Saturday, January 28, 2012
Two letters that will change my Life
Bata palang ako namulat na ako sa Salitang “Nurse” Dahil ang dalawang tita ko ay parehong Registered nurse at nagtratrabaho na sila sa canada ngayon, Noong bata ako nagsimula ang pangarap ko na maging isang Nurse. sa mga Autograph, What is your Dream: To become a Successful Nurse someday.Ngayong College na ako, Unti unti ko itong tinutupad, Ang kurso ko ay Nursing at walang nasa isip ko kundi ang dalawang letrang magbabago ng buhay ko sa darating na dalawang taon, ang letrang R.N Gusto ko talagang maging Registered Nurse balang araw. hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap ko kung makakatapos ba ako ng pag aaral at magiging Registered nurse ako o hindi. kapag nakakakita o nakakabasa ako sa internet ng Blog na nagsasabing: RN NA AKO YES! naiisip ko ang sarili ko, after 2 or 3 years kaya maisisigaw ko din kaya ‘yan sa mga blogs ko, mararanasan ko din kaya ang saya na nararanasan nila na makamit nila ang dalawang letrang ‘yan? Nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo at kaunting paghihirap nalang maeeksam na din ako at malalaman natin kung makakamit ko din ang pangarap ko. Kung makakapasa ako malalaman ninyo balang araw, kung matutupad din ang pangarap ko, tignan natin. Malaking pagsubok sa akin ito kasi dalawang tita ko nurse din sila gusto ko din maging successful din ako. Sana makaya ko lahat ng pagsubok at Maging RN balang araw, Maging RN balang araw, Maging RN balang araw
Sunday, January 1, 2012
After 2 years of Studying Nursing, I experienced what? (1)
December 07, 2011 Wednesday
Nasa Ikalawang taon na ako sa Nursing na kurso, dalawang taon na ang nakakalipas, ano na ba ang aking naranasan sa mga clinical duties namin. Kailan lang kami nagsimula mag duty, sa mga panahong yun, marami na rin kami naranasan at na incounter na kakaiba sa hospital. Ibabahagi ko ito sa blog kong ito lahat ng naalala kong pangyayari sa duties namin.
Nasa Ikalawang taon na ako sa Nursing na kurso, dalawang taon na ang nakakalipas, ano na ba ang aking naranasan sa mga clinical duties namin. Kailan lang kami nagsimula mag duty, sa mga panahong yun, marami na rin kami naranasan at na incounter na kakaiba sa hospital. Ibabahagi ko ito sa blog kong ito lahat ng naalala kong pangyayari sa duties namin.
- Nag duty na kami sa Delivery Room, yun ang unang sabak namin. ganun pala ang buhay sa DR, sandali mo lang na mahahawakan ang pasyente kaya pahirapan mag interview ng pasyente. habang umiiri ang nanay iniinterview namin siya, Pwede namin gawin yun kasi nasa government hospital kami sa panahong yun. kailangan namin kausapin yun nanay para sa case study namin, pahhirapan, after niya manganak, susundan pa namin siya sa OB ward para ipagpatuloy yung interview, minsan di pa kami pinapayagang lumabas sa delivery room.
- Naranasan ko na din mag gunting ng umbilical cord, ganun pala, matigas na masarap guntingin.
- Naranasan ko na din maglabas ng placenta ng nanay, sa mga oras na yun naalala ko nanay ko, ganito din pala ang nanay ko nung nanganak siya, Medyo bloody ang pagalis ng placenta, kung hindi mo narotate ng maayos habang lumalabas, bubulwak ang madami dugo sa kamay (with gloves naman eh) nakakatawa lang kasi minsan matatalsikan yung scrub suit mo, pagkita mo sa tsinelas at scrub suit mo dami ng patak ng dugo mga classmates ko nga sa.
- Natalsikan na dinako ng dugo sa mukha. hahaha, buti hindi natamaan sa mata.
- Yung Nasaksihan mo yung doktor, natalsikan ng dugo ang mukha habang nagtatahi? hahaha, natawa ako kasi nag walk out yung doktor at hindi namin alam kung saan nagpunta, after 2- 4 minutes... bumalik. nalaman nalang namin sa CI namin nagpainject pala ng Hepa - B Vaccine hahaha.
- May Nakakagulat pa na pangyayari, tinatanong ko yung nanay,
Ako: "Ate ilang taon po kayo?"
Nanay: 14.
Ako: Ano po 40?
Nanay: 14!
