Wednesday, October 29, 2014

Message to my self

Mahirap ba mapag isa? Maiisip mo kung gaano kasaya ang mga taong nasa paligid mo. Habang ikaw, iniisip ko kung paano ka sasaya. Masaya nga ba mapag isa? sinasabi lang ba ng iba na masayang mapag isa. kasi Isa yung defense mechanism? Para hindi sabihin ng ibang taong: “kawawa kang nilalang. Wala kang kasama, hindi ka ngumingiti, mamamatay kang tukmol ka dahil sa lungkot!”

Pero sa kabilang banda, naiisip mo, masaya naman mapag isa ah. Kasi naiisip mo ang kahalagahan ng sarili mo, na dapat mahalin mo ang sarili mo, na sa kabila ng kalungkutan na nadarama mo, napakablessed mo pa din, kasi humihinga ka. Hindi mo dapat isipin na mag isa ka, andyan ang maykapal nakatingin lang sayo. Kasama mo.

Hindi mo kailangan ang komento ng iba, hindi mo kailangang mabuhay na ginagaya ang buhay ng iba. May iba tayong paraan o way, kailangan natin ng originality para mapatakbo ang buhay natin. Kung ang buhay mo ay Basura, taas noo ka pa din, isipin mo atleast, kakaiba ako, kaya ko pa din tumayo sa sarili kong paa na hindi ginagaya ang buhay ng iba. Minsan naiisip natin na gusto ko sya maging ako, naisip ko, bakit hindi ako gumawa ng sariling ako? Yung hindi sinusundan ang stilo ng buhay nya? May sari sarili tayong way of living. Gusto mo sya maging kagaya mo? Wag. Maging awesome ka, hindi dahil ginaya mo ang buhay nya, kundi naging awesome ka sa paningin ng iba dahil UNIQUE ka. Kakaiba ka sa kanila. :-)

Tuesday, October 28, 2014

Flaws

Minsan napapaisip ako. Sino kaya yung isang lalaki na magpapabago sa buhay ko. Yun bang hindi mo aakalain na magagawa mo ang isang bagay tuwing kasama sya, nakalabas ka sa comfort zone mo kasama sya. Nakakatuwang isipin. Iniisip ko din kung masaya ba sya ngayon? May iba bang taong nagpapasaya sa kanya ngayon? Malungkot ba sya kasi hinahanap nya din ako? Masaya ba sya ngayon? Nag aaral o Nag aral ba sya ng mabuti para sa kinabukasan nya? Successful na kaya sya? o nakuha na nya yung gusto nyang makamit sa edad nya.

Nabasa ko ang mga libro ni Ramon Bautista, Kaya daw maraming NBSB, Walang shota ng ilang taon ay dahil Mataas ang Standards nila, nangangarap sila ng isang tao na nabuo nila sa kanilang isip, siguro dahil na din sa pagbabasa ng mga nobela, dahil lahat naman tayo naghahangad ng magandang love story, kaya matataas ang expectation natin sa isang relasyon, Mataas ang standards natin sa taong gusto natin maging kasintahan. Sabi ni Ramon, Ibaba daw natin ang Standards natin. Siguro, Wag tayong maghanap ng perpektong tao, o wag natin hanapin yung taong nasa isip o nabuo ng isip natin kasi, Hindi totoo yun. Lahat tayo may flaws.

Napakahopeless romantic ko ano? Ganito ang mga NBSB. Minsan naiisip ko nga, Gusto ko ba makaalis sa pagiging NBSB o Sadyang gusto ko lang makaranas umibig ng tunay. Ayaw ko magmadali, Iniisip ko lang yung mga bagay bagay, mga what ifs, ayaw ko magmadali.

Friday, October 24, 2014

Rehab

Nitong nakaraang buwan, nawawalan ng kulay ang buhay ko. Late matulog, Late magising, nahihirapang matulog ng maaga, hinahanap ng katawan ko ang Internet. Kasali na ata Internet sa sistema ng katawan ko. gaya ng droga na nakaka adik. hindi kayang lubayan, hinahanap ng katawan. Kaya siguro hirap ako matulog. alas tres ng madaling araw ako natutulog, nagbabasa ng mga walang kabuluhang kwento sa wattpad, mga hopeless romantic na storya, na hindi naman kailangan daanan ng aking mata pero dinadaanan ko dahil wala akong magawa hanggang sa antukin ako. Siguro kahit minsan naging makabuluhan din ang pagbabasa ko ng kahit ano gamit ang iPod / Cellphone ko, gaya ng mga libro ni John Green (Looking For Alaska) na Dinownload ko lang ang PDF nya sa internet  Inaamin ko na hirap ako mangtapos ng Libro sa Lengwahing Ingles,  Tinatamad ako magbasa? Check. Hindi ko tipo ang kwento? Marahil. Nasanay ako magbasa ng tagalog? Check. Pinipilit ko naman tapusin ang librong 'yun. sana sa takdang panahon matapos ko. Oh, oo nga pala. Kaya dinownload ko lang ang librong iyon ay dahil may Pledge ako na Dapat Filipino Literature lang ang binibili ko (Ehem, Except po sa Wattpad books) Support FILIPINO AUTHORS! Sabi nga nila. Kaya puro likhang pinoy ang tinatangkilik ko, pero na realized ko na dapat magbasa din ako ng english books, para may matutunan ako for future reference, malay mo may makausap akong ibang lahi. oh diba at least alam ko ang universal language. 

