Saturday, June 1, 2013

Sino ba nagpauso ng insecurities?

Hindi ako perpekto, halos lahat ng katawan ko, meron ako insecurities, hindi ako seksi gaya ng iba, hindi ako maganda kagaya ng iba, mataba ako, baboy kung tawagin, minsan nasasaktan ako kapag sinasabihan akong baboy, hindi ko kasalanan o kasalanan ko man ang pagiging mataba sana hindi naman nila ituring baboy ang mga matataba dahil spelling palang magkaiba na ang baboy sa TAO.

Marami akong insecurities na araw araw kong nakikita sa salamin. na ngayon iniiyakan ko ngayon. bakit ganun, hindi naman ako nagsisisi sa itsura ko at katawan ko, pero nakakainis na. Hindi naman ako nagsisisi sa mukha ko, masaya na ako don, pero may ibang parte pa din sa katawan na minsan naiinis na ako bakit ba binigay sa akin ng diyos to. natatawa ako and at the sametime naluluha na sa inis.

Minsan naman naiinsecure ako sa utak ko, kasi pinag cocompare ko yung talino ng ibang tao sa lebel ng talino kung meron man, kaya naman naprepressure ako sa pag aaral.

Minsan naman naiinsecure ako sa porma ko, hindi naman kasi ako kagaya ng ibang babae na nagsusuot ng dresses, nagsusuot ng high heels, ako yung tipo ng babae na masaya na sa tshirt, pantalon at sapatos. comportable na ako. hindi ako dumadalo sa mga debut na formal. Hindi ako nagsusuot ng magandang damit na pang babae, minsan sinsabi ko sa sarili ko, ano ba talaga ako? tomboy ba ako, BI? o babae ba talaga? hindi ako komportableng magsuot ng pambabaeng damit.

Hindi rin ako yung taong gustong gusto yung atensyon ng tao, kapag kasi ako, nagsuot ng bagong damit, pinagtitinginan ako, hindi ko gusto yung mata ng tao nakatingin sa akin, minsan hindi ko feel ang maging center of attention, pakiramdam ko namumula ako at pakiramdam ko may nasasabi silang masama sa akin, kaya ayaw na ayaw ko magsuot ng magagarang damit. hindi ako yung tipo ng tao na gusto ng atensyon. hindi ako pasikat.

Minsan naiisip ko, ang baduy ko kaya, kung ihihilera ko sarili ko sa mga kaibigan ko, ako ba ang pinakabaduy?

Hindi ako yung taong pinipilit iangat ang sarili para lang maabot ko sila, marami kasi akong kakilala na pilit iniaangat ang sarili para maging kapantay sila ng taong masmataas at mas may kaya sa kanila, hindi ako trying hard. hindi ako feeling sikat. hindi ako manghihingi ng pera ng magulang para matustusan yang peer pressure na yan. Kung may insecurities man ako ngayon, kung ano man ang wala ako na meron sa mga classmates ko, Hindi ko pinipilit magkaroon ng kagaya nila. Hindi ako perpekto, masaya na ako sa itsura ko, pero hindi maitatago yung inis hindi maitatago yung insecurities ko sa katawan ko.

Gusto ko yung mga taong walang pakialam kung anong wala ako, yung mga taong walang pakialam kung gaano ka cheap man yang damit na binili mo, gusto ko yung mga taong nakakasama ko kumain sa mga street foods, sa mga mamihan paguwi ng klase, gusto ko yung mga taong hindi minamata yung mga gamit kong maituturing mura at abot kaya, gusto ko yung taong tanggap nila kung ano yung istorya ng buhay ko, kung paano ako suminga, umutot at maglinis ng ilong. Gusto ko yung taong naiintindihan ako kung paano ako umasta, gumalaw at naiintindihan ako kung paano ko patakbuhin ang buhay ko. Siguro masaya na ako sa mga taong nakapaligid sa akin, sabi ko nga walang taong perpekto, Lahat ng sinabi kong katangian ng taong andiyan ay wala sa isang tao. Nasa iba’t ibang kaibigan.

Paano ko ba aayusin tong isip ko para mawala sa isip ko ang mga insecurities na ‘yan?