Wednesday, August 27, 2014

Napanaginipan kita.

Pagmulat ng mata ko, kalungkutan agad yung bumalot. Alam ko kasi pagkatapos ng panaginip na ‘yon, balik na naman ako sa realidad na malayo ka talaga sa akin, wala ako sa radar mo (Thanks Ramon!)

Masakit. Hindi, Malungkot na Kabaliktaran yung mga nangyari sa panaginip, Kung gaano tayo kalapit, ganun ako kalayo sa’yo.

Tinapos ko ang gabi ko na iniisip kita.
Pero ikaw tinapos mo ang gabi mo sa pagsabi sa kasintahan mo ng “Mahal kita”

Oo malayo ako sa Radar mo, Sorry matagal ako mag move on, Sorry lagi mo ata nakakagat ang dila mo dahil lagi ka nasa isip ko, sana bukas pag gising ko wala ka na sa isip ko.

For sIyaM

Monday, August 25, 2014

Ako yung tipo ng taong akala mo masiyahin at go lang ng go pero sa totoo lang ako yung pinaka madrama, mababaw ang luha, Napaka duwag, at walang tiwala sa sarili. Napaka weak kong tao. Leche.

Courageous




Okay. Nakuha ko na ang Pangarap ko na maging RN. Oo ito na yung pangarap ko. Pero may kulang pa din, yung kulang na yun ay pumipigil sa mga gusto ko pang maabot na pangarap.

Nawawalan ako ng Confidence. Ng Courage. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para umangat ang Self esteem ko. sana isa ito sa mga tinuro noong college kung paano Magkaroon ng self confidence. 



Friday, August 22, 2014

Review Days

Naiinggit ako ngayon sa mga classmates ko na nasa baguio at nagrereview. Hindi naman sa gusto ko uli mag review. Namimiss ko lang yung pakiramdam na excited ka araw araw sa magaganap sa review center na bawat araw may nilolook forward ka, na may bago kang matututunan. At araw araw iba ibang tao ang pwede mong maka tabi o makita. Pwede ka maghanap ng ka sparks dun hahahaha tse pero di ako masyado naghanap dahil focus ka lang sa pag aaral at hindi sa pag ibig hahahaha!! 
De joke. Basta nakakamiss maging reviewee.

Kalihim

Pumasok akong dating kalihim sa kapilya. Pumasok akong kapilya ng madaling araw. Late ako. Nag aayuno na sila nun. Kaya naghintay ako sa labas bago matapos yung ayuno. Madilim ang paligid, dahil nga madaling araw palang, mga 5:15 ng umaga, pasikat palang ang araw, May katabi naman akong matanda. Kinausap nya ako. Di ko na maalala yung pinag usapan namin pero may tumatak na usapan namin e. Na sobrang naloka ako. 


(Non Verbatim)


Matanda: Taga saan ka?
Ako: Dyan po sa Poblacion ****
Matanda: Alam mo bang may namatay doon?
Ako: *Nasa isip ko: Wala namang namatay dun sa amin ah*


Napaka weirdo ng matandang ‘yun. Churchmate ko ‘yun, matagal ko na sya nakikita iisa lang lagi yung lugar na inuupuan nya sa loob ng kapilya. Minsan nakikita ko syang nakangiti o nagsasalita mag isa. Kung makikita mo sya, maliit syang matanda, maiksing buhok na may laging suot na headband tapos medyo duling yung mata. Yung sinabi nya sa akin, naloka lang ako. Kasi weirdo din sya magsalita. 

After ilang years. Ngayon, hindi ko na sya nakikita sa Church. Ano kayang nangyari sakanya.


Thursday, August 21, 2014

Seniorita Seniorito



Hahaha naloka ako kay jejomar binay. may elevator sa bahay nila. naalala ko yung binasa ko sa wattpad kaya may elevator sila sa bahay ay para sa nakawheel chair na lola nila. kaloka ah. so ano ka jejomar, naka wheelchair? hindi makapaglakad? mall ang bahay?

pero malay natin pera naman nya mismo ang ginamit nya pagpapagawa ‘nun. tsk.

ayus nga daw sa makati e. may cake ang mga senior citizen tuwing birthday nila. hahaha.

Naalala ko dito saamin. dito sa amin nagbabayad ang mga senior citizens ng limang piso kada isang pumanaw na Miyembro ng Senior Citizens Association.

Ngayong buwan na ito 18 na Senior Citizens ang pumanaw (Nagdadalawang isip ako ganun ba karami talaga ang namamatay na matatanda?)

Alam ko kung ilan ang binabayaran ng lola’t lolo ko dahil ako mismo nagbabayad at sa amin inaabot yung resibo na binibigay. Ilang taon na kami ang nagbabayad, Pakiramdam ko nagogoyo na kami. seryoso.

