Nagising ako ng maaga, nanuod ng TV at nagpabili ng hotdog, since yun yung hinahanap ng utak ko, lagi nalang kasing tocino at matagal kasi maluto 'yung tocino, paborito ko 'yun. so kanina, nagulat ako sa mga text messages na natanggap ko kasi sumakabilang buhay na si lola nenet, ang pag kakaalam ko, meron siyang congestive heart failure, so kapag maycongestive heart failure ka, may edema ka sa extremities. kawawa naman binisita namin siya nung nakaraang buwan eh, malakas pa siya. niyakap niya papa ko, sinabi niya
"mamatay na ako ago" tapos nagulat lang ako sa mga text na nasa phone ko pag gising ko na wala na siya. haay. So kanina dapat sasamahan ako ni tita matot bumili ng maleta pero hindi siya nakasama dahil nga sa sumakabilang buhay na si lola, inaasikaso siguro nila. ang sumama sa akin ay si papa. una bumili kami ng maleta ko, kasi mag aabroad na ako sa korea, joke gagamitin ko sa affiliation next month. tapos bumili na din kami ng mga gagamitin sa bahay, pot holders, chopping board, sponge, sabon, kung ano ano pa, mga gamit sa bahay. masaya pala mamili sa murang store hahaha. dami naming dala pag uwi pero pag uwi sa bahay dukha na din kami..
Dumating din yung pinsang kong si gladys at si celine, habang inaayos ko yung mga pinamili naming condiments, mga spices tinanong ako ni celine yung 4 o 5 years old kong pinsan, sabi niya "Ate tomboy ka?" nagulat ako, sabi ko nalang na bakla ako. tinanong ko kung bakit, sabi niya, kasi ganyang suot mo. pati bata, napapansin na mga sinusuot kong mga panlalaki na damit. ganun naman kasi ako manamit eh, at tsaka boyish talaga ako. May kunting sakit sa dib dib at gulat nung sinabi nung bata sa akin 'yun. daldal mo. gurrurrr. hihihi
Ngayon, katatapos ko lang nanuod ng Music Magic sa BlogTV, show yun ni Shayne Orok. Fan na fan ako ng lalaking 'yan noong nasa canada palang siya, pero di ko masyado inaabangan pero nabalitaan ko last last last month (tagal na) na nasa korea na siya, at kahapon nalaman ko na isa na pala siyang DJ sa korea sa Music Magic ng TBS. diba sosyal. talented si shayne gwapo pa. san ka pa!? hahaha. Araw araw na ako makikinig sa Show niya, pinatugtog niya din yung request kong kanta (Appear by Kim Bum Soo) sa show niya at natuwa ako at kinilig talaga! ang bait niya! sana makamit niya lahat ng pangarap niya sa buhay. :)
Litrato ko nga pala habang nasa store, buhat ang chopping board, sponge, steel brush lol. para akong tanga. sabi nila may camera daw yang fish eye na salamin na yan. weellll.