Pero Balik tayo tungkol sa Pagka adik ko sa Internet at ang pag gamit ng Cellphone o Electronic Gadget, Parang dapat Kasama ko na ito araw araw. Nakakamiss din yung panahong wala akong ganitong bagay, Minsan nga napaisip ako, ano ba yung itsura ng buhay ko nung mga panahong wala pa akong Touch screen na phone, at Internet. Muntik ko na nga makalimutan ang mga panahong iyon. Nakakamiss balikan. Yung mga panahong hindi pa ako, TAYO adik o Nagpapa alipin sa Makabagong Bagay Gaya ng Cellphones, Tablets, Laptops, at ang makapangyarihang Internet. Nagsimula akong gumamit ng Internet noong Taong 2008, Uso pa friendster noon at sa computer shop pa ako nag frifriendster kasama ng mga classmates ko. Ako din ang nag introduce sa kanila ng facebook, sa kadahilanang ininvite din ako ng Ate Rana ko magfacebook, Dahil Ito daw ang uso sa canada noong taong 2009. Kaya ayun. Doon nagsimula ang Pagiging alipin ko sa Internet. Naging Iba ang buhay ko. Ang kalusugan ko. Siguro naapektuhan na. Hindi pala SIGURO. SIGURADO.

Monday, October 20, 2014

"When I disappear,
all the people I know will remember me.
But as time passes, only my friends, parents,
and you will remember me.
And after more time passes, who will remember?
After a long time, will you forget me, too?"

- Su Eun (My Girl and I)

Saturday, October 18, 2014


Buti pa sila, masaya ang love life. 
Buti pa sila, masaya.
Buti pa sila. 

Sunday, October 12, 2014

Gusto ko magliwaliw bukas. Yung byabyahe sa jeep at bus ng mag isa. Yung kalahating oras o isang oras nakaupo sa bus, habang nakikita mo ang paligid. Yung nadidinig mo lang yung pag uusap ng mga tao sa paligid, busina ng mga sasakyan, tawanan ng mga tao, radyo sa bus, yung hindi mo nadidinig yung boses mo at kinakausap mo lang ang sarili mo sa isip mo. Sana malabas ako bukas.

Thursday, October 9, 2014

Ganito pala pakiramdam ng may hinanakit sa magulang ano? Hati ang damdamin. Di ko alam kung kailangan bang baliwalain yung hinanakit kasi magulang ko sila? 
Iba sa pakiramdam. Maslalo na hindi alam ng magulang ko na may hinanakit ako sa kanila. Ngayon ko lang ata naikwento dito sa blog ko ito. Ang hirap lumuha maslalo na di nila alam kung bakit ka lumuluha. Kaya mas maganda umiyak nalang ng tahimik. Napakaraming bagay o rason kung bakit masama ang loob ko sa magulang ko, maslalo sa nanay ko. Alam ko napakalaki ng utang na loob ko sa kanila. Nakapag tapos ako dahil sa kanila, nurse na ako dahil sa kanila. Pero di pa din mawawala yung sakit na nadarama ko. Sorry kailangan ko lang ilabas ito, kahit di ko totally sinabi kung anong rason kung bakit masama ang loob ko sa nanay ko. Sorry. Masama ba akong anak? Ha? :-(

Tuesday, October 7, 2014

Bisexual me.

Cousin: Bakit ganyan short mo?
Me: *Tingin sa short ko* Naka jersey short ako.
Cousin: Tomboy ka?
Me: *Faints*

Grabe 6 years old na mapanghusga. Kapag naka jersey short tomboy na? Gusto ko mangsako ng bata? At isasabit yung sako sa puno ng mangga?

Monday, October 6, 2014

Okay lang naman maging FREE sa mundong ito. Okay, sabihin nating Gay ka, Lesbian ka, Bisexual ka, Transgender ka. Alam na ng LAHAT, magulang mo at mga kaibigan. Pero sana naman Ilugar ang paglalandi at Paglaladlad, hindi kung saan saan naglalandi. Kaya lagi kayong napupuna at laging nasasabihan na Malalaswa kasi “karamihan” sainyo, hindi nailulugar ang paglalandi.

Bago ka makakuha ng RESPETO galing sa Iba, Dapat i - RESPETO mo din ang SARILI mo. Okay? Wala akong galit sa mga Gay, BI, Lesbian, Transgender. I’m just concern. Sa katunayan, marami akong friends na BI, Okay? NO hard feelings.

Sa katunayan mag aapply din ang post na ito pati sa mga Straight