Wednesday, December 31, 2014

2014

PARANG KAILAN LANG nakaupo ako sa isang sulok, nagtitipa ng isang paskil para sa patapos na taong 2013. ngayon, itong 2014 naman ang patapos na, dalawang oras nalang (sa kasalukuyang oras na tinitipa ko ang paskil na ito) matatapos na ang 2014.

Napakaganda ng taong 2014 para sa akin, Nagkaroon kami ng alagang aso, na si Chubibo, Nakapagtapos ako ng kolehiyo, umuwi ang aking inay, nakasama ko sya sa pagmartsa sa entablado, nakapasa ako ng May 2014 Nursing Licensure Examination, nakapag medical para sa petition namin sa canada, natanggap akong Nurse Trainee sa isang pribadong hospital, at marami pang ibang biyaya ang dumating sa buhay namin sa taong 2014. Napakaraming challenges, Biyaya ang dumating nitong 2014, at kahit malungkot o masayang pangyayari pa 'yun, masaya akong nangyari yun sa buhay ko, kasi ginawa nya akong matibay, naging mas malakas ako, marami akong natutunan sa challenge na yun na dumating sa buhay ko. Kahit nitong dalawang buwan bago matapos ang 2014, parang nawawalan ako ng tiwala sa sarili, nadepressed ako, doubtful sa kakayahan, tinamad sa training, nawala ng pag asa, na sa kunting pagkakamali ko, nadedepress ako at ayaw ko na ituloy ang training ko. Siguro dumadaan ako sa Quarter life crisis, na siguro hanggang 2015, mararanasan ko ito, at sana makaya ko. Napakabilis talaga ng panahon, at parang nabibilisan ako sa pacing ng bawat bagay, parang ang bilis at hindi ko ata masabayan, na dapat maging mature din ako sa mga bagay bagay. sa 2014, naranasan ko ang totoong laban, totoong laban sa totoong buhay. hindi pa pala totoong buhay kapag nasa kolehiyo ka palang, para ka pa kasing naglalaro, pero kapag once na nakapag tapos ka, ito na, mararanasan mo na ang makipag buno, makikipaglaban sa realidad. Realidad na napakahirap makalaban.

Marami na namang expectation sa mga taong 2015. New Beginning, New Challenges. Marami na namang mga magaganap sa buhay ko na makakapagbago ng buhay, pwedeng may matutunan ako sa isang yun, o mababago nya ang buhay ko. Marami din akong inaabangan sa taong 2015. Excited ako para bagong taon,  Excited akong kalabanin ang mga challenge sa buhay na parating. Marami na naman akong makikilalang tao na pwedeng makapag bago ng buhay ko. Hindi ko muna inaasahan ang Pag ibig. na syang inaasam ko sa mga nakaraang taon, pero malay natin. Pakiramdam ko, hindi pa ako handa sa pag ibig. Sa edad kong 20 at mag bebente uno na ako sa Hunyo. ano ba naman 'yan? isip bata pa din. Pero! ang inaabangan ko talaga sa taong 2015 is yung TRABAHO. Oo Trabaho na matagal ko nang inaasam, apat na taon ko inasam na SANA magkaroon na ako ng Trabaho, Gusto ko kasi maranasan na Makapag uwi ng Kahit isa o dalawang supot lang ng Grocery para sa pamilya ko. Proud na ako 'nun, Gusto ko lang naman sila ilibre ng sine o ilibre sa mga sikat na fast food o mamahaling resto. masaya ako nakikita silang busog. yun bang nakakadulot ng saya kasi nakikita mo din silang masaya kahit sa kaunting bagay lang. Inaasam ko din na sa taong 2015 eh, makapag abroad din ako. kung papalarin man kami, why not? kung hindi, di itutuloy ko nalang ang pagiging nars dito sa pilipinas. hindi ba masaya din yun? masarap pag silbihan ang mga pilipino, yung mga pilipinong kahit may sakit, mabait pa din sila.

Kung ano man ang plano ng diyos sa taong 2015 para sa kin, sa aming Pamilya. tatanggapin ko 'yun. Salamat, Ama, napakabuti mo, sakabila ng mga kasalanan namin saiyo. Andyan pa din kayo ginagabayan kami. Salamat sa taong 2014, napakasaya ng 2014 para sakin. Salamat talaga God!

No comments: