Monday, May 2, 2016

Culture Shock Stages

Natawa ako kasi sinabi ng co worker ko na, na culture shock daw anak nya nung dumating dito. I don't have any idea na totoo pala ang culture shock, I mean Nararanasan  pala talaga natin 'yun, once na nasa ibang lugar o bansa tayo. Naranasan ko din na hindi nalalaman ang definition ng Culture shock.

Honeymoon:

Kagaya ko, isa akong probinsyana, laki at pinanganak ako sa probinsya, Proud na taga Pangasinan / Ilokano ako. Although may City naman kami na tinatawag noon sa Probinsya, pero hindi pa din nawawala ang Bukid. Rurban ang tawag doon. Bilang pa sa kamay ang pagpunta ko sa Manila, na Kabisera ng Pilipinas. Bakit ko ba sinasabi itong probinsya at city na ito? Kasi From province to city ang peg ng lola nyo. Nag evolve. Pokemon ba. Lumipat kami dito sa Vancouver, Which is City. Kung dati probinsyana ako ngayon nakatira na kami sa City, which is NAKAKAPANIBAGO. Maraming changes. Like transportation, Places, People and LANGUAGE! Walang nagiilokanong puti dito. mga pinoy, Oo. Medyo hirap din ako nung una magsalita ng english, kasi nakaka intimidate, Maslalo sa Immigration. buti nakalabas pa ako doon. hahaha, Nung pinasyal kami ng pinsan at tita ko, talagang fascinated ako sa mga puno dahil ang dami!! summer non, kaya ang saya ang daming puno! (parang walang puno sa pangasinan eh) tapos ang simoy ng hangin ang fresh! tapos ang haba ng umaga. hindi ko pa 'nun alam ang Daylight saving time kasi hindi naman iniimplement sa pinas ang DLST. Tanga lang ako kaya ganun.

Negotiation:
Nung unang buwan ko talaga hindi ko alam bumasa ng Maps, hindi ko alam sumakay ng Bus, Iba pa ang Bus nila dito kaysa Bus natin sa Pinas na may pekeng doctor este conductor, tapos sobrang gamit talaga ang maps dito. ang google maps. Siguro mga dalawang buwan o tatlong buwan ako nag struggle sa pag aaral ng transportation dito sa Vancouver, Mga hindi lang limang beses ako nawala sa downtown at sa ibang lugar at mangiyak ngiyak ako na tumawag sa nanay ko dahil late na ako sa trabaho ko. Then after ilang months na struggle sa locations, In introduce sakin ng Ate Rana ko ang Google Maps. (bwahahaha) at dahil doon, Naging eksperto  na ako sa lugar. hindi na ako nawawala. Naka alis na ako sa Stage 2 ng Culture Shock! 

Adjustment:
Siguro nasa stage palang ako na 'to, kasi ayun sa Wiki, 6-12 months daw ang Adjustment period. Naka adjust naman na ako, sa Transportation, Food at medyo okay na din sa Language, I just need Confidence. 

Adaptation:
Ito yung Master mo na lahat. Sanay ka na sa lahat. Language, accent and Transportation. Anything.

UD

Hindi na ata ako marunong magblog. ilang buwan na din ang namissed ko sa blog na 'to. Napakaraming nangyayari sa akin araw araw. Hindi pa din nawawala ang Anxiety ko. Numero uno 'yan. Sa dami ng nangyayari sa akin, Hindi ko na alam kung paano ikwento o simulan. Hindi ko na alam kung paano ko ipaliwanag ang mga bagay bagay na nakikita ko. Namimiss ko lang yung dating ako. Na kahit may problema, Iiyak ako, pero mamaya Tapos na pala yung problema. Ngayon, Hindi naman ako umiiyak pero parang mas mahaba yung problema. Kahit na simpleng bagay lang pinapalaki ko. Tingin ko naging mas mahina ako ngayon kaysa dati. Ang slow ng pacing ng buhay ko. Ito na naman ako. exagerated na naman ang storya ng buhay ko.

