Saturday, August 2, 2014

10 paks bout me kahit walang nagtatanong


1. Psychosomatic akong tao. Ganito ata ang mga student nurses. Kung anong nararamdaman ko may diagnosis agad at magpapacheck up agad.
2. Hindi ako palangiti. Kaya kapag nakikita niyo ako sa kalye o nakakasalubong di kita ngingitian unless super close tayo.
3. Pakiramdam ko hindi ako approachable.
4. Palakwento ako ng mga walang kwentang bagay. Marerealized ko nalang walang kinalaman yung kwenekwento ko sa topic natin. May flight of ideas ata ako. Hahaha
5. Mahilig ako sa love song na rock music kahit never akong nakaranas ng pag ibig. Kahit never ako nagkarelasyon. Bakit ganun ang life?
6. Mahilig ako sa aso. Kahit ilang beses akong nakagat ng aso. Hindi ako natatakot. Natatakot lang ako sa rabies at tetanus maslalo na kapag di namin aso yung nangangagat.
7. Mahilig ako sa baboy. Anong parte ng baboy? Ribs!!! Haaaa.
8. Gusto kong maging psych nurse. Kung maging RN ako mag apply ako sa psych ward sa baguio. Hahahaha!
9. Nung affiliation namin. Natira kami sa Metro dorm sa Ortigas. Oh diba tunog mayaman! Dahil wala akong pera para sa laundry na napakamahal kahit bawal maglaba sa loob ng CR naglaba ako ng napakaraming damit pero sa sobrang lakas ng tubig sa faucet. Bumigay ang faucet at bumulwak ang maraming tubig sa mukha at katawan ko. Lumabas ako ng basa at nadulas sa maraming tao. Napafail. Kitang kita yun sa CCTV hahaha! Yun sa sa huli di naman ako pinagbayad. Eh sa luma yung faucet eh. Pektusan ko yung maintenance kapag nagbayad pa ako hahaha!
10. Noong highschool ako. Nagmamadali akong pumasok pero bigla nalang naisabit ang palda ko sa gulong ng tricycle at nahila ang palda ko. Nasira ang zipper at lock. Buti nasapo ko kaagad at hindi nahulog pumasok akong CR ng school at inayus pero di pwede! Kaya nauwi kami ni janene para magpalit ng palda partida nilakad namin school namin hanggang bahay namin! Hahaha

Polar Bear

Ang weird lang ng Katawan natin ano, sabi sa Milo 80% ang nawawalang energy kapag natutulog tayo. Eh bakit yung mga bear may tinatawag sila Hibernation?! Natutulog silang napakatagal para makapag store ng energy sa Winter. Eh bakit tayo natutulog lang tayo ng 8 hours pakiramdam na natin napakatagal na natin natulog at Pagod na pagod tayo. Unfair ba?

Friday, August 1, 2014

Naiisip ko ngayon, Hindi ako deserve maging RN, kasi di ko nararamdaman o naiisip na magiging isa akong Nurse sa mga Hospital. Hindi ko nakikita yung Sarili ko na maging Nurse, Yung Nurse na Nagsusulat ng charting, nag aassist ng major operation, Hindi tensyonado sa Emergency Room, Nakaisang shot sa pag tusok para sa swero, Hindi ko naiimagine na ganun ako. Ngayong RN na ako, saka ko naman naramdaman ang mga ganitong bagay, Na Hindi ako nararapat sa Propesyon na ito. Ngayon pa ba ako susuko? Nawawalan ako ng tiwala sa sarili, kaya wala din akong kagustuhan mag apply ng trabaho. Saan ba mapupulot ang lakas ng loob at tiwala sa sarili?

Wednesday, July 16, 2014



Coffee or Coke? My favorite cup. 

Tuesday, July 15, 2014

Parent's Love

Kanina habang nakaupo ako sa sofa at nilalaro yung aso namin, Nakita ko si papa na bumangon at naglakad palabas ng kwarto nya. Nakita kong naglalakad sya na mabagal.
Narealized kong napakabusy ko nitong nakaraang apat na taon, napakabusy ko nag aral, at ito nga natupad na yung isa kong pangarap, yung makapasa ng NLE, Yung maging Rehistradong Nars. Akala ko matatapos na yung pagkabusy ko dun. Pero hindi pa pala. Marami rami pa palang training ang dadaanan ko. Narealized kong Busy ako sa pag tupad ng pangarap ko, nakalimutan ko na tumatanda din pala sila. Nalungkot ako. Ni hindi ko man lang maipasyal si papa sa mga Malls na lagi kong napupuntahan. Ni hindi ko man lang sya mapakain sa nga kinakainan kong fast food. Wala man lang akong quality time sa pamilya ko. Siguro masaya na ako na sabay sabay kami kumain sa Kusina. Basta konpleto kami.
Nakakalungkot isipin na lahat tayo dadaan sa pagtanda.


Friday, June 6, 2014



Naghahanap lang ako ng kilala kong banda ng makita ko sila sa spotify. Napakaganda talaga ng musika nila.



Matulog nalang kaysa magbasa ng libro.
Will you soar and lift up my sorrows
Let me free until tomorrow
Nothing like I did before
Will love you more
I need to be with you

Tuesday, May 27, 2014

I'm back from Review.

Dalawang Buwan akong hindi na paskil sa blog ko (So, yung mga post nung nakaraan buwan ay na resched, Ibang buwan nagawa nilagay lang sa date na wala ako na blog para mapunan yung buwan na di ako nagblog) nakakamiss. Masaya ako kasi halos dalawang buwan din akong nagtiis malayo sa pamilya ko para mag review sa baguio. Nag review ako sa Shield Review Center for Nurses ako nagreview, hindi na ako nagdalawang isip. at hindi ako nagsisi sa pag enroll ko dun.

Hindi ko alam kung tama ba na mag paskil na ako tungkol sa naging buhay ko sa Baguio ng dalawang buwan. Hindi pa rin kasi ako sigurado kung papasa ako, Hindi naman sa negatibo ang aking nasa isip, siguro iniisip ko na ayaw ko lang mapahiya o masaktan sa hulian. Siguro may parte sa utak ko na alam kong PAPASA AKO! pero basta PAPASA AKO, KAMI!

