, pero sa halip na idelete ko, nilagyan ko nalang ng update sa baba, nagpaliwanag pa ako, sinabi ko na isang infatuation lamang 'yun at hindi love. nakakainis. infatuation is faking my feelings! nakaka inis lang ako, kung paano magkwento ngayon. syempre itong blog na 'to ay diary ko simula noong high school ako. syempre iba din ang pananaw ko 'nun, kaysa ngayon na medyo nag mature, medyo lang naman dahil isip bata pa din ako. hahahaha. kahit labing walong taong gulang na ako. parang mas marunong na ako komontrol ng pakiramdam ngayon kapag kunting kilig alam ko na na infatuation lang 'to. paano ba malalaman kung isang infatuation ang nararamdaman mo o love na, kapag wala ka nang nararamdaman sa isang tao after 2 months, positibo ka sa infatuation, pero tumagal ang nararamdaman mo ng 3 months pataas, love 'to, 'yan ang pananaw ko sa infatuation at love pero sa tingin ko, base lang 'to sa naranasan ko. syempre, ako isang NBSB, sa tingin ko hindi pa ako nakaranas ng LOVE, kasi hindi nagtatagal ang feelings ko ng ilang buwan. weh, hayaan niyo nalang ako sa pinag sasabi ko. heh ang gulo ko. kasing gulo ng hypothalamus ko. sa tingin ko, masmagandang wag muna alalahanin ang Love love na 'yan dahil maraming nabibiktima sa love habang nag aaral, tama na muna yung infatuation infatuation na 'yan dahil hindi naman ito tumatagal. kaya ayus na muna ako sa infatuation (crush crush na 'yan!) at ikaw lang ang nakakaalam sa nararamdaman mo. che!
Wednesday, October 17, 2012
October 17, 2012
Sa hindi malamang dahilan, napakarami ko palang blog, magmula sa multiply kung saan ako nag simula mag blog, blogger, wordpress, posterous, hanggang tumblr meron ako. ewan ko ba gustong gusto ko gumawa ng mga bagong blog, hanggang sa marealized ko na ano na naman kaya ang ipopost ko dito sa bagong blog ko? ano ang bagong theme? marerealized ko na naman na parehas lang pala yung mga pinopost ko sa ibang blog ko. parang gusto ko tuloy ideactivate yung bago kong ginawa pero di ko naman ginagawa dahil nasasayangan ako kaya hinahayaan ko nalang. weh.
Sa dami ng blog/diaries ko yung iba hindi ko na nauupdate kaya sayang. sorry hehehehe, oo nga pala, sabi nila sa december mawawala na yung multiply kaya kailangan kong isave yung mga post ko, gagawa na naman ako ng bagong account sa tumblr or gagamitin ko isa sa mga account ko diyan at doon ko isasave yung mga diary ko. hehehe. Mamimiss ko ang mulitply kung ganun nga, wala naman tayong magagawa kung pabagsak na yung mulitply, may mga panahon talaga na hindi na sisikat ang mga bagay at may isang kompanya naman ang tataas. gulong ng palad.
Sa dami ng blog/diaries ko yung iba hindi ko na nauupdate kaya sayang. sorry hehehehe, oo nga pala, sabi nila sa december mawawala na yung multiply kaya kailangan kong isave yung mga post ko, gagawa na naman ako ng bagong account sa tumblr or gagamitin ko isa sa mga account ko diyan at doon ko isasave yung mga diary ko. hehehe. Mamimiss ko ang mulitply kung ganun nga, wala naman tayong magagawa kung pabagsak na yung mulitply, may mga panahon talaga na hindi na sisikat ang mga bagay at may isang kompanya naman ang tataas. gulong ng palad.
Subscribe to:
Posts (Atom)