Mag iisang taon na kami sa hunyo, pero wala pa din akong bagong kaibigan (although meron naman from work) pero hindi kami namamasyal kasi pare-parehas kaming busy sa trabaho. Sila 7 consecutive days ang trabaho. Ako, 4 days ang trabaho, yung natitirang araw, doon ako tumutunganga at maslalong umaatake yung anxiety ko. Dati 6 days ang trabaho ko, pero nawala na yung alaga ko, sumuko na sya kaya ayun,(Ikwekwento ko sya sa April post ko) devastated din siguro ako. tapos pressure pa ni mama na dapat maging masipag daw ako at hindi paligoy ligoy. ewan ko ba gusto ko chill lang na buhay, takot ako. takot akong magkamali sa trabaho at sa buhay ko. kahit alam ko namang sa pagkakamali tayo natututo. siguro, hindi lang ako inspired magtrabaho o tamad ba. Takot lang ako. Kulang din ako sa confidence. Hindi ko alam kung kailan ako magiging better, sa paningin nila o sa paningin ko. Bakit ba kasi gusto natin maging better sa paningin ng ibang tao?

Ang dami kong issues sa buhay. ha!


Tuesday, February 9, 2016

Fridge

NOONG HUNYO 1, yun na huling post ko. Nahihiya na ako sa blog ko na ito kasi hindi ko na sya nakakausap. Marami akong dahilan kung bakit hindi na ako nagpopost. Marahil. 1. Hindi interesado ang buhay ko. 2. Mabagal kasi ang laptop ko na, 2010 or 2011 pa ata bago. 3. Wala akong gana mag kwento kung paano gumana ang buhay ko. 4. Nasa tumblr ako nagsusulat ng paskil. 4. Busy sa trabaho. pagod stress at naenjoy ang real life. 5. Baka busy ako kumain. Nako, madami pang rason.

Oo nga pala, mula hunyo hanggang ngayong buwan na 'to, 8 months na ako nakatira sa malaking bansang pridedyer na ito. nung dumating kami dito, eh, summer, tirik ang araw kaya naman hindi kami masyado nahirapang mag adjust sa weather, pero nung nag "ber" na naramdaman ko na yung lamig, masaya, makakita ng nyebe, na fulfill na yung isa sa mga Bucket list ko. Gusto ko pa sana dagdagan yung bucket list ko pero wala ako sa mood mag tipa o mag isip ng ilalagay ko. ha ha ha.

Ito na pala ako, hindi na nurse, hindi na nanunusok ng pasyenteng tulog o nagbibigay ng gamot sa ngumangawang bata, ito na ako nag aalaga ng mga matatandang ibang lahi, may dementia, nakalimutan na kung anong edad nila, nakalimutan na kung anong taon ngayon o pakiramdam nila nasa Dekada 90's palang sila. Minsan naglilinis din ako ng bahay. Medyo malayo sa "Nurse" na trabaho ko sa atin. Malayo nga pero atleast kumikita naman. keri na ko dun, teh. kaya gora gora! para sa ekonomiya ng bansa, keri! kahit magpunas ng pwet o magpunas ng inodoro. keriy! Pero nagsimula na ako ng Assessment ko para sa License ko dito. na kung palarin, magiging nurse uli ako at malaki ang kita. Marami akong pangarap para sa pamilya ko at sa sarili ko. Minsan, nawawalan ako ng gana, o pag asa para ituloy ito pero alam ko, lahat ng hirap, gastos at pagod mawawala yan kapag natapos ko 'to, alam ko gagabayan ako ULI at lagi ni God. Malakas ako sakanya eh. Dibadibs, God?

Kalaban ko dito, ang lungkot, anxiety, depression, gutom, pagod at pagkabroke. walang pera! hahaha! kung gaano kadali magkapera, ganun kadali mawalan ng pera, sa daming masasarap at murang pagkain dito, nako mapapadami kang kain at bili. Gusto ko nga itry lahat pero di keri. hahaha.

Sa kasalukuyan akong nag eenjoy, promise, kung mawawalan man ako ng pag asa o nalowbat ang happiness battery ko, Marerecharge 'yan panigurado, lahat naman tayo dumadaan sa depression stage ng buhay natin, na kung minsan bakit, nalulungkot din tayo o feeling natin hindi umaayon ang plano natin sa buhay o hindi natin bati si God, Siguro normal lang yun. Sana mapanatili kong FULL lagi ang happiness battery ko para Good vibes lagi. Stay positive lang, L. Lahat ng hirap mawawala 'yan in future basta mag sumikap ka, Lahat ng Success, likod nyan, pasa, pawis, luha, pagod, at lungkot. May pangalan ang Success at iyon ay LADY LYN. :-)