Saturday, April 19, 2014











Treasures, Patar Bolinao, Pangasinan Philippines

Nagyaya ang aming Tito na pumuntang Bolinao dito sa Pangasinan. 4 hours mula dito sa amin. Napakalayo at langyang driver umabot kami 6 hours sa byahe dahil di nya alam kung saan ang daan. Pero sa wakas nakarating din kami nahirapan kami maghanap ng cottage dahil napakaraming tao kaya napunta kami sa private resort (Treasures, Patar Bolinao Pangasinan)

Masaya na ako kahit di ako maligo sa dagat. Kahit tumambay lang ako maghapon sa maliit na canopy na
May pahabang foam at may pagkain solb na!! Pero kapag nagpunta kayo dun, pumunta kayo sa part ng patar na walang naliligo o walang resort makikita niyo yung mga maliliit na crabs na naglalakaran at hermit crabs na napakacute! Kapag hapon na low tide na kaya makakapaglakad kayo sa gitna at makikita niyo yung mga weirdong creatures, mga sea urchins na nakakatacute!

Sana nga bumalik pa kami dun ulit. Ito yung isa sa mga lugar na must visit sa summer! Kaya tara na dito sa pangasinan! ☀️☀️☀️



Monday, March 24, 2014

Graduation Day



 With My Pretty Mama



 Giving Flowers









Isa sa mga pinakamasayang araw namin as STUDENT. Apat na taon, Yung iba, Limang taon, Anim na taon ang ginugol sa pag aaral. Ganun kaimportante ang EDUKASYON. Ano nga bang naidudulot ng Pag aaral ng apat na taon, pwede ka naman magkaroon ng Trabaho kahit dalawang taon lang  [no remove the word "LANG" ] ang kurso mo? Tanong ng iba. Para sa akin, Iba ang pakiramdam, kapag sinabing nakapag tapos ka ng Apat na taon na Kurso, Sa pagkat, Malaking bagay din yun kapag kukuha ka ng trabaho, Malaki ang sweldo. Marahil marami ding malaki ang sweldo kahit 2 years ang tinapos. Diskarte lang ang kailangan. Pero ito pinakatanong sa lahat eh. BAKIT NURSING ANG KINUHA KONG KURSO? Maraming kuro kuro, maraming debate tungkol sa bagay na ito na hanggang ngayon, tinatanong pa din ang iba kong colleague, Bakit nga ba? Tinatanong ko ngayon ang sarili ko. Bakit nga ba?

Inaamin ko na, Siguro nga naimpluwensyahan ako ng dalawa kong tita na, na nurse ngayon sa ibang bansa, Sa pag enroll ko ng nursing, Tinanong ako ng Nanay ko kung gusto ko ba talaga ang Kursong ito. Bakit, hindi nalang HRM ang kunin ko, O yung kursong sa Opisina ako magtratrabaho para di daw ako mapagod. Alam din siguro nila ang nature ng pagiging nurse, pagod, puyat, basa dito, basa dun, byahe dito, byahe doon (Clinical Duties for Student nurses) Tinanong ko ang sarili ko ngayon? Hindi ba nakakapagod din naman ang Kursong HRM, o iba pang kurso, at pati ang pagtratrabaho sa opisina ay nakakapagod din hindi ba? Naging sakitin kasi ako nung 4th year high school, akala nila kapag napapagod ako, Mawawalan na naman ako ng malay.

 Gusto ko talaga ang kursong ito. Yung panahong nag enroll ako, Hindi na ganoon kadami ang nag eenroll ng Nursing sa Unibersidad na pinag aralan ko. Dalawang section nalang at Habang tumatagal ako sa sa kursong nursing, isang section nalang per year ang nag eenrol. Bakit hindi ako tumigil? Bakit hindi ako nag shift? Simple lang, kasi nag eenjoy ako sa kurso ko. Masaya ako sa araw araw na pumapasok ako, Masaya din ang mag duty sa iba't ibang lugar, maraming nakakasalamuha, Mga taong may sakit na kahit paano kahit hindi namin nagagawa yung trabaho as nurse, yung pagpunta o pag tabi namin sa kanila ay narerelieve sila o pakiramdam nila ay safe sila kasi may katabi silang "Student Nurse" Marami na kasing pasyente sa mga hospital lahat ng nurse hindi na ideal ang nagagawa o hindi na masyado nagagawa ang lahat ng gawain sa bawat pasyente, Isang nurse benteng pasyente o mahigit pa.Nakapag tapos ako, Hindi Kami, Salamat sa Diyos, kasi sa apat na taon na yun, Pinahintulutan akong maranasan ang saya o pakiramdam na makapag tapos uli. Salamat sa magulang ko kasi nagtrabaho sila para sa akin, sa tuition ko, sa baon ko, hindi lang naman financial ang naitulong nila, kundi yung emotional, yung sinuportahan ka all the way, hindi ako pinigilan sa mga bagay na gusto ko, yung gusto ko maging paglaki ko. Tinulungan ako makamit ang Pangarap ko, na dati sinusulat ko lang sa Slam book, ngayon, Malapit ko na makamit. Ang magiging Nurse. Ang Dalawang Letrang mag dudugtong sa apelyido ko. Salamat sa mga Instructor namin, Simula sa mga Minor Subjects namin, hanggang sa Major subjects, napakalaking bagay ninyo sa pag laki namin, Sa pag grow namin, naging kami, ayon sa gusto namin, o gusto niyo. Matigas man ang ulo namin, Napakadakila ninyong mga guro kasi araw araw nyo kaming tinuturuan, hindi lang kayo teacher, yung iba parang naging pangalawang nanay o tatay namin na gumagabay sa edukasyon namin. Sa mga kaibigan ko, na lahat damay damay kapag napagalitan, o hindi nagawa ang proyekto o nagkamali o nabagsak sa mga quiz o exam. Sa mga shoulder to cry on ko noong mga panahong down na down ako, dahil sa family problems, o problema sa edukasyon, Andyan kayo parati, kayo yung rason kung bakit ako pumapasok bukod sa gusto ko makita ang crush ko [joke] Nakakaiyak, kasi pagkatapos ng araw na ito, magkakahiwalay na tayo, may kanya kanya na tayong buhay, yung iba mag aasawa na daw.hahaha. yung iba mag aabroad na. Lahat tayo may kanya kanyang layunin sa buhay, hindi ko makakalimutan yung mga panahong iisa lang yung layunin natin,. yung "MAKAPASA AKO SA PRELIMS" MAKAPASA AKO SA MIDTERM, MAKAPASA AKO SA SEMI FINALS, MAKAPASA AKO SA FINALS!" Ngayon, ito na ang simula na magkakaiba tayo ng layunin. Yung may kanya kanya tayong liliparin, lilipad tayo kung saan tayo masaya, lilipad tayo kung saan natin gusto, lilipad tayo para makamit yung mga pangarap natin. Salamat sa lahat ng memories, sa tawanan, iyakan, kalungkutan, Apat na taon, napakaraming challenges. Lahat nakaya natin. Para tayong Rubix cube na na dati, hindi pa buo, nung pagpasok natin sa unibersidad na yun, pero pagtapos natin sa kolehiyo, buo na ang kulay natin at magkakaroon na naman tayo ng ibang bagong rubix cube na bubuoin natin, para makamit ang isa pang pangarap natin, yun ay yung dalawang Letrang magdudugtong sa pangalan natin, RN!

