Sunday, March 29, 2015

Dati, nung medyo bata bata pa ako, nagmamadali akong lumaki, makapagtapos ng kolehiyo para makatulong sa pamilya, para makapag ipon ng pera, pero hindi pala ganun kadali mangyari ‘yun. Pagkatapos pala ng kolehiyo, dito natin makakasalamuha ang totoong buhay, ang mundo na akala ko noon, napakadali. Na akala ko’y sa isang maliit na mundo lang na makakaya ng isang bente anyos na Bata o Malapit na maging matanda, yun pala ito na yung sinasabi nilang “Realidad”. Yung totoong mundo, Yung masaklap na mundo, yung may maraming pagsubok na mundo.

Napakarami palang proseso ang gugugulin pagkatapos ng Kolehiyo. Mga Pagsubok, nasayang na luha, pawis, enerhiya, at pasensya. Yung iniisip mong may dapat kang gawin, kasi ganto na ang edad ko, mas lumalawak ang responsiblidad ko, Maraming problema ang dumarating. Kung dati ang iniiyakan ko, ay yung Grade ko sa Math, ngayon, Kung paano ka kikita ng Pera, na pambili ng ganto, ng pamasahe, gastos para sana sa pamilya, na pantustos sana para sa sarili.

Hindi pala maganda maging matanda. Mas gugustuhin kong maging bata, maging estudyante. Yun bang ang responsibilidad mo lang ay ang pag aaral mo, ang maging mabuting kabataan sa lipunan at maslalo na sa tahanan.

Isa lang ang napagtanto ko after 21 years of existing, Hindi pala madali maging Matanda.

No comments: