Saturday, March 19, 2011

Crush Story

March 20,2011 


Ayy ewan at bakit puro lab stori ang nasa bunga nga ng mga kabataan ngayon (parang di 
kabataan eh) oo aaminin, puro lab stori ang nasa bibig ko ngayon, kagaya ngayon , oh lab stori. hehehe. lab stori. wala naman akong ikwekwento about sa lab stori ko kasi never pa akong nag ka boyfriend eh, huwag kang magulat! haha. hindi naman kasi ganun ka sexy, hindi naman ako maganda, mataba ako, hindi ako lapitin ng lalaki, hindi rin ako friendly sa mga lalaki (minsan lang) kasi mahiyain ako, tapos hindi ako pala labas ng bahay, mahilig sa anime, sa rock band, mahilig sa vans, mahilig sa converse, mahilig sa panglalaking stuffs o sa astig na stuffs na akalain mo gusto din pala ng babae, (kaya nga laking saya ko kapag nakakakita ako ng mga babaeng kagaya ko na boyish din, akala ko kasi ako lang sa mundo ang ganito) eh sino namang lalaki magkakagusto saakin eh, lahat ng gusto ng lalaki ay gusto ko din, inshort boyish ako. pero hindi ko tinuturing tomboy ako, boyish lang talaga ako at hindi pa ako ready magkarelasiyon. spell ready hahaha. hindi ko makita ang sarili kong nakikipagholding hands, nakiki pag date sa mall kasama ang kanyang boyfriend. I therefore conclude that, Nagkakagusto naman ako sa lalaki, Ayan na! ayaw ko ikwento yang part na yan ng buhay ko. hahaha! waley. Mag kwekwento ako. Over view lang ah. yung mga naging crush ko ikwekwento, Yung mga nakatama at yung Hindi naman nakatama masiyado..


Yung Artistahing name:
Waley, kasi naman bata pa ako noon at malaking asar to saakin. naman! Parang tanga lang, kapag nakikita niya ako, papansin, feeling niya crush ko pa siya, FYI, hindi nakita crush! haha.


Yung Dancer:
Haha, Insane ako sakanya noon, kasi nung first year ako, feeling ko ako yung tinitignan niya, yung classmate ko pala. pang asar lang. haha. hindi ko na din crush ko to, parehas kami ng course ngayon, pero 2nd year na siya.


Yung Mahangin:
Crush ko ito nung elementary, ibinuking ba naman ako ng seatmate ko noon. tapos sabi ng lalaking yan, "Ah yung Matabang naka green" Nang insulto pa, Alam ko mataba ko. Ayaw na kita. Btw, naging crush ko ito nung elementary, nung nag high school na kami. yung classmate ko (friend ko) naging sila nung second year na kami, tsk, kung kilala kita. Aba, hulaan mo neng. hahaha! pero huwag kang mnag aalala  kasi hindi ko na siya crush, mahangin eh. whoo


Yung Pula:
Crush ko din ito nung elementary, nalaman ng girlfriend niya galit na galit, tinanong ba naman saakin, tapos napaiyak ako. waa, bata pa kasi ako noon at iyakin. mga grade 4? kasi yung kahiga ko nung camping sinumbong niya sa babae, bongga, tinanong lang nung gf niya kung crush ko daw si bf niya. tapos, hindi sabi ko, tapos iyaaaak, nagulat kasi ako. tapos yung lalaking yan, nung natumba ako kasi nag sskate ako nun, tinulungan niya ako, pinapatawag ko pa noon yung kuya ko, hahaha! Loko loko. hindi ko na din crush to. pasalamat nga yung gf niya kasi may nagkakagusto sa bf niya. aba'y kung kung wala,  pangit yung BF niya hahaha! no offense.


Yung Gitarista:
Magaling sa gitara tong crush ko. gwapo. lang. ehhhh. mahilig sa banda, kaya medyo click kami topic namin minsan about sa banda. secret kung sino siya. 


Yung Emo at Gitarista:
Nagka crush ulit ako sa Gitarista, dito ako tinamaan, Gwapo ito, maputi. matangkad. (mahilig ata ako sa matangkad? opposite sa height ko. trololololol) EMO siya, malayuan palang, talagang maiinlove ka. nag aral siya sa TESDA, oh malaking CLUE na ya kung Kilala mo ako,  Malayuan palang kapag na gigitara talagang malalaman mo na agad na magaling sya mag gitara. mabilis ako ma attract kapag nag gigitara ang isang lalaki eh, gwapo man o hindi. :) October noon, hindi ko na siya nakita, bigla nalang siya naglaho. Iyak ako noon. "Minsan di ko maiwasan isipin ka, lalo na, sa tuwing nag iisa, ano na kayang balita sayo, naiisip mo rin kaya ako,simula nang ikaw ay nawala, wala ng dahilaaan para lumuha.." (Hiling by Silent Sanctuary) Kanta ko para sakanya, Sana makita ko ulit siya. miss ko na siya, miss ko na ang pag tugtug ng gitara nya. :(