Saturday, March 22, 2014

Hooding Ceremony














Isa sa mga pinakamasayang araw namin. Salamat God, Salamat Sabay sabay kaming magkakaibigan na gragraduate.


 Salamat sa magulang ko na walang sawang sumusuporta sa kagustuhan ko sa buhay. Gusto ko maging rakers, binilhan akong gitara, gusto ko maging Nurse, sinamahan ako mag enroll, Binigyan ako ng pang tuition, Binigyan ako ng baon, Binigyan ako pambili ng makakapal na libro, na hindi ko naman binasa, binigyan ko ng pambili ng uniporme, hinatid ako sa mga duty ko, sinusundo ako kahit gabi na, pinakinggan nila ang hinahing ko sa mga bagay bagay na bumabagabag noong panahong nag aaral pa ako, sa magulang ko na nagtiis ng apat na taon para makapag tapos ang unica hija nila, nagpagod sila, Lahat ng sakripsiyo, Ginawa nila yun para sa akin, Isa lang maibibigay ko eh, ang maibabayad ko, isang matigas pero manipis na papel na naka imprinta ang pangalan ko. Isang DIPLOMA. Oo, kahit hindi ko naman binigay talaga sakanila ng Personal (kasi nga delay ibigay ng school) alam na nila na sakanila ko inaalay ang diploma na yun, Salamat inay itay, hehehehe. salamat pinag aral nyo ko. isa ako sa mapalad na batang hindi naman ganun katalinuhan pero ito, nabigyan ng pagkakataon makapag aral ng kolehiyo, sa school pa na mahal ang tuition fee. oh saan ka pa. swerte ko ano? Pero hindi dun nag tatapos ang pagbabayad ko ng utang sa magulang ko. kas mag boboard exam pa ako. Oo pagkatapos ng Graduation, aakyat na kami sa baguio para mag review, wag na magpatumpik tumpik pa, kung may pagkakataon naman mag review bakit hindi mo subukan diba? malay natin, baka mahabag ang diyos at ipasa ako sa unang take ko, Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ang dalawang letrang yun, Yun kasi ang pambabayad ko ng utang sa magulang ko, kahit dalawang letrang yun, napakalakas ng kapangyarihan yun, na buong angkan nyo matutuwa at ipagmamalaki ka, RN yes, RN. Masasabi ko kaya sa mga social accounts ko dito sa internet na `'Yes, RN NA AKO!!'' diba? paid off ang pagod ng magulang mo.

Aba, makakalimutan ko ba naman magpasalamat sa mga Instructor ko noong kolehiyo ako. Lahat kayo. Maam and Sir, Inaamin ko naman na hindi ako magaling, Slow ako minsan sa pagpipick up ng lesson nyo. Pero pinipilit kong intindihin kahit nahihirapan na ako, naiiyak na baka ibagsak nyo ako (sa kabutihang palad walang nagbasak sakin) kaya nagpapasalamat ako. Sa mga instructors ko. simula sa mga masusungit, pinahiya ako, mababait na instructors, sa nakabanggaan kong instructor sa ibang department kasi pinahiya mo ako sa hallway ng Faculty, Heh atleast hindi ako bumaba sa level nyo na porke may natapos na kayo eh mangpapahiya na kayo ng tao sa harap ng maraming studyante, Nag sorry naman ako sakanya, pero yun nagalit pa din ang loko. babae kasi sya. ehem, pero salamat kasi I learned the lesson naman na wag makipag daldalan at wag harangin ang hallway (alam nyo naman ang nature ng katawan ko lumba lumba joke)sa mga instructor na parang barkada ang turing sa amin, sa instructor na nag tap ng shoulder ko at sinabing "ipagpatuloy ko" kasi naka line of 8 ako sa klase nya, major subject yun ah, Ma`am hindi mo alam na, napalakas mo ang confidence ko sa ginawa mo at dahil dun nag aral ako mabuti para sa subject nyo. Sa mga instructor na naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay, sa pag aaral, ipagpatuloy nyo ang pagiging inspiration sa mga studyante. Salamat sa goodtimes, sa natutunan namin. Sa mga nag kukunwaring terror instructor na mabait naman pala kapag wala sa klase, mga professor na mukhang terror pero terror talaga, saludo ako sainyo. kahit tinakot nyo kami, atleast pinag igihan namin sa klase nyo, para hindi kami mabagsak. Kayo ang mga pangalawang Inay at Itay namin. Salamat po!!

Tuesday, March 11, 2014


Wala lang. Yung panahong stressed kami sa pag dedesign ng aming munting Garden. haha. 

Monday, March 10, 2014

Ito lamang ay aking nasa isipan. Masaktan ang matamaan.

