Honeymoon:
Kagaya ko, isa akong probinsyana, laki at pinanganak ako sa probinsya, Proud na taga Pangasinan / Ilokano ako. Although may City naman kami na tinatawag noon sa Probinsya, pero hindi pa din nawawala ang Bukid. Rurban ang tawag doon. Bilang pa sa kamay ang pagpunta ko sa Manila, na Kabisera ng Pilipinas. Bakit ko ba sinasabi itong probinsya at city na ito? Kasi From province to city ang peg ng lola nyo. Nag evolve. Pokemon ba. Lumipat kami dito sa Vancouver, Which is City. Kung dati probinsyana ako ngayon nakatira na kami sa City, which is NAKAKAPANIBAGO. Maraming changes. Like transportation, Places, People and LANGUAGE! Walang nagiilokanong puti dito. mga pinoy, Oo. Medyo hirap din ako nung una magsalita ng english, kasi nakaka intimidate, Maslalo sa Immigration. buti nakalabas pa ako doon. hahaha, Nung pinasyal kami ng pinsan at tita ko, talagang fascinated ako sa mga puno dahil ang dami!! summer non, kaya ang saya ang daming puno! (parang walang puno sa pangasinan eh) tapos ang simoy ng hangin ang fresh! tapos ang haba ng umaga. hindi ko pa 'nun alam ang Daylight saving time kasi hindi naman iniimplement sa pinas ang DLST. Tanga lang ako kaya ganun.
Negotiation:
Nung unang buwan ko talaga hindi ko alam bumasa ng Maps, hindi ko alam sumakay ng Bus, Iba pa ang Bus nila dito kaysa Bus natin sa Pinas na may pekeng doctor este conductor, tapos sobrang gamit talaga ang maps dito. ang google maps. Siguro mga dalawang buwan o tatlong buwan ako nag struggle sa pag aaral ng transportation dito sa Vancouver, Mga hindi lang limang beses ako nawala sa downtown at sa ibang lugar at mangiyak ngiyak ako na tumawag sa nanay ko dahil late na ako sa trabaho ko. Then after ilang months na struggle sa locations, In introduce sakin ng Ate Rana ko ang Google Maps. (bwahahaha) at dahil doon, Naging eksperto na ako sa lugar. hindi na ako nawawala. Naka alis na ako sa Stage 2 ng Culture Shock!
Adjustment:
Siguro nasa stage palang ako na 'to, kasi ayun sa Wiki, 6-12 months daw ang Adjustment period. Naka adjust naman na ako, sa Transportation, Food at medyo okay na din sa Language, I just need Confidence.
Adaptation:
Ito yung Master mo na lahat. Sanay ka na sa lahat. Language, accent and Transportation. Anything.
No comments:
Post a Comment