Kanina nasabi ko, 18 na thunder bolts ang pumanaw so, sa isang thunderbolts ay limang piso, so 180 pesos. imultiply mo sa dalawa kasi dalawa sila ng lolo’t lola ko. Ngayong buwan 180 pesos babayaran namin. Napakalaki, paano na kaya yung mga walang kayang lolo’t lola?
Sabi naman ni Kuya ko, hayaan nalang namin at sabi ng Nanay ko benipisyo yun ng lolo’t lola ko. kaya okay na sa akin.

Pero ang cool ng makati kasi may pinapadalang cake tuwing burpday ng mga Seniorita at Seniorito. Parang sarap nga tumira sa MAKATI. HIHIHI. Sana Red Ribbon na Cake. hihihihi

Wednesday, August 20, 2014

Sakit

"You follow each other" Sabi ni Twitter, pero sa totoo lang di nya ako pinafollow talaga sa buhay nya. Sakit.


Para tayong Charger, Nakasaksak ako sa Puso mo, pero Yung kuryenteng binibigay mo ay binibigay mo sa ibang tao, sa Cellphone. Sakit.

For sIyaM 

Saturday, August 16, 2014

 

May nang gugulo habang nag sosoundtrip ako sa higaan ko. Titigan ba naman ako tapos biglang tumalon sa kama. Ang kulits. 😘☺️🐶

Friday, August 15, 2014

My Journey in 11 Photos.













      
    

      









August 08, 2014

Oath Taking at Prince Bernhard Hall, Saint Louis University, Baguio City, Philippines

We are now a Full-Fledged Nurse. 
Are we ready to face the reality?





Saturday, August 2, 2014

10 paks bout me kahit walang nagtatanong


1. Psychosomatic akong tao. Ganito ata ang mga student nurses. Kung anong nararamdaman ko may diagnosis agad at magpapacheck up agad.
2. Hindi ako palangiti. Kaya kapag nakikita niyo ako sa kalye o nakakasalubong di kita ngingitian unless super close tayo.
3. Pakiramdam ko hindi ako approachable.
4. Palakwento ako ng mga walang kwentang bagay. Marerealized ko nalang walang kinalaman yung kwenekwento ko sa topic natin. May flight of ideas ata ako. Hahaha
5. Mahilig ako sa love song na rock music kahit never akong nakaranas ng pag ibig. Kahit never ako nagkarelasyon. Bakit ganun ang life?
6. Mahilig ako sa aso. Kahit ilang beses akong nakagat ng aso. Hindi ako natatakot. Natatakot lang ako sa rabies at tetanus maslalo na kapag di namin aso yung nangangagat.
7. Mahilig ako sa baboy. Anong parte ng baboy? Ribs!!! Haaaa.
8. Gusto kong maging psych nurse. Kung maging RN ako mag apply ako sa psych ward sa baguio. Hahahaha!
9. Nung affiliation namin. Natira kami sa Metro dorm sa Ortigas. Oh diba tunog mayaman! Dahil wala akong pera para sa laundry na napakamahal kahit bawal maglaba sa loob ng CR naglaba ako ng napakaraming damit pero sa sobrang lakas ng tubig sa faucet. Bumigay ang faucet at bumulwak ang maraming tubig sa mukha at katawan ko. Lumabas ako ng basa at nadulas sa maraming tao. Napafail. Kitang kita yun sa CCTV hahaha! Yun sa sa huli di naman ako pinagbayad. Eh sa luma yung faucet eh. Pektusan ko yung maintenance kapag nagbayad pa ako hahaha!
10. Noong highschool ako. Nagmamadali akong pumasok pero bigla nalang naisabit ang palda ko sa gulong ng tricycle at nahila ang palda ko. Nasira ang zipper at lock. Buti nasapo ko kaagad at hindi nahulog pumasok akong CR ng school at inayus pero di pwede! Kaya nauwi kami ni janene para magpalit ng palda partida nilakad namin school namin hanggang bahay namin! Hahaha

Polar Bear

Ang weird lang ng Katawan natin ano, sabi sa Milo 80% ang nawawalang energy kapag natutulog tayo. Eh bakit yung mga bear may tinatawag sila Hibernation?! Natutulog silang napakatagal para makapag store ng energy sa Winter. Eh bakit tayo natutulog lang tayo ng 8 hours pakiramdam na natin napakatagal na natin natulog at Pagod na pagod tayo. Unfair ba?

Friday, August 1, 2014

Naiisip ko ngayon, Hindi ako deserve maging RN, kasi di ko nararamdaman o naiisip na magiging isa akong Nurse sa mga Hospital. Hindi ko nakikita yung Sarili ko na maging Nurse, Yung Nurse na Nagsusulat ng charting, nag aassist ng major operation, Hindi tensyonado sa Emergency Room, Nakaisang shot sa pag tusok para sa swero, Hindi ko naiimagine na ganun ako. Ngayong RN na ako, saka ko naman naramdaman ang mga ganitong bagay, Na Hindi ako nararapat sa Propesyon na ito. Ngayon pa ba ako susuko? Nawawalan ako ng tiwala sa sarili, kaya wala din akong kagustuhan mag apply ng trabaho. Saan ba mapupulot ang lakas ng loob at tiwala sa sarili?