Wag ganon, Wag bitter, Wag insecure. Wag Manliliit ng tao, porket matatalino kayong tao at isang beses lang nakataas yung isang taong nakabababa sainyo ay ang bitter niyo na, hindi lahat ng tao nasa itaas, hindi lahat ng oras nasa itaas kayo ng gulong ng buhay. Bakit hindi nalang kayo maging masaya sa isang tao na kahit minsan man lang nasa itaas sila, bakit kailangan manghila ng tao paibaba, bakit kailangan niyong maging sakim sa kasikatan, katalinuhan, bakit kailangan gusto nila lagi sila yung magagaling at makapangyarihan. Nakakairitang isipin na maraming ganyang tao, specifically sa mga c______ ko. ehem, to be honest masama ang loob ko, sa isang rason. di ko na kailangan sabihin di ko na kailangang ipaliwanag, gusto ko lang mailabas yung nasa isipan ko. Hindi ko kailangan makipag away para dyan sa kunting bagay, gusto ko lang mailabas yung ideya sa isip ko. Matatalino kayong tao, Alam namin 'yan, Oo. Highest kayo, sainyo na po ang number one slot sa klase, sainyo na ang Dean's lister, sainyo na ang line of 9 na average pero wala kayong karapatang manakit ng damdamin ng taong walang ginagawa sa pamamagitan ng pagpapatama, kahit indirect o direct pa 'yan. at wala kayong karapatang manghusga ng tao maslalo na't hindi niyo pa sya masyado kilala, alam niyo lang ang pangalan niya, kung ilan ang nunal nya sa mukha pero hindi niyo alam ang nilalaman ng kanilang isip at puso, Yung taong lang naman na ang gusto lang naman ay pumasa sa eksaminasyon, Hindi naman niya kayo sinasaktan, hindi naman niya kayo binangga, Hindi nya intensyon Kunin ang intablado niyo, sa kasikatang tinatamo niyo, hindi nya kinukuha ang katalinuhan niyo sa ginawa nya, inuulit ko ang gusto niya lang naman ay pumasa at hindi niya intensyon maging top at hindi maging fame whore kagaya niyo. 
Yo. Musta. Malapit na graduation at GOOD NEWS, Gragraduate po ako. Pero hindi 'yan ang mahalaga sa ngayon, yung mahalaga sa ngayon para sa akin kung first taker ba ako ng Board exam, kung matatake ba ako ng May o sa November pa. Sana nga perstake. Goodluck. Meron nga po pala kaming Graduation ball at ayaw ko umaattend pero once in a lifetime lang 'to kaya di ko nalang papalampasin kahit mabigat sa damdamin ko magsuot ng cocktail o ano mang formla dress at heels. shemay. tiboom ba ako. hahaha ayaw ko lang magsuot 'nun. ayaw!

Sunday, March 2, 2014

Dentistry, Maybe? Soon?


Dentistry, Maybe? Soon?

Bago ako nag college sinabihan ako ng lolo ko na mag dentistry ako. (Or ako lang nag isip 'nun) pero di ko sinunuod. After 2 years, sumakabilang buhay ang lolo ko..kagagaling ko sa school 'nun. Naka nursing uniform ako. Hawak ko pa noon yung anatomy and physiology na libro ko.. nagulat ako 'nung pagkapasok ko sa bahay nila.. nakita ko nalang sya nakahiga sa papag.. Malamig na sya. Matigas. Wala akong nagawa kundi maiyak nalang sa sulok. Hindi kasi sinabi sa akin na wala na pala ang lolo ko...

At isa sa pinaka pinagsisihan ko... na hindi ko sya binisita sa hospital noong panahong nagkasakit sya. Hindi ko alam kung anong rason kung bakit di ko man lang nadalaw.. masakit sa dibdib aminin. Nagsisisi ako. Wala ba akong kwentang maging nurse?

Bakit nasangkot ang lolo ko dito eh ang topic ay ang pagkuha ng kursong dentistry? Kasi Dentist kasi ang lolo ko, at mapapatunayan kong napakagaling nyang dentista.. 

Ngayong patapos ako ng kursong nursing. Iniisip kong mag aral muli. Para dalhin yung apelyido ng lolo at tatay ko. Sa larangan naman ng dentista.. Marami din nagtatanong saakin noon pa kung bakit hindi dentistry ang kinuha ko at bakit nursing.. malay natin yun pala ang propesyon na para sa akin.. kung di man ako makakapasa ng Board exam, di ako mag aaral ng dentistry pero kung papasa man ako.. malay natin.. mag aaral din ako ng dentistry. 


Sana nga..



Saturday, March 1, 2014

People are watching


Pinakasulit na album na nabili ko ever. Lahat ng tracks panalo! Walang mintis nahulog ako sa mga kanta. Galing nila. Maslalo sa paperskin!

Sunday, February 23, 2014

Apat na Letra

Bakit kaya, may isang taong nakikita mo lang sa paaralan at sa paligid mo, sa una hindi mo naman sila napapansin, hindi mo naappreciate yung taong 'yun, pero isang araw, marerealized mo nalang na, ayus pala ang taong 'to. gwapo o may something pala sa taong 'to.

Hindi ko alam kung bakit, sa tatlong araw lang na 'yun, lagi na ko syang iniisip, hinahanap. natutuwa ako kapag nakikita ko siya, naappreciate ko yung mukha nya, kahit di naman sya kagaya ng mga gwapo nyang barkada, na crush ng mga kaibigan ko, pero bakit hindi yung kaibigan nya ang nagustuhan ko na crush ng bayan, bakit kaya sya ang napansin ko? siguro may something sa ngiti na napadaan sa mga mata ko, na kahit na hindi para sa akin yung ngiti mo, na napatingin ka lang habang nakangiti dahil kinausap ako ng kaibigan mo, iisipin ko nalang para sa akin ang ngiting iyon, ganun naman ang infatuation eh, kahit hindi ka nya tinitignan o yung katabi mo ang tinignan nya sasabihin mong ikaw ang tinitignan nya. pakiramdam mo, may gusto yung tao kahit wala naman. bakit ganun? masakit sa dibdib na malaman na hindi ka gusto ng taong gusto mo.

Ikaw, oo ikaw! payo ko sayo wag ka nga ngumiti palagi, dahil sa ngiti mong 'yan, dyan ako nanghihina, nahuhulog ako sa infatuation o anong klase ng pakiramdam ito. Nakakalungkot kapag di kita nakikita. Ano bang meron sa ngiti mong bungi naman! hahaha.

