Noong first week namin, KABA at KABA sa dib dib ang nadarama namin, we are expecting na baka nga violente ang pasyente pero nagkamali kami. mababait ang mga pasyente, sabihin na natin na weird sila, pero kapag nakausap malalaman mo na hindi sila violente lagi, mababait silang lahat, kapag nandun ka na sa loob ng ward, parang iniisip mo na baka ganito ang mangyari pero hindi nangyari sa amin ang expectation namin, maraming bawal sa loob ng ward, bawal ang ballpen, alcohol, sharp objects, chocolate, cellphone, bawal ang yosi, halos lahat bawal. bawal pakainin ang patient ng cheese at chocolates kasi yung cheese at choco may tyramine it affects the therapeutic effects of MAIO'S. bawal. Kaming mga studyante ng PUNP, kapa mode muna kami kasi first time namin dun, nalaman namin na super ang daming activities ng mga patients, kaya naloka kami, araw araw kami magpapaexercise, magpapakain, hindi gaya sa normal na hospital duty lang na magsasawa ka din sa walang katapusang vital signs, doon, magsasawa ka sa araw araw na activities, at maiinis ka kasi araw araw o gabi gabi ka din mag iisip ng exercise at games, pero sa kabila ng inis at sawa mo, Mag eenjoy ka sa isang buong 4 hours na duty mo. kasi masaya sa mental hospital, maraming activities, araw araw kausap mo sila, halos lahat ng pasyente gusto mo, makausap at malaman ang history nila. kung bakit andun sila, ang pinaka paborito kong patient ay si Mr. A, Mrs. E at yung anak ni Mrs. E at syempre yung naging patient ko, si Ms. P, The day bago ang socialization, nagkaroon kami ng parang biglaang music therapy, nagkantahan kaming lahat, yung patient magbibigay ng song at kami ang kakanta, kakantahan namin siya, tuwang tuwa sila sa ginagawa namin sa kanila, after 'nun, nakinig naman ako sa jamming nila Mr. D at mga classmates ko, nag gigitara si Mr. D, at 'yun nalaman ko na mahilig sya sa parokya, nirequest kong parokya kakantahin niya, kinanta niya Alumnihomecoming. kumanta kaming dalawa. tinanong ko din kung ilang taon na siyang nag gigitara, isang taon na daw. at dahil doon, nainspired ako ulit tumugtog ng gitara. after ng music therapy, nag drawing sila. sad music ang pinatugtog, halatang malulungkot sila dahil color black ang kulay na ginamit nila, nakakapag taka, dahil si Mr. D, nidrawing niya, isang nitso na may pangalan niya at mamatay daw siya taong 2060, nagulat kami doon.
Noong last duty namin, ginanap ang socialization, ang saya ng socialization, ang daming games gaya ng Bayong o Pagkain, Marshmallow eating contest, tapos sumayaw din yung mga patient sa pangunguna ni Mr. J, tapos kumanta kami ng Price tag at hawak kamay ni armee at kasama ang gitarista na naming si Mr. N. Noong mga huling dalawang araw namin, nakaranas ako ng depression, kasi ayaw ko pa umalis sa mental hospital na 'yun, halos napamahal na din kasi ako sakanila, sa mga activities na ginagawa namin araw araw parang na enjoy ako, ang hirap sila iwan, nakakalungkot. sa bonding na 'yun, hanggang doon nalang 'yun, doon na matatapos, pagkatapos ng ilang taon, pwede ka nila makalimutan o kaya naman pwede mo sila makalimutan, pero hindi ko sila makakalimutan, napakabuti nilang tao at gusto na talaga nilang magbago o gumaling ng tuluyan, at yun naman yung panalangin ko, na gumaling na sila at bumalik sa mga pamilya nila. Sana hindi nila kami malimutan. =)
Exercising with patients
Packing Prizes for daily games!
During our Socialization! with my closefriend/classmates
Our theme. lol
with our CI!
My close friends!
with our whole group! group 1 & 2
Sa mental may rule na bawal mag upload ng pictures with patients kaya ayun, walang pictures with patients, sayang hindi ko maipapakita yung kumanta ni ate armee at ako with Mr. N! After namin mag duty, narealized ko, gusto ko na din maging psychiatric nurse. soooon!
.jpg)








3 comments:
Hi po, isa po din po akong nursing student. Lubos pong nakaka-inspire ang experience mo ate dahil un din po ang naisip ko nung magduduty kami sa mental hospital. Sige po, keep up the good work and continue to write and inspire us :))
-Ms. B
Hi po, isa din po akong nursing student. Lubos pong nakaka-inspire ang experience mo ate dahil un din po ang naisip ko nung magduduty kami sa mental hospital. Sige po, keep up the good work and continue to write and inspire us :))
-Ms. B
Hello Ms. B, Goodluck sa Affiliation mo sa Mental! Enjoy ka lang at wag kabahan! Salamat sa pag comment, atr sabi mo nga nainspired ka, ako din nainspired dahil sa isang comment mo lang, salamat :-)
Post a Comment