Hindi ko alam, kung mali ako o may kasalanan ako tuwing ikaw ang hinahanap ko sa lugar na ‘yun, Tuwing bumubuka ang iyong bunganga sa bawat letrang binibigas mo, hindi ko mapigilang tumingin sa labi mong mapupula. Sa bawat tikwas ng iyong buhok ay unti unti akong nahuhumaling. Hindi ko mawari kung anong meron sa iyong mga mata, kilay, labi, buhok at sa tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti sa likod ng labi ko.
Sa tingin ko, Ikaw yung Tamang tao para sa akin, Opinyon ko ito, at sa naniniwala akong Fact ito. Ganyan ka lakas ang pananalig ko. Ano kayang trip ng Diyos at Minsan lang tayo pinag sabay sa iisang dyip. Sa layo natin sa isa’t isa, pakiramdam ko, napakalapit ko sa’yo. Dun lang kasi kita nakita ng malapitan. Dibale, dalawang beses kita nakikita sa Isang linggo. Dalawang araw kada isang linggo. minsan nagtatama ang ating mumunting mata. Salamat sa diyos. Sa Daming taong nakakasalubong ko sa banal na lugar iyon, ikaw lang yung gusto kong makasalubong. Sa sobrang liit ng bayang tinititrhan natin, hindi pa tayo nagkatagpo kahit isang beses.
Hindi ko alam kung nagkakasala ako tuwing ikaw ang iniiisip at hinahanap ko tuwing nagpupunta ako sa lugar na ‘yon. Sana mapansin mo ako. Sana.
No comments:
Post a Comment