Thursday, February 13, 2014

Bullet Proof


  • Ngayon lang uli nagkaroon ng oras para kausapin ang blogger ko, ngayon lang nagkaoras, katatapos ng eksaminasyon para sa semi finals, walang assignments para bukas, valentine bukas, ao koneksyon 'nun? hahaha. 
  • Halos patapos na ang huling semester ng huling taon ko sa kolehiyo, wala pa akong kasiguraduhang makakatapos ako dahil di pa tapos ang final exams tapos ang pre board, hanggang ngayon nag iisip pa ako kung makakapasa ba ako sa preboard? kung mag eexam ba ako ng May NLE o sa november pa. goodluck sa akin.
  • Katatapos ko ding napanuod yung OLD BOY, wala akong masabi sa movie na 'yun, AWESOME.
  • :-) wala na akong maisip na ipaskil.
  • Organizer pala kami ng isang major event sa school, napakaling pasanin. napakalaking pagsubok, sa preliminaries ng singing contest (Voice of the 21st Century) (yun yung event na hinahawakan namin) naging maayos naman bukod sa fail na mic at sound system. okay naman ang flow. sana sa finals mas okay na :-)
  • Nanuod din pala kami ng Starting Over Again ni Toni G. at Piolo Pascual, kasama sila Joshua, Jannine, Rovelen, Wendy, Emil and Princess! at ngayon ko lang narealized na napaka pogi ni Piolo huh (duh?) at nakapa ganda talaga ni Toni! <33 li="">
  • Meron akong bagong bili na CD, CD ng Sirens (OPM) syempre, masaya na naman ang tainga ko. New music, new voice! Hello Kuya Bram and Josh and others! :-)
  • May bago kaming aso, Si Mumu, Si Chubibo, Si Tiyong, Iisang aso lang po 'yan. Wala pa syang permanenteng pangalan, gusto ko sanang mumu, pero LAKAS ang una kong choice, hahaha.
  • Ikwekwento ko 'yan sa susunod na paskil ko. :-))


Monday, February 3, 2014

Apat na litratong naglalarawan ng buhay ko araw araw. *charot



▶ Papasok sa duty ng may araw, uuwi ng bahay may araw pa din?
▶ Gloves
▶ Estrangherong nanay
▶ Dugo
▶ Amniotic fluid
▶ Placenta
▶ Estrangerong baby
▶ Vernix
▶ Vitamin K, Hepa B, BCG, Oxytetracycline
▶ Stressfull na clinical instructor


Sunday, January 12, 2014

Halos kalalabas namin ng hospital ngayon. Tapos na duty namin sa delivery room. Walang masyadong pasyente. At natulog lang kami. Sa sarap ng tulog ko may nagsulat sa mukha ko gamit ang pentelpen. Mga kagroupmates ko. Nagalit ako. Puta.

Ngayon gutom naman ang kalaban ko. Di kami lumabas kanina para kumain ng lugaw. Kumain lang kami junk food. Grabe. Kakainin ko na ba yung baon kong nova o yung magic flakes na baon ko. Gaga

Ngayon ang luwas ng lola at lolo ko sa maynila. Nagpaalam na ako kahapon palang. Hinalikan ko sila sa pisngi at niyakap. Medyo maluha luha pa ako. Kung sakali di ko man sila maabutan umalis ng bahay (kasi nga pauwi palang ako ngayon!!) Mamimiss ko yung lola’t lolo ko sohobra! Yung tawa ng lolo ko na parang nahihirapan. Yung mahinang tawa ng lola ko kapag naglalakad kami papuntang bayan. Hay. Sana makapiling ko muli sila. Sana. At sana maabutan ko sila sa bahay para mahalikan ko ulit sila.


Tuesday, December 31, 2013

Happy new year! Good bye 2013. Hello 2014!!

Bago matapos ang taong 2013. Gusto ko mag blog post.

Gusto ko magpasalamat kay God. Dahil sa kabila ng lahat ng pagsubok, binantayan nya tayo, iningatan, nilayo sa mga masasamang bagay at pinatawad tayo aa mga kasalanan natin araw araw. Biruin mo di na mabilang yung kasalanan natin pero di pa din tayo pinapabayaan at binibigyan tayo ng biyaya araw araw. Maslalo na itong buhay natin na ito. Salamat ama. Salamat!

Nagpapasalamat ako kasi 19 years ko na nararanasan ang bagong taon at isa ang 2013 na bagong taon ay isa sa pinakamasaya dahil umuwi ang mamang, papang, tita mildred, tito jack at tatlo kong pinsan na si jared, jammile at jasmine. Andito din yung mga tita ko at mga pinsan kong matatangkad at magaganda't gwapo! masaya kasama ang pamilya. Kahit di ko kapiling ang nanay ko pero kunting tiis lang makakasama ko na sya sa marso.

Hindi mawawala ang salamat ko bago matapos ang taon. Nagpapasalamat ulit ako kay God. Sa buhay na ito. Napakangandang buhay. Salamat sa taon na ito.

2013: Challenging. Masaya. Maraming pagsubok. Masaya. Masaya.

Sana matapos ang taong ito ng may ngiti sa labi at magsimula ang 2014 ng may kasiyahan, may ngiti at may saya sa mata. Sana maging masaya tayong lahat. HAPPY NEW YEAR!!!! :-)

Saturday, December 28, 2013

Buwan ng kasiyahan (Di nga?)

November 28, 2013

Nagsimula ang duty namin sa COPAR, MASAYA, MAINIT, NAKAKABUSOG, NAKAKATUWA. Masaya magkipag interact sa mga taong di mo kilala, nagpapa BP, minsan nakaka inis kasi maraming demanding ang mga tao, naghahanap ng BP tapos kapag hindi na BP, magagalit. pero ayus lang naman. tsk. Pinakamasayang ginagawa namin ay, KUMAIN este makipag interact sa mga tao sa Tondo, Tondo din kasi tawag sa lugar na 'yun, na puro indigent, nakakatuwa, nakikipag away ako sa mga batang makukulit, nang aaway, tapos bibilgyan sila ng pagkain. Hindi ko maipapaskil ang mga litrato ko kasama ang mga bata, kaya naman sa susunod nalang ako mag papaskil, at magkwekwento ng mga experience sa community.

