Itong araw na ito parang normal na araw lang, nagising, maliligo, magpapalit ng uniform, magsusuklay, mag aayos ng sarili, isusuot ang sapatos, isusuot ang bag ko na hindi ako masaya dahil marami akong kapareha, sasakay sa tricycle, madadaanan mo ang labing limang bahay, munisipyo, isang plaza, at isang elementary school bago makarating sa paradahan ng dyip, napakalapit. within 5 minutes nandun ka na kung lalakarin.
Pero bago ako pumasok habang nakasakay ako sa tricycle, may pumukaw ng atensiyon ko. isang bata naglalakad parang galing sa bukid na nasa 1 kilometro ang layo sa aming tahanan, papasok sa ekwelahan. Sinundan ko ito ng tingin. nakita ko ang gamit niyang bag, isang plastik na container ng langis na binutasan sa gitna at nilagyan ng tali na parang sa karaniwan na bag na makikita mo pero kapansinpansin talaga ang bag na yun na pagmamay ari ng bata. sabi ko sa isip ko: “kung bigyan ko kaya ng bag yun?”
Kanina pag uwi ko, nakita ko ulit yung batang yun (hindi ako sigurado pero baka kuya niya o mismong siya yun) naglalakad dala ulit niya yung bag niyang improvised. pero hindi na notebooks ang laman niya, kundi baterya. sabi ng tatay ko na kadadaan lang, baterya daw yun para gagamitin sa ilog, pagkuryente sa mga isda sa ilog. siguro yun yung hanapbuhay nila.
Masasabi ko na napakaswerte ko pa din kasi kahit papaano nakakabili ako ng bag. marami akong back pack diyan hindi ginagamit, pinagsawaan pero siya tignan mo. isang container ng langis pinagtyatyagaan niya maging bag papuntang school na kapag umuulan mababasa yung mga notebook niya. napakaswerte ko. tayo. kasi ang bag natin, jansport, hawk, o kung ano ano pang brand ng bag pero yung batang ‘yan? sana makita ko ulit siya bibigyan ko ng bag.
hindi mo masasabi na lahat ng tao sa tinitirhan kong lugar ay nabibiyayaan, hindi lahat ng kasama namin sa baranggay namin ay mayayaman. minsan nagpunta kami sa bukid na isang kilometro ang layo sa bahay namin, mahirap talaga ang buhay nila, walang ilaw, walang pagkain. salamat God kasi maayos ang pamumuhay namin.