Sa
mga hindi nakakaalam, Hindi po namin cinicelebrate ang pasko, dahil sa
religion ko, mahabang paliwanagan, pero sana magets nyo. basta wala
kaming pasko. Bata palang ako, parang sanay na ako na sa Ika 24 na
disyembre, maaga kami natutulog o hindi kami naghahanda. Lagi din
naitatanong sa akin na, "Malungkot ka ba na wala kayong pasko?" Sabi ko, Hindi. Sanay na ako. Sumasali pa din ako sa mga Exchange gifts, christmas party, kahit di ako pwede dumalo dapat, Naisip
ko, di ko naman talaga icecelebrate ang pasko, gusto ko lang ummattend
for fun, at para maranasan ko din yung saya na nararanasan ng mga
classmates ko para hindi ako mainggit, kaya mula elementarya, hanggang
college, dumadalo ako sa christmas party na ang tingin ko ay hindi Christmas Party.
Ang Awkward din na batiin ako ng “Merry Christmas” ng mga friends / new friends ko na di nakakaalam na Hindi ko sinicelebrate ang pasko. Pero may ilan na binabati ako na, "Merry christmas!, ay wala pala kayong pasko" Kaya
sanay na din ako at natutuwa din ako kahit papaano, naalala nila akong
batiin, Kapag binabati nila akong Merry Christmas, MInsan binabalik ko
at dinadagdagan ko ng "Happy New Year!" para hindi ako maging Rude. At yun. Ganyan ang set up ko kapag malapit o pasko na.
Pero Kahit di ko naman sinicelebrate ang pasko, Nararamdaman ko naman yung saya, na nararamdaman ng ibang tao, yun bang kapag nakakakita ng mga christmas lights, pailaw, parol na may ilaw tuwing gabi, ay nakakatuwa talaga. ramdam ko din yung saya. pero yun lang hindi ko talaga sya sinicelebrate. Tinatamad lang ako ikwento kung bakit hindi ako naniniwala sa christmas o hindi ko sya sinicelebrate :-)
Kahit ganun, I still respect naman, yung catholic o yung mga ibang relihiyon na nagcecelebrate ng pasko, sana ganun din sila sa amin.
Well para maging safe ako ito ang ginagamit ko pag bumabati:

Happy Holidays to everyone! Mwa! Spread L-O-V-E! :-*
No comments:
Post a Comment