Si Cream O:
Ito, yung nursing na crush ko, gwapo, basketbolista, matangkad. may girlfriend na. aba'y dancer din to. hindi siya manhid, kasi alam niyo. parang nakakaramdam siya na crush ko siya, kasi naman mga classmates ko, pang epal. aba'y pinapangalandakan ba naman. hahaha. after mangyari nun, parang may something na, lagi na siya tumitingin saakin, tapos, nahuhuli ko lagi, may papansing effect na? Ayaw ko ng ganun, gusto ko ako lang nag kakagusto. ako lang yung nanghahabol (baliw ako! hahahaa) at assuming na siya, feeling niya obsessed ako sakanya hindi naman, medyo hindi ko na siya crush. na hindi na. hay, mayabang din siya. ayaw ko ng ganun. cream o ang pangalan niya saamin, kasi mahilig siya sa cream o. talagang alam kung stalker eh :) Medyo naiinis ako sakanya, papansin at Assuming di na ako obsessed sayo tol, sa girlfriend mo ako nagkakagusto HAHAH! Choss.




Si Adenosine Triphosphate:
ATP ng Buhay ko, Sa maniwala kayo't sa hindi, nagkakagusto ako sa bading. hanggang ngayon obsessed pa ako, na kinikilig haha, ang ganda niya kasi (choos) Maputi siya, matangkad ulit, mayaman. haha. yun nga lang bakla, halos lahat ng classmate ko alam na crush ko siya. Mabait din siya. hindi siya yung flirt na bading, hindi siya nag susuot ng pangbabaeng damit, mga panglalaki ang sinusuot niya, lalaki siya dati, naging bakla kasi na broken hearted daw. how sad. basta kung ikwekwento ko lahat, malalaman mo kung sino siya. Gwapo siya. :) 


Si...
 Hindi siya gwapo, mapayat at matangkad. may mahal siya, pero yung mahal niyang yun may mahal na ring iba. Lupet ano?  Parehas kami ng school ni "si" ibang course niya, kung sasabihin ko ang kurso niya makikilala siya ng kakilala ko na makakabasa nito. wala na akong balita sakanya. kumusta ka na?

March 20,2011


Hindi ko talaga alam kung bakit ganito. wala ako sa mood mag blog? hindi ako inspirado. ayaw ko mag kwento ng labstori sa mga blog ko baka makita ng crush ko at mabuking ako at mamamatay ako sa hiya. alam na! nag kwekwento ako dito dati dahil alam kong hindi makikita ng crush ko, pero ngayon, hindi na ligtas ang mga blog ko ngayon. naman! nakakahiya kapag makikita ang blog ko puro lab stori eh, ni isa nga hindi pa ako nag ka boyfriend. tinanong nga ako ng CI namin bakit wala daw akong boyfriend since birth. sagot ko: I don't know sabay *lumaki ang nguso ko* kwenento ko ito sa mga ka klase ko, at sumakit ang tiyan nila sa kakatawa. haha, habang ginagawa ko ito, nagbabasa ako ng mga blog na ikaka inspired ko, (hindi ko ginagaya ah) kaya may nasasabi ako. (loko ako) hindi ko alam ganito talaga ako, ganito ang ginagawa ko kapag wala akong maisip. bakasyon na, pero may project pa kaming group 1 sa RLE. amazing grace diba? kaya pupunta pa din kami sa school sa monday. aag uuniform daw ba. bakasiyon na mag uuniform pa? sana hindi na. parang ewan tong mga classmates ko.(oh yan kakatext ng classmate ko, at MAG UUNIFORM DAW!) hahaha! kanina kanina lang, nag post ako sa facebook ko ng quotes ni bob ong na galing sa blog ko (yung maliit na green box sa gilid ng blog ko?) Sabi ni Bob ong: Bakit kulay pula ang pantalon ni Andres Bonifacio? Nagsusuot ka rin ba ng pulang pantalon? Ipaliwanag." - (White Book) Bob Ong yan yung quote, Then Sinabi kong: "HAHA! Oo nga bakit nga ba? Sa daming kulay diyan pula pa napili niya? It means WAR?" may nag react ng bongga bongga! Sabi niya: "aww.. respect Gat Bonofacio.. he's Caleb's Grandfather >__<" Natawa ako kasi wala namang mali sa sinabi ko, Ako'y nagtatanong lang at kyuryos ako. hahaha. Ang sagot ko sa reaction niya:
"Hindi ko naman po nilalait, kinote ko lang po si BOB ONG :) and asking why Pula yung Pantalon niya and I said, WAR ba yung meaning." Hindi na siya nagreply. Sana sinabi ko na "Ate, Who is caleb? artista ba siya? hindi ko siya kilala, hindi naman ata sikat?"  pero ayaw ko ng away at medyo ka close ko yun :) sa totoo lang kilala ko si caleb, siya yung member ng XLR8 na ginagaya "DAW" ang super junior, ay ewan. basta hindi ko kasi gusto ang PPOP or KPOP, maka OPM kasi ako at dati akong fan ng KPOP ngayon hinde na, Maka pilipino na ako. tangkilikin ang sariling atin hahaha! isalba ang OPM ! :) BASTA I LOVE OPM. ♥