Wednesday, May 25, 2011

May 25, 2011

Wednesday 4:43 pm

Habang ginagawa ko itong post na ito, tumutugtug ang kanta ng parokya ni edgar,“wag mo na sana akong pahirapan pa, kung ayaw mo saakin ay sabihin mo na..” Sa unang pagkakataon na narinig ko ang kantang yan sa youtube, nagustuhan ko na kaagad, kailan ko lang yan nadiskobre. nagandahan naman ako, dinowload, wala naman akong pera para bumili ng album ng parokya kaya no choice download ko yan. Kanina pala nagpunta kami ng tatay/papa ko sa urdaneta para bumili ng gamit ko sa school. una kaming nagpunta sa national bookstore. balik high school ang mga notebooks ko, spiral, 8 notebooks. yun ang napag usapan namin ng mga classmates ko school na bilhin. baka kasi ipasa sa instructor, badvibes ulit kapag makapal na note book ang bibilhin. nadaanan ko nga pala yung libro ni bob ong, hinawakan ko tinignan tapos iniwan, pagkatapos namin naghanap ng mga gamit na kailangan ko.. nagbayad na kami, pero nabanggit ko kay papa ko ang bob ong, sabi niya kunin mo na.. yun kinuha ko! pagkatapos nun nagmeryenda pa kami sa plato wraps, hahaha ham and cheese sana pero nagbago isip ko, chicken nalang daw. yun kumain kami, inalis ko ang pipino ng plato wraps ko, ayaw ko ng pipino nun pa. hindi ata kasi ako pilipino. then sa tabi lang CD R king, bumili kami mini mouse, (huh? minimouse?) maliit na mouse para sa laptop ko, at flashdrive ko, hehe. pagkatapos nun, nagpunta kami sa isang mall ulit, bibili sana ako ng bag sa bench pero, hindi ko mahanap ang gusto kong bag na kagaya ng classmates kong lalaki, sadyang tomboy lang ako, pero type ko yung bag niyang binili niya sa bench, tapos bumili ng stockings ko, payong kasi tag ulan na, sa kasalukuyan, binabagyo ang pilipinas, ang huling balita ko, nasa samar na ang bagyong chedeng, sana huwag namang bumaha sa pilipinas ulit kagaya nong bagyong ondoy. lumilingon ako ngayon sa langit, madilim, mukhang galit, siguro uulan mamaya. pagkatapos namin bumili ng gamit ko, nagpunta kami sa jollibee, para bumili ng request ng kuya ko, chicken joy. haba ng pila. bago pala yan, baba kami ni papa, nasagi ang mata ko sa escalator nakita ko ang maputing lalaki na nakasuot ng light violet na tshirt na may puting relo, naalala ko yung EX crush ko na nursing student, dancer na churva na mayabang, katawan lang nakita ko, pero sigurado akong siya yun, buti di ko nakita pag mumuka niya. at sana di niya ako nakita! hmmp. tapos na lahat, bumili na kaming lahat ng kailangan, salamat papa kasi nilibre ako sa school supplies ko. haha, muah. salamat. hehe. akala ko pera ko gagastusin. bumili pa pala si papa ng gamit para sa gagawin niyang pustiso. (LOL) nahihiya ako kay ante kasi sabi nya, sinamahan mo siya bibili lang ng gamit, natatawa sila. eehhh, gusto ni papa samahan ako eh. haha, tapos umuwi na kami. pagkauwi ko kinuha kaagad ni kuya ko yung mini mouse, pagkatapoos, binasa ko kaagad yung libro ni bob ong, “mga kaibigan ni mama susan” alam ko nakakatakot yun, pero binasa ko yung 1st page. ” huwag mong bibigkasin ang hindi” nagulat naman ako hahaha! yung nilalaman ng libro horror, style? diary ng isang binata, taong 1998 pa. medyo nainspired ako, kaya nagdiary din ako ngayon. nasa gitna ako ng libro, mabilis ako magbasa, pero di ko mabilisan kasi nakakatakot, di ko alam kung itutuloy ko pa. hindi ko alam.. sa ngayon na momoblema ako sa mini mouse na binili namin, nag loloose, humanda kayo ipapalit namin to. CD R KING, failed.