Pumunta kaming Mall ng tatay ko para bumili ng handa ng kuya ko, noong pauwi na kami, malapit na kami sa bayan ng lugar namin, Sa gitna ng farm, biglang tumigil ang jeep, nag brake ng napakalakas lahat kaming pasaheros parang namagnet sa lakas at may nag sisisgaw na lalaki. nadinig ko: “May babaril sa akin! may babaril sa akin!” biglang bumilis na yung tibok ng puso ko, kasi akala ko nabaril na siya o nadisgrasya sila. tapos may sumabit sa harap ng jeep yung lalaki at iniwan ang kanyang tricycle sa gitna ng daan sabi niya may humababol daw sa kanya at papatayin siya, bumibilis na yung tibok ng puso ko. hindi pa umaandar yung jeep ang bilis ng pangyayari, sumisigaw yung jeepney driver,“Umalis ka diyan! nandadamay ka pa ng tao! Umalis ka diyan!” tapos kami naman nakatingin lang sa harap tapos titingin sa likod. sakto nasa likod/tabi kami ng labasan ng jeep ng tatay ko, nakita ko may lalaking nakamotor at nakatingin sa jeep. tapos biglang nagtago/pumasok sa jeep yung kondoktor para bang isasafe niya yung sarili niya nung pumandar na yung jeep kabado pa din kaming lahat. sabi ng kondoktor nakita daw niya na may dalang baril yung dalawang lalaki na nakasakay sa single na motor. habang nakasabit yung lalaki sa harap ng jeep, kami naman tumitingin sa likod baka sumunod yung nakamotor na may baril pero di na sumunod. hanggang may bumababa na sa mga bahayan,lahat ng bumababa nagmamadali dahil sa takot. bumababa na din yung lalaki, matanda pala siya. habang naglalakad yung lalaki tinitignan namin siya. hindi ko alam kung talagang babarilin siya o naka drugs lang pero sabi ng kondoktor na may baril talaga yung dalawang lalaking naka single motor.
Nakakatakot yung experience na yun akala ko talaga nadisgrasya sila o ano. Hindi ko talaga alam kung may topak lang yung lalaki o may babaril talaga sakanya. Talamak na talaga ngayon ang riding in tandem. tsk tsk. ano naman kaya mapapala nila sa pagpatay, bukod sa magkakaroon pa sila ng kasalanan, pwede pa sila makulong. Hay. Godbless Philippines.