Monday, January 28, 2013

January 27, 2013: Happiest day of my Life.

Mahilig ako sa banda, simula noong high school mahilig na ako sa mga maiingay na musika, hanggang sa makilala ko at madinig ang musika ng Chicosci, iniisip ko na, wala namang pag asa na makita ko sila (ang chicosci at iba pang banda na gusto ko) dahil nga taga pangasinan ako at madalang may gig sila dito sa amin, baka hanggang MYX o TV lang ako, sabi ko sa isip ko, kapag nakatapos ako at kung aalis na ako sa bansang ito, kung di ko pa din sila nakikita, pupunta talaga akong manila para lang makapunta sa mga gig nila.. Isang araw, biglang nag wall post yung bestfriend ko na si Aubrey na pupunta daw Chicosci sa SM Rosales, Halos maiyak iyak ako nung malaman ko na pupunta sila at agad ko cheneck ang schedule ko sa duty at yun ang goodnews sa akin, walang masasagasaan na duty ko!!! tenext ko na din si aubrey, kung talagang tuloy kami, at yun nga, may good news, ililibre daw niya ako ng ALBUM! Late Christmas gift niya daw sa akin, ayaw naman niya tumanggap ng regalo galing sa akin dahil meron na daw nagbigay sa kanya, adik 'yun. At nung Sunday, January 27, 2013, maaga si aubrey nakarating sa SM, at nakarating naman ako agad. ang aga namin sa venue, at excited bumili si aubrey ng album. ang saya dahil nasa front row kami, at habang nag hihintay na inaayos yung set, nagpunta muna ako sa CR, nung bumalik ako, sumunod si Aubrey nag CR, tapos may kumalabit sa akin, tinanong nya kung ako daw si Lady Lyn, sabi ko, OO. tapos tinanong ko kung anong name niya, siya daw si "ako si" so, parang familiar, so siya pala yung nakakausap ko sa facebook na fan na fan din ng chicosci. di isa na namang good news kasi naka kilala na naman ako ng bagong kaibigan. hihihihi. habang tumutugtog ang koskee, grabe, natutunaw ako sa kilig. tapos nung sinabi ni Miggy na Sample portion daw, sumigaw ako, "CHICOSCI VAMPIRE SOCIAL CLUB!!" tapos lumapit sa akin si miggy at tumitigtig, bigla ko nalang hindi napronounce ng buo yung CSCV. kainis hahaha, na STAR STRUCK ako. Napansin ko din si macoy estacio na dating long hair, haha naalala ko lang, member pa din ba siya sa April morning skies? Ang gwapo ni macoy, tapos may braces pa. nainlove si Aubrey dun, makatitig kasi si makoy habang nag drudrums siya. nakakakilig, talagang gwapo nilang lahat. napansin ko din si Sir Calde na akala ko maingay, tapos kapag nasa stage parang silent type lang siya nasa gilid tumututog. sila sir Ariel, Miggy, Mong nagkukulitan. hahahaha. tapos napansin din ni miggy yung statue ng matanda para sa christmas, mukhang inaantok daw si lolo. Masaya pala pumunta sa gig nila kasi hindi lang pala sila musicians, medyo comedians din sila. hahahahaha.

Hindi ko maipaliwanag 'tong kilig na nadarama ko, hindi ko alam kung kanino ako kinikilig, kay miggy, mong, calde, makoy, ariel? o sa kanilang lahat. hindi pa din talaga ako maka get over na, yung dating bandang inaabangan ko sa TV ngayon nasa harap ko, tumutugtog at kumakanta sa harap ko! dahil din sa kanila, marami akong nakilalang taong mahilig din sa musika at mahal din nila ang chicosci. dahil sa kanila maraming kaibigang nabubuo, kahit hindi naman nila talaga nila layunin na gustuhin sila ng tao. kahit anong gawin nila eh, minamahal pa din sila ng kabataang kagaya ko, na hindi ko alam kung bakit nainlove ako sakanilang lahat. kung pwede lang asawahin silang lahat, kung pwede eh! Akala ko itong buwan na ito ay puno ng kamalasan sa akin, nagsimula ito ng kamalasan, pero mahuhuli ang kasiyahan, salamat chicosci, sa pagbuo ng araw ko, to be exact TAON ko. hindi niyo man mabasa ito, o mapansin yung mga tweet ko, nagpapasasalamat pa din ako, kasi napasaya niyo ako. hindi man ninyo ako kilala, nagpapasalamat ako, kasi  nga pinapasaya niyo ako sa pamamagitan ng musika niyo. maraming salamat. sana makita ko ulit kayo at madinig ang musika niyo!







Hindi maganda yung quality ng pictures ko. sayang dahil wala akong digicam hiniram nila. pero ayus lang, alam ko may darating ulit na araw na makikita ko sila. 

Sinabi ko kay Aubrey na "Oo, fan nila ako, pero ngayong nakita ko na sila sa personal, maslalong lumalim yung paghanga ko sa kanila"


Friday, January 25, 2013

Asabells.