Ako: Umalis at pinakiusapan si maylene na tanungin ulit yung age ng nanay akala ko nabibingi ako
Maylene: Ilang Taon na po kayo?
Nanay: 14 nga!
Nagulat kami kasi 14 years old pala yung babae, ate ako ng ate. nagulat din ako, akala ko nabibingi lang ako or ano kaya yun, pinapagalitan pa siya ng mga doktor bakit ang aga daw niya nabuntis, yung baby na na didistress, sa kabutihang palad ayus naman yung baby.
- May pasyente kami, hindi na nag cocontract ang tiyan, so it means hindi na gumagalaw ang baby patay na. pero tinary niya pa rin ito umiri pala maalis yung bata. hindi na ako yung actual hindi ko nasaksihan, after nilabas yung baby na patay kawawa talaga, kinilo pa siya, nilagyan ng umbilical clamp. medyo iba na ang amoy. first time namin makakita ng ganun IUFD ang tawag doon o Intrauterine Fetal Death.
- Mahirap maging assist sa DR, mag hahawak ka ng sinulid pang tahi sa sugat ng nanay, minsan mapapagalitan pa ng doktor. buti mabait naman mga doktor doon sa pinagdutyhan namin.
- Yung moment na Nailock ng student ng ibang school yung Umbilical Clamp kasi Nadinig namin pinapagalitan siya, na ilock kasi niya yung umbilical Clamp! hahahaha baliw talaga.
- Mahirap mag hatid ng pasyente ang bigat tapos mahirap hanapan ng room kasi puno lahat, tapos makikisik sik pa siya sa ibang nanay, ang daming pasyente sa government hospital kaysa sa private hospital. Tapos ireregulate mo pa yung IVF niya. first time namin mag duty di ko pa noon alam mag regulate ng IVF, ngayon medyo ayus naman. alam ko na.
- Nagulat na din ako nang may hinatid galing sa OR (na cesarean ang nanay) tapos TATLONG BABY ang dala, it means..... Triplets! Tatlong Maria pa! ang saya habang kino cord care namin sila ang cute, Baby A, Baby B, Baby C! hahaha. Iba iba lang ang condition nila may Cyanotic at may normal ang color ng baby.
- Naranasan na din namin ang masungit na nanay, na nanay ibuka niyo po yung dalawang binti niyo. 'mamaya' sabi niya tapos dumating yung CI namin, pinagalitan na naman siya, Tapos sigaw ng sigaw siya, "Waaaaaah, Nanay ko!! Ang sakit, WAAAAAHH" pati mga doktor nababaliw na, pinapagalitan yung nanay, ( government hospital sinisigawan ang pasyente) ilang beses na bumalik yung CI namin, na wag sumigaw sabi na nga ni CI namin makulit pa din pati kami nari rindi.
- Nagka crush din ako sa mga kasabayan naming ibang studyante, masaya kasi nakakasabay namin siya at chinese ata siya. maputi. hahaha. naalala ko siya pero di ko maalala ang apelyido niya nakita ko sa scub suit niya.
- Nakatulog ako at nakahiga talaga sa mahabang upuan sa loob ng labor room at nakanganga, buti nga di ako pinagalitan, nakahiga ako dumating yung staff nurse nag hatid ng pasyente, nagulat ako kasi ang daming tao sa loob ng labor room. nakakahiya nakatulog ako at nakanganga.napatayo ako kaagad.
- Nagduty din kami sa Pedia Ward, yung nanay ng pasyente matanong. hahaha tapos first time ko pa nun magduty sa pedia,then syempre,ako kinakabahan na memental block ako,tanong pa ng tanong yung nanay, nasagot ko tuloy siya ng"hindi ko po alam" tapos tinawanan ako,that was bad,nasabi ko na hindi ko alam kahit na alam ko. hahaha. Tinanong pa ako kung alam ko mag BP,pati yun tinanong tapos ang sagot ko:"Hindi ko po alam" hahahaha.Sabi niya: "talagang nursing student ka palang!" sabay tawa, nakaka banas.
- Nagkaroon kami, I mean si maylene ng pasyenteng may Albino, para siyang amerikano, pogi ng batang yun.