December 10, 2013

Dumating ang Lola, Lola, Tita, Tito at mga pinsan ko, hindi ako nakasama sa airport dahil may duty pa ako sa COPAR, kaya naman sa bahay na kami nagkita kita, halos maluha luha ako, nung mayakap ko ang lolo ko, tita at maslalo na nung nakita at mayakap ko ang lola ko!!! ang saya ko. salamat at nakauwi sila ng maayos at masaya. :-)

December 13, 2013

Christmas party sa COPAR at balak din namin pumunta ng baguio after ng duty. nagustuhan ni sir ang regalo kong UCHIHA! na tshirt hahaha, masaya din ako sa regalo kong Save me hollywood na CD at mga armando caruso na panyo ♥ Ang dami namin handa, Bake mac, Roll ham na may Bread crumbs, Liempo at Lechon manok courtesy by Sir Nabua, Fried chicken, etc. Busog kami syempre TEAM SARA kami, SARABUSABS.

Pagkatapos ng Christmas party, uwi na kami para makapag paalam ako, na pupunta ako ng baguio sa lola, papa ko, buti pinayagan ako, binigyan pa ako pera yaheee!
Natatakot pa ako magbyahe 'nun kasi friday the thirteen pero di naman ako naniniwala dun, at wala naman nangyari sa amin. hihi. nakarating kami ng baguio, mga 9:15 PM at kumain kami sa goodtaste at nagnight market kami hanggang napagod kami.

 December 14, 2013

Kinabukasan namasyal naman kami sa Mines view nagpapicture sa malaking aso, sa taas ng bundok ang saya. Sumakay kami ng kabayo aa wright park. ito perstaym ko sumakay sa kabayo sa una natakot ako sumakay pero di naman pala nakakatakot. kailngn mo lng pala isunod yung katawan mo sa paglakad ng kabayo. Haha. Di ko naman perstaym pumunta doon pero iba talaga kapag kasama mo ang mga kaibigan mo.


Walang kwenta ang paskil na ito dahil wala ako aa mood mag isip ng ipapaskil ko. Ilang linggo na din ako di nagpapaskil sa blog na ito. Di ko pa din mahanap yung kagustuhan ko magkwento. Yung paskil na ito ay pilit lang. Pilit!! Siguro sa susunod na taon ulit ako magpapaskil ng masaya at di pilit. Gulo eh.noh?


Monday, December 16, 2013

DISyemPRE.

Tinatamad ako magpaskil tungkol sa mga panyayaring nagaganap sa buhay ko ngayong disyembre, pero merong nilalaman ang drafts ko tungkol sa buhay ko, di lang ako masaya sa nilalaman nya kaya di ko pa kayang ipaskil, siguro tsaka na ako magkwekwento ng kwento ng buhay ko ngayong buwan na ito kapag nakapulot na ako ng inspirasyon.

Saturday, November 23, 2013

November 15, 2013

Duty ko kanina sa isang chu churva hospital, malapit lang naman yung hospital sa bahay namin, isang sakayan, 10 minutes or less na byahe. 6:30 ako nagising at 7am na ako nakaalis ng bahay, akala ko late na ako, maslate pa pala CI namin lolwhut?
Medyo di pa kami maka adjust dahil ang midwifery ang naassign na students sa amin, okay yung mga studyante, masaya naman sila kasama.. pero yung course nila, midwifery, medyo nagtataka kami. hindi, nagtataka talaga kasi bakit naman namin iheheadnurse sila at may limitations yung mga procedures na alam nila sa alam namin, U kno what I am saying? Yung nursing students pwede sila mag insert ng IV (pwede mo sila utusan), pwede mag administer ng meds (pwede mo ulit sila utusan kasi head nurse ka nga!feeling lang kami!) pero yung midwifery hindi nila pwede gawin yun. Okay okay never mind basta nag eenjoy na din ako kasama sila. :-)
May mga bagay na na observe ako sa loob ng hospital.
Naobserve ko na nawawala na yung galang sa matatanda.. Habang umaangat ang teknolohiya, nawawala na din yung Salitang "Magalang","Galangin"
Kanina,  may isang pasyente na MGH, may go home. Tinanggal na namin IVF niya, tapos yun voila uwi na sila lola! habang naglalakad sila kasama yung apo? anak? nya si lola pa nagbuhat ng unan na ginamit ni lola. di man lang yung bantay na bagong labas ng hospital, kagagaling sa hospital siya pa pinabuhat ng unan. ano naman daw ‘yun? dalaga yung bantay nya, so ang iniisip niya mawawalan siya ng poise kapag nagdala siya ng unan? well, buhay niya ‘yun bakit ba ako nakikialam? haha
Nung naglunch naman kami, lola na naman yung nagbebenta sa canteen na open for 24 hours, mag asawa sila na nag asikaso sa amin, na halos nahihirapan na sila sa pag saing, pag lagay ng ulam sa pinggan, nalilito na sila dahil nagkakagulo mga midwife kasi gutom na, kami nakaupo lang muna kasi marami pa naman yung ulam! hehehe. nakita ko sila naawa ako, pero hindi mo madeny na mayaman sila. naalala ko lang lola ko dahil sa suot nya, yung bistida na maraming swirls na kulay brown na hilig suotin ng matanda.. hihihihi tapos may kasama pang alpombra, mhen! si lola ko mahilig sa ganung porma! eh, tapos na kami kumain, dumating yung apo ni lola, mga nasa 6 - 8 years old ang edad, di nag sasalita kinakausap siya ni lola, tinanong kung kumain na. "ay walang bunganga?" nasambit ni lola, napansin ko wala nang "mano po" at napatunayan ko nga, di nga ako nagmamano sa tatay ko, pero gusto ko magmano pero lagi kong nakakalimutan huhuhuhu.  
Siguro nga, pagdating ng panahon extinct na yung mga salitang o kaugaliang ganun, pero wag naman sana dahil walang kasing cool, kung hanggang ngayon nagmamano ka pa din sa mga nakakatanda! Humahanga ako sa mga batang marunong magmano! Apir!!
Pero ito, highlight ng duty namin kanina, sobrang natouch kami ni ate lai kanina, parabagang  eye opener sa lahat.. Hindi naman lahat ng bantay ay wala nang galang, meron kasing bantay na lalaki, anak ng pasyente, humanga kami kasi yung nanay nya may sakit at nilalagnat, pinupunasan nya ito, inaalagaan, na touch kami.. kasi parang sa ngayon, mga anak (di naman lahat!) parang ayaw na minsan mag bantay sa hospital, naiinis pa kapag inuutusan ng nanay pero siya, wow, sa pag alaga nyang yun sa nanay nya, napatunayan nyang may utang na loob siya sa nanay nya. Sana ipagpatuloy pa nya ‘yun. pati na din sa tatay nya :-)

Wednesday, November 6, 2013

50/50 Spoilers. I mean review.