Nagbabalik na uli kami sa DUTY, pagkatapos ng duty namin sa Orthopedic, balik pangasinan na naman ang duties namin. Buti naman at malapit lang yung hospital sa bahay namin, kaya sinusundo nalang ako ng van sa crossing, napakalapit lang mga 10 minutes na byahe. Sa tayug lang ang duty namin at ayus naman mag duty dun, first time ko mag duty dun, I mean, halos lahat kami first time mag duty dun.
Nakakamiss yung way na totoo yung tawa ko at nakakapag patawa ako, kasi nung nasa ortho kami eh, yung tawa ko pilit tapos iniisip ko na baka pag tumawa ako ng madami sa araw na 'yun eh, may kapalit na kamalasan. sabi naman ng mga classmates/groupmates ko na wag daw ako mag isip ng ganun, na malas ako.  think pozitive. Pero ang nakakatawa naman sa Tayug duty namin eh, ASABELLS ako. hindi ko na maikwekwento kung bakit pa asa ako, pero natatawa ako.
By the way, sa 1st two days naman sa duty namin dun eh, wala pa naman ako naging problema, at masaya naman ako. sana nga magpatuloy 'yung ganun na masaya ako lagi, at walang masyadong problema. Ajejejeje, eh basta sana nga dun nalang lagi ang duty namin tapos pala, very hands - on kasi kami sa mga patients at yung gusto ko eh, lagi kaming nagbre break ng ampules, nagbubukas ng vials, naalala ko na ang lakas ng intensity ko sa pag aspirate ng meds sa ampule ngayon easy as 1 2 3, gusto ko pa ma perfect yung pag tutusok ng tao, IM, ID, yung ID ang gusto ko pa ma master ng bongga, kasi kapag nag i - skin test ako, laging walang wheal. kalerqui, frustrated ako hahahaha, sana nga lagi may magpapa skin test sa akin. hahaha, nagbibigay kami ng meds dun, AT yun pinaka frustrated ako eh, kapag hinihilo ako ng CI namin sa Drug computations. dahil baka alam niyang bobo ako sa Divide, multiply hahaha, pero napractice ko na kanina, sana alam ko na kapag sa susunod na hihiluin ako ni ma'am. Ehhh, bukas papasok ako dahil ipapasa namin yung Proposal ng Copied Thesis na galing sa University Library namin, sana nga maipasa na namin, natatakot ako na magalit si lolo/sir kasi di namin naipass ngayong friday, pero sabi naman ni ate lai wala daw si sir sa office niya. heh, basta papasok kami bukas. k bye. asabells ako. grabey.

Sunday, January 20, 2013

23 days

Oh common, 23 days na akong hindi nakapag post dito sa blogger ko, nasira kasi ang charger ng laptop ko, hindi naman ako nakabili agad dahil hindi ko alam kung saan ako bibili, ngayon alam ko na kung saan bibili wala namang perang pambili, nagihihintay pa ako ng perang darating para pambili nito. nasira din pala yung pangarap ko gumawa ng Project 365, dahil nga sa charger na bwisit na 'yun, kaya di ko nasimulan gumawa nito. sayang. Nakakamiss naman kausapin ang sarili ko, kung paano ko ilabas yung mga nasa isip ko, gusto ko ikwento ang nangyari sa affiliation namin pero tiyak, sasakit lang ang puso ko, siguro bibigyan ko muna ng pagkakataon ang isip at puso ko mag move on sa mga nangyari sa affiliation. hindi tungkol sa lovelife ang mga pangyayaring naganap doon, may mga masasama lang na nangyari na nagpa iyak sa akin. siguro it takes a month para malimutan ko at tawanan nalang yung mga pangyayaring 'yun, tuwing naiisip ko pa din yung mga nangyaring 'yun eh, nagkaka angina ako at nagiging malungkot ako, ayaw ko muna mag isip at mag kwento ng problema ko. akala ko magiging masaya ako sa affiliation 'yun pala puno ng kamalasan, pero ayus na 'yun, tapos na 'yun, kailangang mag move on sa malas, iwan sa manila ang mga masamang nangyari sa akin at kapag babalik kami uli doon sa susunod na buwan, sana hindi na uli bumalik ang kamalasang natamo ko. heh! ang drama ng lola niyo. excited na din ako makapag move on sa mga kamalasang natamo ko, excited din ako ikwento ito dito sa blog ko, basta ikwenkwento ko lahat ng nangyari sa affiliation kapag ready na ako tumawa at masiyahan at kung naka move on na talaga ako. hi hi hi. sa ngayon, andito uli ako sa pangasinan, pinagpapatuloy yung mga naiwang tungkulin o gawain sa tahanan, sa eskwelahan at iba pa. kailangan ko na uli masanay, mag move on at mag aral mabuti dahil exam pala namin bukas. mahirap mahuli sa klase, hindi namin alam ang lahat ng lesson sa nakaraang dalawang linggo, kailangan ng puspusang pagbabasa o review na yun para sa amin, sana bukas, marami akong makuha sa aming eksaminasyon.

Tuesday, January 1, 2013

Happy 2013! Happy New Year!


As usual, we start a year eating all of our "natirang handa" while watching TV. Hope this year will be Good to us. of course there's still problem to come, but I hope we will "kakayanin" all of the problems. I know God gave us problem because God knows that we can able to do it. I know, God will also help us. I want to thank God because he gave us strength and healthy body last 2012. I hope he will give us another strength to continue our daily lives. I'm looking forward that 2013 is Good year for us. Let's think positive! Thank you 2012, you are exciting year and challenging year. Thank you God.