Pasintabi po sa paa ko. hahaha. Kung gusto niyo ako regaluhan ng sapatos, ayus sa akin. size 6 or 6 1/2 ang size ko. maliit ba? marami akong kapaa eh, kaya go, regaluhan niyo ako sapatos. wag lang heels, kasi di ako nagsusuot 'nun.
Halos lahat tayo, sinilang sa mundong ito na may paa, ginagamit ito para makalakad tayo, makapunta saan man kung saan mo gusto. pero hindi lahat ng tao, nabiyayaan ng paa, merong mga tao na pinanganak na walang paa, o may mga tao, nawala nila ang kanilang paa dahil sa mga aksidente o sakit. pero sa kabila 'nun, di sila sumuko. hindi sila sumuko mabuhay, hindi sila sumuko na ituloy yung nakasanayan nilang buhay. kahit wala na silang paa o kulang ang isang paa, nagagawa pa din nila yung mga gusto nila na tila ba walang humahadlang. dakila sila. inspirasyon. bakit tayong mga tao, kompleto ang paa, tamad? ni kumuha ng tubig, mag switch ng electric fan, patayin ang ilaw, mag lakad papuntang eskwelahan, tinatamad pa. pero tignan mo yung mga may kapansanan, nagagawa pa nilang mag aral, magtrabaho at kung ano ano pa. diba kahanga hanga? kaya swerte tayo may kompleto ang paa kasi nagagawa natin ang gusto natin, walang hadlang, tanging ang sarili lang natin ang hadlang dahil kung minsan tinatamad tayong gamitin ito.
"Say it's true, there's nothing like me and you
Not alone, tell me you feel it too
And I would runaway
I would runaway, yeah
I would runaway
I would runaway with you"