So ito ata ang una kong Movie review kuno dito sa blog na 'to kung di ako nagkakamali. Mahilig ako mag movie review sa tumblr pero walang kwenta. hahaha.

Nalaman ko itong movie na ito dahil nabasa ko ito sa isang blog sa tumblr, sinabi nya na nakakaiyak daw . I downloaded it and watched it at midnight. I didn't expect that I will cry too much and will cause my nose to congest and it will cause my eyes to swell. Sabi ko nga sa twitter, "Mga Isang tabo ang luha ko" At first, I thought the movie is boring but in the middle, I find it very sad and heartbreaking because of adam (the main character) experienced "broken heart" late siyang sinusundo sa hospital after chemotherapy at yung bestfriend nya nalaman nya sa isang art exhibit na nangla lalaki yung girlfriend nya sa kalagitnaan ng chemotheraphy nya, and they broke up after that night. I really love his bestfriend, Kyle. he's really true friend and di nya iniwan si adam all throughout sa pag laban ni adam sa cancer, very touching. I really like the actress na theraphy doctor, si katherine. Siguro dahil may chemistry sila ni adam or what. basta gusto ko siya. sana may movie pa silang dalawa. Kilergs. Over all, yung movie nakakaiyak, the best siya panuorin sa gabi, para pag gising mo ng umaga may eye bags ka na and swell eyes.

The lesson to this movie, Keep the faith to God, Don't leave your friend behind if your friend faces problems, love your parents, appreciate the things that the parents want to do with you, Be happy, Think positive, Find your happiness.

Rating: ★★★★★★★★★★ 10/5

Monday, November 4, 2013

Fourth Year Second Sem First Day 4Y2S1D.

First day of second sem? Not Bad. Tawa lang kami ng tawa, Lecture agad tungkol sa COPAR, nakaka antok talaga ang mga topics tungkol sa Community, kaya naman nakisama din ang sipon ko, sakto uminom din ako ng neozep na ang alam ko nakakaantok 'yun. sheez, para akong tinusukan ng pampatulog dahil bumabasag na mata ko at nasa harap pa ako, kapag mag sasalita si sir, nagugulat ako kaya ibubuka ko yung mata ko. ang hirap magkasipon. virus!

Nalaman din namin yung schedule namin sa duty at nabuang ako dahil mauuna ang head nursing, pakiramdam ko hindi pa ako handa mag duty kasama ang lower years at baka mas matalino pa sila kesa sa akin, well, this is challenge for me,and I know I can do it, di ako makaka tapak ng fourth year kung di kaya. Ok, think positive!

Wish ko lang naman ngayon eh, sana maging healthy ako para maiwasan ang pagliban sa klase, ang hirap na lumiban sa mga duties dahil may kapalit itong make up duties at mapapagastos pa, I hope mawala na sipon ko at di na madagdagan sakit ko, uso naman ang cold and cough ngayon dahil malamig ang panahon, weather be steady naman. hahaha. bawal cool eh, malamig na nga eh! k korni.

Another challenge again, and I know God will help me and I know I can do it. 



Saturday, November 2, 2013

OPM

Napakaraming banda ang napakagaling dito sa pilipinas, hindi lang sila sumisilkat dahil ibang tao o grupo ang nakakakuha ng kinang na dapat na sa kanila, masaya ako dahil naabutan ko ba yung panahon na ang laman lang ng MYX Channel ay puro banda at halos walang halong ibang artista na hindi naman dapat sila karapat dapat, yung mga stasyon ng radyo, panay banda ang laman, kaya kahit araw araw pa ako 'nun nakikinig radyo, dahil maganda ang mga pinapatugtog nila. 

Youtube, ang pinaka makabagong teknolohiya na pwede kang manuod kahit mag sawa ka, makinig ng musika, mag promote ng musika, pwede ka sumikat at makilala sa iba't ibang parte ng mundo, pero dito din maraming nagpapa feeling critic, nang babash, ang mga isip ay tila talangka.

Napansin ko sa ilang taon kong pakikinig at panunuod ng musikang pinoy sa youtube, mga pilipino lang ang nakita kong sariling kalahi ang hinahatak paibaba, imbes na itulak pataas, hinahatak nila ito pababa, Sa panunuod ko sa mga bandang indie, yung mga bandang wala pa sa mainstream, napansin ko sa mga comment box ng kanilang video ay napakaraming haters, bashers at kung ano mang tawag sakanila, Kagaya ng isang bandang may bokalistang babae, sinasabi sa comment box na ginagaya daw si hayley ng Paramore, Flyleaf at kung ano ano pang banda na sikat na galing sa ibang bansa. madaming nag aaway, kung bakit daw walang originality.. Bakit kaya ganun ang ibang pinoy? bakit hindi nalang ito suportahan, hindi nalang ito iangat pataas, imbes na hilain pababa? bakit nila tinitignan yung mga negatibong bagay kesa sa positibong bagay, magaling ang bandang 'yun at may potensyal maka angat sa mainstream, kunting suporta lang ay sisikat na sila. 

Meron ding isang banda na sobrang galing nila,(fan na nila ako!) pero di rin maiwasan ang haters sa youtube, hinahalintulad sila sa SAOSIN, daw.  SAOSIN NG PILIPINAS. Pero bakit, originality na naman ang issue dito, bakit hindi nalang nila suportahan ang OPM? okay na yung tulakan eh! (Bibili ako ng album nila within this week, at totoo 'yan!)

Meron din namang isang banda na Sikat,  nakita ko na sila nito lang october, kakaiba ang musika nila, ORIGINAL, Sige papangalanan natin silang SILENT SANCTUARY. Kung naghahanap sila ng ORIGINALITY, bakit hindi nila suportahan itong bandang ito? Original ang musika, walang kaboses, magaling, walang kamukhang sino mang foreign bands. 

Kung ayaw nila ang musika ng isang banda, di na nila kailangan ipagsigawan sa mundo, na wala silang originality, na kaboses nila si hayley williams o kaya naman si Lacey Mosley, Kung ayaw nila, sana wag nalang nilang pakinggan o hanapin ang negative side at imbes na mang bash sila, suportahan nalang nila ang OPM.