- Ito pa, before kami umalis, lahat ng pasyente sa pedia ward, kukuhanin namin temperature, tapos ang classmates ko, na assigned sa gastro at biglang nagsuka yung bata, nagsuka ang bata. nagsuka ang bata, nagsuka ang bata ng ascaris, nagsuka ang bata ng ascaris. nagsuka ang bata ng
bulate. Nilabas niya gamit ang kamay, sounds bad but, I will not forget that sceneee. Spaghetti :~ ~ ~ - Nakakita na din ako ng Baby na nirerevived, sadly but truly, namatay yung bata. siguro may pulmonya yung batang yun. :'(
- Mag vivital signs kami ng advance. 10:00 pm tapos naging 9:30 sabi kasi ng CI namin haha.
- Nakaranas na din kami ng scary moments sa hospital, madami na. Don't want to seeeeee. O.o
- Nagbibilang ng Pulse rate, nalimutan kung saang number ng clock nag simula? babalik na naman ako sa simula.
- Yung moment na hindi nag iinflate yung BP tapos sinabi ko sa classmate ko: uy, sira yung BP ko. tapos ininflate nila pwede. ano ba yan!? may multo?! hahahaha, Walang multo kasi nadaganan pala ng nanay yung tube ng BP. bad trip hahaha.
- Yung Moment na.. wrong timing nasira yung thermo ko tapos ayaw magpahiram kasamahan ko, nalunod kasi sa alcohol yung thermometer ko hahaha.
- Kakilala ako ng pasyente, hahahaha. kasi taga sa amin sila. hahahaha
- Umiyak ako nung nakita ko yung patient ng classmate ko,Nag SuSuffering siya ng Difficulty of Breathing, May COPD kasi siya. tapos Nakita ko siya hindi makahinga tapos pinapalibutan na siya ng nurses at doctor, yung muka niya talaga naghahabol ng hininga, naalala ko papa ko, na sana di siya magkaroon nun because of cigarette smoking. Kaya kayong nag ssmoke tumigil na kayo :)
- Iba kasi ang ambiance ng Government Hospital sa Private Hospital. yung Government Hosp. medyo luma ang dating ang private hospital ang daming bagong gamit.
- Iba din ang ugali ng mga pasyente sa government hosp at sa private, sa gov hosp, hindi sila masusungit (yung iba) hindi sila assuming na kung ano ano ang pinapagawa, kung ano ano tinatanong, sa private medyo masusungit kung ano ano tinatanong, Minsan natanong classmates ko kung bakit daw siya naka cap, sagot ni maylene: Ma'am kasi naka capping na po kami, kaya may cap kami.
- Nagkaroon kami ng Pasyente na may Leptospirosis, Post Dialysis siya. tapos bigla nalang siya na comatose. (hindi ko alam yung term dun eh, Nacomatose ba or nag coconvulsion) yung wala na siyang response, ginawa na lahat, nag Glasgow Coma Scale na sila. 3 na ang Score ng glasgow coma scale. super baba. hindi na siya nagreresponse. ang taas din ng kanyang temperature. tapos kailangan siya i TSB, check vital signs every 15 minutes, isa rin akong na assigned sa pag vivital signs kaya nakita ko yung kalagayan niya, nung na assigned na ako sa pag vivital signs (salitan kasi kami) medyo nagreresponse na siya (nung na assigned na ako) kapag kinakausap siya ng asawa nya, ginagalaw nalang niya yung left na paa niya, pero late response, nasasalita na din siya pero ungol lang, kinausap din siya ng asawa niya, hindi ko pwede ilagay dito lahat ng sinabi ng asawa niya, kawawa siya. sabi ng CI namin dapat iintubate yun at dapat nasa ICU pero hindi sila pumayag dahil wala silang pera, kaya pinapirma sila. Lahat na tinurok na sakanya, pampababa ng lagnat hindi bumaba ang lagnat. tapos dumating na yung End ng Shift namin 12:00 AM, Uwian na namin. kaya yun hindi na namin natapos ang pag TTSB at Vital Signs. Nalaman nalang namin kinabukasan na pumanaw na pala si Sir nung bandang 1:00 AM. Nalungkot kami na pumanaw siya, akala namin makaka survive siya. Sana masaya siya ngayon kung asan si Sir.
Hanggang dito muna ang aking ikwekwento, Sa susunod na duty namin ay Pedia ulit, marami ulit akong ikwekwento at sana lahat yun masaya, masaya mag duty dahil bawat tao na nakakasalamuha mo malalaman mo yung kwento ng buhay nila. maraming nakakatawa, maraming nakakainis na pangyayari sa duty namin pero lahat yun dapat itreasure. salamat ito ang pinili kong kurso, ang Nursing.
Subscribe to:
Posts (Atom)