Friday, November 1, 2013

Humors

Minsan o lagi nalang nakakainis sa facebook. madaming nag aaway, madaming nagpapatama sa isa't isa, basagan ng trip na kung di ka makakasakay sa trip, maasar ka, iba na talaga ngayon ang facebook, na dating tahimik at ngayon puno ng kaepalan. minsan nakakainis, minsan nakakabwisit na, meron dyan nagpapatama sa mga kaaway nila. sa dating comfort zone ko naging inis zone ko. minsan ayaw ko na pumunta sa facebook, kasi puro basagan ng trip, tapos mga nakakainis na tao, na puro jejemon umasta. ewan ko, kung nababasag din yung trip ko at nambabasag din ako ng trip. siguro sa dalawang yan. pero nambabasag ako ng trip sa isip ko lang at di ko na kailangan ipaskil sa news feed. yung mga basagan ng trip sa fan page na napagpasa pasahan na iba't ibang accounts sabihin na nating, nakakatawa, pero minsan sobra na, nakakainis na. tsk. pero ganun naman tayong mga filipino eh, malakas ang humor natin, pero kapag tayo na ang pinapatamaan, nasasaktan at naasar tayo (hindi naman sa natatamaan ako sa mga humors na yan) gayun pa man, nasa tao lang 'yan kung paano tayo magdala sa mga kalokohan at kung may pinag aralan ka, di mo na kailangan ipagsigawan sa facebook na may kaaway ka, kung totoo kang tao, tambangan mo. jk

November 1

Habang busy ang lahat sa kani kanilang business, halloween, parties, bisita sa kani kanilang yumaong pamilya, inuman, birthday parties (pansin ko madami may birthday ngayon!, happy birthday sa pinsan ko, Bornok) . kami wala lang, chill normal day, nuod ng movies, kain, meryenda, kinig ng musika. pansin ko din last year, November 1, nagpunta ako urdaneta mag isa, at para akong zombie mag isa namasyal.

Naka isang nuod na ako ng movie ngayon, STOLEN ni Nicolas Cage, ang susunod, ZOMBIE LAND na halos katatapos lang ma download. Pinapanuod ko 'to sa internet sa megashare pero hindi ko natapos dahil tila pagong ang internet connection ko.

Umuulan na naman ngayon, at sakto ang sopas na inihahanda ng kuya at tatay ko ngayon, yikes!
Boring naman. Manunuod na kami, perpekto sana kung luto na yung sopas! hihihihi~


Saturday, October 26, 2013

Jenny and Juno Kiddos.

Hanga ako sa mga studyanteng pinanindigan nila yung anak nila. Yun kahit nasa ika huling taon na nila, kahit next year ay magtatapos na sila sa pag aaral, pinili pa din nilang buhayin yung anak nila, kahit nasa isip man nila na ipalaglag yung anak nya sa una, pero sa huli hindi nila ginawa, sinakripisyo nila yung isang taon, syempre, habang buhay mo ba naman makakasama ang isang bata na hindi mo alam, magiging isang matalinong tao pagdating ng panahon diba at yung isang taon na nasayang na pagbubuntis eh, mas malaki yung kapalit. Ang galing lang nila, maslalo na kapag pinanindigan pa ng tatay. Saludo ako sa mga tatay na ‘yun. syempre sa mga nanay! Ikalawa kaya ang panganganak sa pinakasakit na mararanasan ng isang tao, kasunod ng burning alive.

Isa pa, napanuod ko din yung JENNY and JUNO. hindi ko pa sya tapos panuorin, pero hanga pa din ako sa lalaki, kay juno kasi pinanidigan niya yung anak nila ni jenny. kahit madaling araw bumibili sya ng pagkain na gusto ni jenny kasi naglilihi. sana lahat ng kabataang nabubuntis, ganun kay jenny at juno, pero!!! sana wag nila gayahin yun, yun bang maaga silang magbubuntis, diba? masakit kaya tignan na ang mga magulang na umiiyak kasi nalaman nila na buntis o nakabuntis ang anak nila.. Aral muna tayo! :-)

Thursday, October 10, 2013

Silent Sanctuary Hang Over

Pumunta ako dito sa blogger para wala lang.. Pumunta ako dito wala naman akng naiisip na ipaskil. at bigla kong naalala yung pumunta kami sa gig ng silent sanctuary sa SM Rosales October 6, linggo. as usual, perstaym ko sila nakita, na napanganga lang kami ni jannine habang tumutugtog sila kasi ang galing nila maslalo na si chino na  tumutugtog ng violin at anjo na tumutugtog ng cello. ang galing nila, bihira ang may tumutugtog ng mga ganoong instrumento sa halos lahat ng OPM bands na alam ko, at isa sila sa mga pinaka magaling na banda, pinaka kakaibang tumugtog,at meron silang pinakamagandang kanta na halos lahat ay alam ko kantahin. kaya naman nung nalaman kong tutugtog sila sa SM rosales, sinigurado kong makakapunta ako, kahit mag isa ako, kahit umulan at kumidlat. Pero hindi naman ako mag isa pumunta dahil kasama kong pumunta sa gig si jannin ena halos mapanganga din nung tumugtog ang SS, dahil frustrated violinist (ata) si jannine kaya humanga siya kay anjo at chino.. Napakasaya ko nung nakita ko sila sa personal at haranahin kaming lahat kahit lalaki, kinilig sa mga kanta nila. Sana maulit ito para makita ulit sila. Napasaya ko walang duda, na hanggang ngayon halos araw araw ko pinapaikot ang CD nila sa Portable CD player ko, at pilit minimemorize ang mga bago nilang kanta, napakagandang musika nga naman, Salamat Silent Sanctuary sa maganda musika, sa pagpapakilig sa katulad kong fangirl, hihihi. Mahal ko kayo specially kay koya Jason rondero na napakabait!! < 3


Set

 Its playing time! Daming kinikilig! Isa na ako dun!


 
Kasama ko sa gig. Jannine, na crush si CJ, sino yun? yung kasama ng SS. hihihi

 

Pati sa album may pirma hihihi


Gaassh, kasama ko sila araw araw!!! Dahil sa pirma nila sa bag ko!


 
Funny chino!